Hindi ako mapakali. Pabalik-balik ako ng lakad dito sa kwarto ko. Nakabihis na ako ng jogging pants at jacket. Tahimik na ang buong bahay namin. Tulog narin sila mommy at daddy. Pero wala parin si Claud! It's alreay 11:30pm. Habang tumatagal lalong nadadagdagan yung kaba ko.
Tumatawag din sakin si Enzo pero ayoko sagutin. Kase what if makita ni Claud ang mga text ko at maisipan akong tawagan. Tapos busy line ako.
Nagulat pa ako ng tumunog ang phone ko. Nag text siya. Nasa gate daw siya. Lumabas ako agad.
Malamig ang gabi. Nitong mga nakaraan panay ang ulan dahil sa bagyo. Buti na lang ngayong gabi ay hindi.
Binuksan ko ang gate namin.
Andon siya, nakasandal sa may malapit na poste. Nakapamulsa ang mga kamay. Hindi parin siya nagpapalit ng damit. And he look sad. It pains me.
"Where have you been? I'm so worried." I hug him immediately.
Ngumiti siya sakin. "I saw that you enjoyed your party."
Agad akong umiling. "Pano ako mag eenjoy wala ka sa tabi ko. Saan ka ba nanggaling bakit ngayon ka lang?"
Tumaas na ang boses ko. Naiinis ako pero at the same time I feel releived. Whatever his reason tatanggapin ko. Ang importante andito na siya ngayon.
Hinawakan niya ko sa magkabilang braso.
"Shine, listen. For now I have to move out from the house. Pero babalik ako okay. Aalis lang ako because I need space. Babalikan kita whatever happens."
Ito yung isa sa mga araw na kinakatakutan kong mangyare. Bakit ngayong birthday ko pa. Naiiyak ako.
"Bakit Claud?"
"Your dad wants to adopt me legally. Pero hindi pwede yun! Kahit kaylan di ako papayag. Kahit ano pang i offer niya sakin hindi magbabago ang isip ko."
"Claud, matagal ko ng alam ang balak ni daddy. Pero umaasa ako na magbabago ang isip niya kaya hindi ko na sinabi sayo. Alam kong hindi ka papayag. Pero natatakot lang ako sa kung anong pwedeng gawin na daddy?"
Hinaplos niya ang buhok ko. Ano ba yang haplos niya nakakaiyak. Suminghot ako. Nanunuot ang lamig sa ilong ko.
"Wag mo na yung alalahanin pa. Gagawa ako ng paraan. Pagkatapos nito hindi na tayo maghihiwalay ulit."
"Ayokong umalis ka? Saan ka tutuloy ? Pano ang pagkain mo? Pano ang pag-aaral mo? Pano .........pano ako?"
Sa dami ng alalahanin ko para sa kalagayan niya. Nangingibabaw parin yung pag-iisip ko na pano ako. Pano ako mabubuhay ng wala siya. Never yata sa isip ko na may pagkakataon na nalayo siya sakin. Dati ay okay lang. Pero ngayon, hindi na pwede.
"Don't worry okay. Magiging maayos din ang lahat. Wag mo na problemahin remember it's still your birthday."
Ngumuso ako. "Patapos na."
"But still." Tumingin siya sa relo. "I still have 15minutes. Ang pinaka importante parin ako yung last na kasama mo sa huling sandali ng birthday mo."
Despite the bitterness I feel I smiled at him.
Tinaas niya ang kamay at pinakita sakin ang isang white gold na necklace. Hinaplos ko ang pendant at tinitigan kong mabuti. The pendant is a cloud shape.
Natawa ako kahit na mas lalo akong nalulungkot kapag ganitong sweet siya sakin. Mas lalo ko siyang hahanap hanapin. Sinuot niya sakin ang kwintas habang magkaharap kami kaya halos nakayakap na siya sakin. Pumikit ako para namnamin ang sandali.
BINABASA MO ANG
Till They Take My Heart Away [COMPLETED]
Novela JuvenilMy name is Sunshine Roxas , I'am a miracle baby. Akala ng magulang ko hindi na sila magkakaanak kaya inadopt nila ang anak ng bestfriend ng mommy ng mamatay ito. He's name is Claud Lindon Jimenez. I grow up being dependent to him. Dahil na rin sa pa...