Nilibot ko ang paningin sa paligid. Andito ako ngayon sa bahay nila Enzo dahil nagmakaawa ako sa kanyang wag niya akong iuwi. Pinaupo niya ko sa sala nila.
Hindi ko akalain na ganito pala kayaman sila Enzo. At kahit minsan hindi niya ipinagyayabang ang estado ng buhay niya at never kong narinig na nanghamak siya ng tao.
Bumalik siya sakin na may hawak na isang baso ng tubig. Inabot niya ang tubig.
"Do you want to eat? Magpapahanda ako," he asked while seating beside me.
"Ayoko Enzo. Okay na ko dito." Ininom ko ang tubig.
Inalis niya ang polong nabasa ng luha ko. Bigla tuloy akong nahiya sa kanya. Ang tagal kong umiyak sa bisig niya. Hindi ako bumibitaw. Naging nung nagpasundo siya sa kotse nila. Buong byahe namin ay nakayakap lang ako sa kanya. Hindi naman siya nagreklamo at nanatili lang tahimik the whole time.
Ngayon lang ako natigil sa pag-iyak ng makapasok sa bahay nila.
"Hindi ka ba hahanapin ng parents mo. Gabi na Shine."
"Hmmmn, susunduin dapat ako ni daddy sa school."
"Nag-aalala na yun sayo. Gusto mo ba ako na kumausap sa kanila."
"No please. Magagalit sila." Maagap kong sabi. "Uuwi din ako pero gusto ko lang muna pakalmahin ang sarili ko. Pwede bang mag stay muna ako dito."
Tumayo siya at naglahad ng kamay sa akin. "Okay then. Let's go up?"
Nanlaki mata ko. "Up? We can stay here. Nakakahiya. What if bigla dumating ang daddy mo."
He smiled at me. "Do you trust me?"
Ayan na naman yang lintik na tiwala na yan!
He chuckled as I accepted his hand. Pumunta kami sa ikatlong palapag ng bahay nila. Dumeretso kami sa terrace. Sa taas ng bahay nila. Halos tanaw ko na ang buong lungsod. Malamig ang hangin kaya nayakap ko ang sarili.
Sumandal siya sa hamba ng pinto.
"Shine, do you remember the first time we saw each other. Ang taray mo non."
Natawa kami parehas.
"I was caught by what you said. Na so what kung anak ako ng mayor. Na pantay pantay lang naman tayong lahat. Since I was a kid special na ang treatment sakin dahil sa estado namin sa buhay. Ikaw lang ang nagparamdam sakin na pwede akong maging normal na estudyante. Na normal akong tao. Kaya kapag kasama kita walang pretentions. Walang doubt na what if magkamali ako mahuhusgahan ako. Your different from all of them Shine."
Lumapit siya sakin at hinaplos ang pisngi ko. "That's why I fell for you."
Nagulat ako sa confession niya sakin. He's a good friend of mine pero wala akong ibang nararamdaman para sa kanya kundi platonic love lang. Mapaurong ako kaya naiwan sa ere ang humahaplos niyang kamay.
"Enzo."
"Sssh," tinakpan niya ang bibig ko ng hintuturo niya. "I don't want your answer now. Gusto ko pag-isipan mong mabuti. I want you to give me a chance."
Tumango-tango lang ako habang iniiwas ang tingin sa kanya.
Lumapit ang isang kasambahay nila. "Sir, may naghahanap po sa inyo."
"Sino daw Manang?"
"Claud daw po sir. Hinahanap niya po si Mam Sunshine." Napatingin sakin ang katulong. "Kayo po ba yun?"
BINABASA MO ANG
Till They Take My Heart Away [COMPLETED]
Novela JuvenilMy name is Sunshine Roxas , I'am a miracle baby. Akala ng magulang ko hindi na sila magkakaanak kaya inadopt nila ang anak ng bestfriend ng mommy ng mamatay ito. He's name is Claud Lindon Jimenez. I grow up being dependent to him. Dahil na rin sa pa...