Chapter 28

40 1 0
                                    

   Waring: Nilalanggam ang chapter na to sa sobrang sweet ❤️ Claud's tattoo ☝🏻☝🏻

  
   Tahimik lang kami ng ilang sandali. Nakasandal ako sa dibdib niya habang hinahaplos niya ang buhok ko. We're very intimate. His other hand is holding my legs para makaupo ako sa kandungan niya ng maayos. Kung noon nangyare ito malamang natulak na niya ko.

   Malayo ang tingin niya siguro ay binabalikan niya yung mga nangyare sa kanya noon.

   And for that was a big blow. Gusto kong magalit sa sarili ko na naging makasarili na naman ako. Sariling sakit at hirap ko lang inaalala ko. Kase saming dalawa mas masakit ang pinagdaanan niya. At ngayon naiintindihan ko siya kung bakit niya ginawa yun. Kahit na nga ulitin pa ang nangyare dati mas gugustuhin ko parin na tinaboy ako ni Claud para sa lola niya. Handa rin akong magparaya. Hindi ko man ginusto ang paraan niya pero nangyare na. Sa ngayon ang dapat nalang naming gawin ay itama ang lahat.

   "Pano sila daddy?"

   "Nag-usap kami ng daddy mo nung nakaraang araw ng nakita niya tayo sa ulanan. Sinabi ko sa kanya na kahit anong gawin niya ikaw parin ang mamahalin ko. Kaya lang I'm too late kase may boyfriend ka na."

   Napatuwid ako ng upo at napasimangot sa kanya. "Nakipag break na ko sa kanya kagabi." Mahina kong banggit.

   "Hah? Bakit?"

   "Kase naman Claud ih." He's teasing me. Yumakap na lang ulit ako sa kanya habang humahalakhak siya.

   "Pumayag na ba si daddy?"

   "Hindi ko alam. Pero wala na makakapigil sakin ngayon. Kahit sino pa ang kumontra hinding hindi na kita bibitawan."

   Dinungaw niya ako sa kandungan niya. Naiiyak na naman ako.

   "Shine, I'm sorry for everything. I just want you to know that I'm very proud of you. You've been a brave and strong girl habang wala ako sa tabi mo."

   "Claud, I want you to know that I understand. Naiintindihan ko na ngayon ang lahat. At oo handa rin akong magparaya para sa lolo at lola mo."

   "Thank you baby."

   He kiss my forehead. Pagkatapos ay binagsak pahiga sa mahabang sofa. Mapatili ako sa pagkabigla. Humalakhak siya na lumalapit sakin.

   I kissed him on the lips. He kiss me back with the same intensity. I long and wait for this kiss. Gustuhin man niyang bumitaw sakin pero mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya. Kapag lumalayo siya ay hinahabol ko ang labi niya. Pagbibigyan naman niya ko kaya hahalikan niya ako ulit. Natutunaw at naaadik ako sa bawat halik niya.

   Nagulat siya ng alisin ko ang butones ng polo niya. Hinuli niya agad ang kamay ko.

   "No!"

   Ngumuso ako. "Gusto ko lang makita ang tattoo mo."

   Lumayo siya sakin. Umupo siya ng maayos sa paanan ko at mas ginulo ang buhok.

   "Lagi mo na lang akong pinapahirapan."

   "Please Claud." Pinalambing ko pa ang boses na pilit ko siyang inaabot ng nakahiga ako. I flash him my smile. Tagumpay na lumapit siya ulit sa akin.

   "Ikaw. Alam na alam mo kung pano mo ko mapapasunod."

   Our kisses resumed while I remove his polo. Tinulungan niya ko sa pagtanggal niyon. Nang maalis ang polo niya ay tumigil kami sa paghahalikan. Tumingin kami sa dibdib niya. Sa may tattoo niya. Hindi makapaniwalang pinaglandas ko ang mga daliri sa disenyo ng tattoo.

Till They Take My Heart Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon