Chapter 12

26 1 0
                                    

   Hindi ako mapakali ng hapon na yun. Mas pinili ko paring pumasok. Kaylangan ko ng distruction at baka bigla akong manugod sa SCC.

   Me and my friend are at the cafeteria to eat ng dumating si Enzo. Tahimik siyang umupo sa harap ko. Nakamasid sakin. Nagulat ako. After nung last encounter namin na kung saan sinabi kong ayaw ni Claud na maging kaibigan ko siya hindi na siya lumapit sakin. Ngayon na lang ulit. Nagsitahimikan ang mga kaibigan ko.

   "Are you okay. You look pale." His concern melted my heart. And I think a simple conversation won't hurt!

   At isa pa nagkakausap rin naman si Claud at si Trina! Sagot ng malditang side ng utak ko.

   "Yeah. Okay lang ako."

   Tumango siya at nag-iwan ng fresh milk sa harap ko.

   "Ayon naman pala. Bakit kase inaayawan pa." Parinig ni Jessa.

   Nanahimik na lang ako habang iniinom ang fresh milk.

   After my class nagpasya akong pumuntang SCC. Nag tricycle ako dahil hindi ko kayang maglakad. Wala rin yung bike ko.

   Nakita agad ako ni kuya guard sa gate.

   "Roxas. Pupuntahan mo ba si Lindon?" Nginitian ako ni kuya guard.

   Tumango ako at ngumiti. Nahiya ako bigla sa mga kamalditahan ko sa kanya.

   "Pumasok ka na pero ang alam ko ay hanggang gabi ang pasok non."

   Nagpasalamat ako at chineck kung saang room ba siya ngayon. I waited until he finished his subject pero di parin ako nagpakita. Hinatid ko siya ng tanaw sa susunod niyang room. Ayokong ma interrupt yung pag-aaral niya. Basta nakikita ko lang siya ngayon nakakampante na ko. Lumiko ako sa isang corridor para pumunta sa cafeteria nila. I'll just wait for him there. Itetext ko rin siya pero mamaya na baka biglang umalis yun ng klase para lang puntahan ako.

   Nagulat pa ko ng makasalubong si Trina with her friends. They are all tall and intimidating. Oo nga pala Tourism din ang course niyan. Binulungan siya ng isang babae at bumaling sakin.

   Yumuko lang ako. Wala akong balak kausapin siya. Unless lapitan niya ulit si Claud.....

   Lumapit siya sakin. At ngumiti ng friendly.

   "Hi, kapatid ka daw ni Lindon."

   Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong kaylangan mo?"

   "Alam ko hindi pa ko napapakilala ni Lindon so ako na magpapakilala sa sarili ko. I'm Trina," nilahad niya ang kamay. "Lindon's girlfriend."

   Lalong tumaas ang kilay ko. "Excuse me? Sa pagkakaalam ko walang girlfriend ang kuya ko."

   Natawa ito. "Yes, his keeping our relationship private kaya hindi siya nagsasabi. Pero nagpaplano na siyang dalhin ako sa inyo one of this days."

   Lie.

   "Actually next week. Sa birthday mo balak niya ko dalhin sa inyo."

   Tumalim ang tingin ko sa babae. Hindi yun gagawin ni Claud. Hindi niya sisirain ang birthday ko.

   Mas lumapit pa siya sakin at bumulong. "And oo nga pala pinapatawad na kita sa pakikipag-away sa kapatid ko."

   "Maldita siya. She deserve that." Dire-diretso ang bibig ko sa pagsasalita.

   Tumaas ang gilid ng labi niya. Lumapit siya sakin at hinaplos haplos ang buhok ko. "I hate na sakin pa to manggaling kase sabi ni Lindon siya na daw ang magsasabi sayo. Pero since andito na tayo. Ako na magsasabi. You're one of the reason why we decided to make our relationship private."

Till They Take My Heart Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon