Chapter 14

26 1 0
                                    

"I was at my friends house. I forgot to call you because I fell asleep."

That was my alibi pero panay parin ang sermon ni daddy. Pinabayaan ko siya sa mga sermon niya. I know I got him worried.

Buti na lang inayos ko rin ang sarili ko bago bumaba ng kwarto ni Enzo. Natakpan ng make up at concealer ang pamumugto ng mata.

Dinner time ay abala parin ang magulang ko sa paghahanda para sa birthday party ko. That's much better para di na nila mapansin ang pananamlay ko. Wala parin si Claud. Nag-alala ako. Dapat ay tapos na ang klase non at nandito na yun. Shit this feelings.

Mabilis kong tinapos ang pagkain at nagkulong na sa kwarto. Buti na lang friday ngayon.

I decided to call Jessa. Mikaela's a genius. She can always figure me out. But I can always fool Jessa.

"Hi Jessa. Busy ka ba ?"

"Di naman. Just thinking kung anong gift ko sayo sa birthday mo. Why ?"

"Awww, wag ka na mag-abala. Presensya mo lang okay na ko."

Natawa siya.

"Alam mo Shine. Akala ko ayaw mo na samin."

"Bakit mo naman yan nasabi?"

"Lagi ka na lang wala. Di na kami updated sayo."

"Pinagsasabi mo. Wala namang dapat na i kwento."

"Oh siya siya. Ano bang ginagawa mo?"

Tumikhim ako. "May pinapanood kase akong chinese drama.Naiinis ako sa story kaya tinigil ko muna."

"Kaylan ka pa nahumaling sa ganyan? Anong story?"

"Recently lang. Kaya lagi akong nagkukumahog umuwi." I fake a laugh. "Si girl 1 kase may mahal na isang guy tapos may naninira sa kanila. May girl 2 na nagsasabi na siya ang gusto ni guy."

"Bakit ano ba sinasabi ni guy?"

"Kasinungalingan lang daw yung sinasabi ni girl 2"

"Sinabi ba ni guy na may gusto siya kay girl 1?"

"Wala," mahina kong sagot.

"Pero anong pinaparamdam ni guy?"

"Minsan parang may gusto pero madalas parang wala."

"Naku mahirap nga yan. Pero kung ako si girl 1 maniniwala ako sa sinasabi ni guy."

"Bakit?"

"Kase mahal ko siya. Pag mahal mo kase di basta ganon lang .May kasama din yung trust, respect at understanding."

Pinag-isipan kong mabuti ang mga sinabi ng kaibigan. At some point tama siya. I've been with Claud all my life. And when he told me that Trina is lying. I should have believe in him. Hindi ako nag-isip. Nagpadala agad ako sa bugso ng damdamin.

It's 10:30 pm base on my wall clock. Nakauwi na kaya siya?

Lumabas ako ng kwarto para sana pumunta ng kitchen. Madadaanan ko ang kwarto niya papunta ng kusina. I didn't wear any slippers to avoid any sound.

I stood in front of his room. Nakikiramdam kung may maririnig ba kong kaluskos galing sa loob pero wala. Ilang minuto akong nakatayo doon pero hindi ako nagkalakas ng loob na hawakan man lang ang doorknob. Sa huli ay nagpasya akong kumuha ng maiinom at bumalik na lang sa sariling kwarto.

Till They Take My Heart Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon