Chapter 30

63 1 0
                                    

-Thank you for coming this far ❤️ Still thinking tho kung gagawa rin ako ng romcom story nila Jessa,Enzo and Marco? 🤔

   Days went by smoothly. Nagsimula ang renovation ng bahay. Magkatulong kami ni mommy sa remodelling ng bahay. Monday to Friday ay nasa restaurant ako. Tuwing sabado naman ay dinadala ni kuya Denise si Athena sa bahay kaya di ako naiinip. Minsan naman ay lumalabas kaming tatlo nila Claud. Si Ate Shiela ay may trabaho na sa Manila. Mukhang masaya naman na siya doon.

   The wedding preparation is hard too. Ang dami palang detalyeng kaylangang ayusin. Mabuti na lang ay parehas kaming on-hand ni Claud kahit na parehas na busy sa business.

   And today, June 9 we decided to tie the knot. Pinili ko ang resort as a venue dahil gusto ko ng beach wedding. Patapos na ang preparation ko ng pumasok si mommy at daddy. Agad nila akong niyakap. Umiiyak na si daddy ng mga sandaling iyon. Tumatawang inalo ko siya.

   Nagalit ako kay daddy. Nagalit ako sa pangingialam niya sa buhay ko. Pero kung di nangyare yun siguro ay hindi ako maggo grow. Kinaylangan naming magkalayo ni Claud para mas mapatatag pa ang pagmamahalan namin. Para marealize namin na kahit gano pa kami kalayo wala paring papalit sa isa't-isa.

   Sunod na pumasok sa suite ko ang mga kaibigan ko. It was so hard opening up to them. They we're both shock at my revelations pero sa huli ay naging masaya sa kinahinatnan namin ni Claud. Nagkausap at nagkaayos din kami ni Enzo.

   Niyakap ko si Enzo na mukhang nagsusungit. Siya ang best man ko. Maging si Jessa na made of honor ko ay nakasimangot din.

   "Ano ba yang mga mukha niyo. Mahiya naman kayo sa kasal ni Shine? Kanina pa kayo nag-aaway," reklamo ng nakangiting si Mikaella.

   Saglit pa kaming nag-usap. 30 minutes before the wedding umalis na silang lahat bukod kay Jessa. She doesn't look okay.

   I held her hand. "Bakit?"

   Napatingin siya sakin. "Kase naman Shine. I think I'm inlove with Enzo pero wala namang ibang bukam bibig kundi ikaw. Ikakasal ka na nga pero yung tingin sayo ang lalagkit parin."

   "Wooow, what?"

   "Naalala mo ba nung nagbakasyon tayo dito sa resort tapos doon ka pinatulog ni Claud sa bahay niya."

   "Oo."

   "Tangina Shine. Bumalik si Enzo sa suite lasing na lasing. Tapos ano..... tapos ayon may nangyare samin. Tapos kinabukasan inaway niya ko kase bakit daw hindi ako pumalag alam ko naman na lasing siya. Eh anong magagawa ko. Mahal ko lang naman siya."

   Ang bilis magsalita ni Jessa pero nakuha ko lahat ng sinasabi niya. Natawa na lang ako.

   I was walking in the sand with my flat samdals. Mainit init ang buhangin sa paa ko pero masarap ito sa pakiramdam. Nakaagapay ang mommy at daddy ko sa mga gilid ko. Di parin matigil sa pag-iyak si daddy. Sa ilalim ng belo ko malinaw ko paring natatanaw si Claud na maligayang nag-aabang sakin sa harap ng altar. I smile at him as tears roll down my face. Nadaanan ko ang cute na cute na flower girl ko na si Athena kasama si baby Lexa.

   Ng makarating sa harap ng altar halos ayaw pa ibigay ni daddy ang kamay ko kay Claud. Pinigilan lang siya ni mommy.

   "Yung bilin ko Claud wag mong kakalimutan" saad ni daddy.

   Natawa si Claud. "Opo, makakaasa po kayo. Hinding-hindi ko po sasaktan ang anak niyo. Mahal na mahal ko po siya."

   Sa dinami-rami ng bilin ni daddy hindi ko alam kung alin doon ang tinutukoy nila.

Till They Take My Heart Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon