Sinalo ko ng kaliwang kamay ang ulan na tumutulo mula sa bubong ng waiting shed. It's already 5:30 pm. An hour pass after our last subject pero hindi parin ako nakakauwi dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan. Wala din akong dalang payong. I wasn't prepared maaraw kase nung umuwi ako ng tanghali kaya naman iniwan ko ang payong ko. I wouldn't thought that it will rain hard today. Naiwan din ako ng mga kaibigan ko. Kinailangan kong dumaan ng library dahil sa mga kakailangang libro para sa reporting ko next week. Kaya hindi na nila ako nahintay pa.
Nanlalamig na ang kalamnan ko dahil medyo matagal na kong nakatayo dito sa may waiting shed. Medyo basa din ako dahil nagtatakbo ako mula sa school hanggang dito sa kinatatayuan ko ngayon. Nagbabakasakali na may dumaan na tricycle na papayag maghatid sa amin kahit malayo. May mangilan ngilang tao rin na nagpapatilang kasama ko dito.
Walang pasok ngayon si kuya. Dapat ay nandito na siya kung susunduin man niya ko pero hanggang ngayon ay wala parin siya.
Yari na naman ako doon. Patay din ang cellphone ko dahil walang battery.
Natigilan ako ng may humintong itim na SUV sa harap ko. Nagbukas si Enzo ng itim na payong at sumulong para lapitan ako.
"Hi," ngiting bungad niya.
"Hi."
"Hmmmn, wala ka bang sundo?" Napakamot siya sa batok.
"Wala"
"Gusto mo bang sumabay na lang sakin? Ihahatid kita sa inyo."
Napalinga linga ako. Baka biglang dumating si kuya. Kilala ko yun. Kahit anong bagyo susuungin non.
"Nakakahiya naman Enzo."
"Wag ka ng mahiya. Sumabay ka na mukhang matagal pang titila ang ulan. Papadilim narin baka mag-alala ang parents mo." Pangungumbinsi niya na nilahad pa ang kamay para mabigay ko sa kanya ang bag ko.
Luminga linga pa ko ng ilang sandali. Pero baka nga mali ako. Baka nga di naman talaga ako susunduin ni kuya umasa lang ako. Tama si Enzo papadilim narin. Kaylangan ko ng makauwi.
Inabot ko ang bag sa kanya bago sumukob sa payong niya.
Hininaan niya ang aircon at binalot niya ko ng isang pulang jacket ng makasakay na kami sa sasakyan nila.
"Saan ang sa inyo? " Tanong niya habang inaayos ang jacket sakin.
Ang bango. Di ko matuloy kung siya, ang jacket o ang sasakyan nila. Basta may mabango tapos ang lapit pa niya sakin dahil inaayos niya ang jacket sa pagkakabalabal sa akin. Lumagabog ang puso ko. Kaya naman pasimple akong lumayo at pinakalma ang sarili.
Magkatabi kami sa back seat.
"Sa ikatlong kanto sa dulo ng maisan. Medyo malayo ang sa amin. Okay lang ba talagang ihatid mo ako? I can pay for my fare too."
Tumawa siya ng malakas. "No need Sunshine. Kuya Bong hatid muna natin yung kaibigan ko." Kausap nito ang driver niya sa harap.
"Ikaw ba ang pamangkin ni Diego. Roxas ka diba?." Tanong sakin ng may edad na driver.
"Opo. Pano niyo po nalaman?"
"Kilala ang pamilya niyo dito. Marami kayong lupain. Alam ko kung saan ka nakatira. " Tumawa pa ito bago magpatuloy sa pagmamaneho.
Kampanteng sumandal lang si Enzo. Nasa kandungan niya ang bag ko.
"Kilala pala kayo dito. Ako lang yata ang taga dito na hindi ka kilala."
BINABASA MO ANG
Till They Take My Heart Away [COMPLETED]
JugendliteraturMy name is Sunshine Roxas , I'am a miracle baby. Akala ng magulang ko hindi na sila magkakaanak kaya inadopt nila ang anak ng bestfriend ng mommy ng mamatay ito. He's name is Claud Lindon Jimenez. I grow up being dependent to him. Dahil na rin sa pa...