Chapter 3

43 3 0
                                    

Lunch break:

Pasakay na ko ng bike ko ng harangin ako ng isang lalaki. Siya yung lalaki sa exit kahapon. Yung anak daw ng mayor.

"Hi." He flash a boyish smile at me showing perfect set of teeth.

Nagtaas lang ako ng kilay sa kanya.

"I just want to be friend with you. My name is Enzo Jay Valdez. And you are?" Naglahad siya ng kamay.

Pinag-isipan ko pa kung tatanggapin ko ang kamay niya. Sa huli ay inabot ko.

"Sunshine Roxas. Grade 10."

"We're are you heading?"

"Home. Umuuwi ako ng bahay kapag lunch time para kumain." Kimi akong ngumiti. Medyo puzzled pa sa biglaan niyang pagkausap sakin.

"Ganon ba? Sayang naman yayayain sana kita kumain sa cafeteria. Wala kase si Marco. Maybe next time?"

"Hmmmmn. Sige. See you around then." Paalam ko bago tuluyang umalis doon.

Come to think of it. This is the first time na may ibang lalaking lumapit sakin. Di naman ako panget. Panay din ang puri sakin ng mga kakilala at kamag anak ko. Pero pagdating talaga sa school. Walang lalaking lumalapit sakin ng ganito. Si Enzo palang. Napangiti ako sa iniisip. And he's nice naman pala. Masyado lang akong nadala ng inis ko kahapon kaya nakapag-taray ako. Ikukwento ko to mamaya kila Jessa tiyak na maiinggit sakin ang dalawa.

Di pa ko nakakalayo ng may malaking bagay na bumangga sa tagiliran ko. Dahilan para ma tumba ako sa bike ko. Napahiga ako sa sahig habang dumadaing.

Natigilan yung ibang mga estudyante na palabas ng gate at nagbulong-bulungan.

"Si Roxas pala! Hindi kita napansin." Sabi ng Grade 12 na lalaki. Isa siya sa mga nakabangga rin sakin kahapon dito. Mukhang nagtutulakan sila ng mga barkada niya kaya nasagi ako.

Pinulot ako ng isang matipunong bisig at tinulungan akong tumayo. Si Enzo yun na pinulupot ang braso sa akin bilang suporta. Seryoso niyang tinignan ang lalaki sa harap namin. Uminit ang pisngi ko dahil sa lapit niya sakin.

Maging si Mang Luis na guard namin ay lumapit at tinayo ang bisikleta ko.

"Mag sorry ka kay Sunshine." Seryosong utos ni Enzo sa lalaki.

"Ano Valdez? Pinagsosorry mo ko sa batang yan?" Reklamo niya.

Wala talagang modo. Kahapon pinagbigyan ko na sila. Inulit parin ngayon.

Tinabig siya at binulungan ng apat niyang kasamang pawang mga senior din.

"Gago ka ba Rey. Anak yan ng mayor! Gusto mo bang malintikan." Di nakatakas sa pandinig ko ang mga sinasabi nila.

"Nang-gugulo ba ang mga senior ba to?" Tanong ni Mang Luis.

"Kahapon pa sila nangbabangga sakin?"

Masakit. Masakit ang mga tuhod ko dahil yun ang direktang tumama sa sahig. Maging ang kaliwang palad ko pakiramdam ko may gasgas.

"Binangga ka nila kahapon?", sabi ng lalaki sa di kalayuan.

Napalingon kaming lahat. Kuya Claud is standing there angrily staring at the seniors.

Namutla yung Rey at agad na sumagot.

"Claud. Claud Jimenez. Hindi. Hindi ko yun sinasadya. Ano kase......", tinabig niya mga barkada niya."Tinutulak kase ako ng mga barkada ko. Gusto kase nila makipagkaibigan sa kapatid mo."

Till They Take My Heart Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon