Napatingala ako sa bahay namin ng makababa sa kotse ni Enzo. Walang masyadong nagbago. Bukod sa mas matatayog na ang mga puno sa bakuran namin. At ang gate namin ay nagkulay puti na. Yung gate namin! Bitter memories flushed my mind.
Hindi na si Manang Nila ang katulong namin ngayon. Two years ago nagkasakit siya ng malubha dahilan para tumigil siya sa pagtatrabaho kila mommy. Ang apo na niyang si Ali ang nagsisilbi sa mga magulang ko. Bata pa si Ali I think she's still a teenager. Kawangis na kawangis ni Manang. Pinagbuksan niya kami ng gate ni Enzo.Binitbit ni Enzo ang luggage ko ng pumasok kami ng bahay.
Kinuha ko ang luggage pagdating sa sala. "Thank you Enzo for your help. Nakakahiya inabala kita."
"Sus Shine. Never kang naging abala. Oh pano aalis na ko. Wag mong kalimutang kumain muna bago magpahinga please."
Masaya akong tumango.
"Nasa iyo na ang number ko. Kapag nakabili ka na ng local sim wag mo ko kakalimutan kontakin para ma set ko na ang lakad natin nila Mikaela. Papauwiin ko rin si Jessa." Kumindat pa siya bago umuwi.
I lay down in bed that night with mix emotions. Happy to meet some old people. And sad to realize what made me go home.
I hugged my pillow. Lola, namimiss na naman kita! Suminghot ako. I was filled with nostalgia.
Nagising ako kinabukasan dahil sa pag haplos sa buhok ko. Mahapdi ang mata ko dahil sa pag iyak kahapon. Pero I feel lighter, calmer I can say. Medyo nakatulong ang kaisipang nakauwi na ko at nakita ko na ang Lola ko. Naging mas at peace ako.
Walang ibang tao sa paligid. Weird, I felt someone's else presence awhile ago. I look up at my clock. It's already 10 am. I overslept. Kaya pala mas maganda na ang pakiramdam ko ngayong araw. Two days from now ay libing na ni Lola. Masigla akong bumangon at naligo. I wore a black t-shirt, maong short and a black sneakers. Tinali ko rin ang mahabang buhok.
Lumabas ako ng kwarto at nakita si Ali na nagpupunas ng mga mwebles.
"Ate Shine, gising ka na po pala. Ipaghahanda na kita ng almusal."
"Yes please." Dumeretso ako sa dining area. Hindi nakatakas sa paningin ko ang isang kwarto magdaan ng sala. Claud's old room. Ano na kayang itsura nito ngayon. Siguro ay bodega. Nilagpasan ko ang kwarto.
Habang nag-aalmusal ako ay dumating si daddy kasama ang bibong si Athena. Magkakasabay kaming kumain sa hapag. Nalilibang ako ni Athena sa walang humpay niyang kwento. Hindi ko talaga maiwasang maalala si Lola sa batang ito.
"Ate Ganda, who's your favorite Disney Princess?", she asked while munching her cereals. "Mine are Ariel of Little Mermaid and Cinderella."
"I don't have any."
"Why?"
"Because fairy tales aren't for real darling." Savage it is.
Makulimlim ng araw ng libing ni lola. Mabigat ang katawan ko noon dahil siguro sa kakulangan sa tulog at sobra sa pag-iyak. Hindi ko talaga mapigilang manibugho kapag naiisip na malapit na namin siyang ihatid sa huling hantungan.
I wore a long sleeve black dress. Black pearl earrings and my black boots. Kasama ko sila mommy at daddy habang naglalakad sa likod ng karosa. Pinipilit nila akong sumakay na lang sa sasakyan sa likod pero ayoko. Gusto ko malapit ako sa kanya. Hindi matigil ang pagpatak ng luha ko. Nasa likod ko sina Enzo, Jessa at Mikaella. Bakit sa ganitong pagkakataon pa nangyare ang reunion namin. Sa bagay hindi naman ako mapapauwi ng simpleng bagay lang.
BINABASA MO ANG
Till They Take My Heart Away [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsMy name is Sunshine Roxas , I'am a miracle baby. Akala ng magulang ko hindi na sila magkakaanak kaya inadopt nila ang anak ng bestfriend ng mommy ng mamatay ito. He's name is Claud Lindon Jimenez. I grow up being dependent to him. Dahil na rin sa pa...