Chapter 2

60 3 0
                                    

So ayon nga, hindi na ko nagawi sa school ni Kuya dahil ayaw niya. Kahit na okay lang naman sakin na gabihin kakahintay sa kanya.

Inaabala ko na lang sarili ko sa pakikipaglaro kay Rain habang hinihintay siya umuwi.

Palagi siyang busy kahit na kaka start palang ng school semester. Mahirap siguro ang course niya. Ewan ko ba kung bakit niya masyadong dinidibdib. Matalino naman siyang tao. Sikat siya sa Pilar High School (school namin dati) noon dahil lagi siyang panalo sa mga quiz bee bukod sa may itsura talaga siya. Maraming babae ang naghahabol sa kuya ko.

"Kamusta naman ang kuya mo sa College Shine? Ang boring ng school natin nabawasan ng gwapo," si Jessa na uminom ng juice habang nakahalukipkip.

Wala kaming teacher ngayon kaya tumambay muna kami. Andito kami sa pinakadulo ng bench sa kaliwang bahagi ng gate. Kahilera ng mga puno ng mangga. Madalang ang dumadaang tao dahil nga dulo na ito kaya mas pinili namin itong tambayan.

"Kaya nga Shine. Pwede ba kami sumama sa inyo mamaya. Papatulong lang kami ng lesson sa kuya mo," si Mikaela.

Sumandal ako sa inuupuang bench bago sumagot."Hindi pwede. Laging gabi na umuuwi ang kuya ko. Tsaka pagod na yun kaya di na niya kayo ma eentertain."

"Sayang naman miss ko na siya." Dreamy na sambit ni Mikaela.

Tinampal ko siya sa braso. "Stop it. Ayoko sayo bilang sister-in-law" Biro ko.

Tinuro-turo ni Jessa ang sarili."Ako ba?"

Tumatawa akong umiling. Nagsitawanan narin sila.

"Seriously, may gusto ka bang ibang babae para sa kuya mo. Lagi mo na lang siyang gusto solohin." Si Jessa.

"Bata pa ang kuya ko!", I defended.

"19 na ang kuya mo. Pwede na siyang magpakasal. Pero hindi niya pa ginagawa kase hinihintay niya pa ko mag-18." Tatawa tawang biro ni Mikaela.

Natatawa na lang ako habang pumipikit. Ang sarap ng ihip ng hangin. Mainit init pa habang dumadampi sa mukha ko. It's just 2 in the afternoon. I still have 2 classes left. Pero yung hangin para akong pinaghehele. Inipit ko sa likod ng tenga ang nakawalang buhok ko.
Natetempt ako mag cutting classes. Wala ng sasaway sakin ngayon.

Tutal boring naman ang dalawa ko pang natitirang klase. I'll just skip class for today. Ngayon lang naman ito.

"Uwi na ko," paalam ko sa dalawa.

"Bakit?"

"Boring. I"ll just go home. Kayo ba?", I asked while standing. Babalik lang ako saglit sa room para kuhanin ang bag ko.

Tumayo din si Jessa. "Pupunta ako sa building ng grade 12. Balita ko may gwapo daw na tranferee. Anak ni mayor galing Manila."

Nabubuhayan ding napatayo si Mikaela. "Sama ako."

At nauna pa nag martsa sakin paalis ang dalawa. Pambihira. Pano ko naman magugustuhan ang dalawang yun para sa kuya ko masyadong mahilig sa lalaki.


Nahulog ang balikat ko ng nasa gate ng school. Di ko nga pala dala yung bike ko dahil malambot ang gulong. Kaninang umaga ko lang napansin. Mainit kung maglalakad ako ng ganitong tanghaling tapat. May bitbit rin akong tatlong patong na libro.

Buti na lang wala sa pwesto niya si Mang Luis. Hindi ako papalabasin noon kapag nakita niyang liliban ako ng klase.

"Tabi nga, "tinulak ako ng isang lalaki palayo sa gate. "Nakaharang ka."

Till They Take My Heart Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon