Chapter 7

39 1 1
                                    

Ang tagal nila Ate Shiela at Claud sa labas. Inaantok na ko gusto ko ng umuwi. Pagod na ko sa mga nangyari ngayong araw. Kaya naman pinuntahan ko na sila.

Bumagal ang lakad ko ng marinig ang tawanan nila. Malayo palang ako naririnig ko na sila. Mukhang aliw na aliw sila sa kung anumang pinag-uusapan.Nawalan na ko ng gana. Umakyat nalang ulit ako sa taas.

Pag-akyat ko wala ng tao sa sala. Siguro ay pinatulog na si Lola. Alas nuebe narin kase.

Sumandal ako sa sofa at pumikit. Magpapahinga na lang muna ako habang hinihintay na matapos ang paglalandian nila.

Isang tapik sa braso ang gumising sakin. Nakatulog na pala ako. Bumangon ako ng konte ng makita si Claud na nakabend sa harap ko. Masuyo niyang tinitignan ang mga kalmot ko sa braso. Sa sobrang lalim ng pagkakakalmot. Namumula parin hanggang ngayon. Lumapit ang malambot niyang kamay sa leeg ko at dinama ang galos ko doon. Humiga na lang ulit ako sa sofa.

Gusto kong kumawala sa mga haplos niya kase pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa mga damdamin na pinaparamdam niya sakin. Pero wala akong lakas para gawin iyon.

"Simula ng mag college ako lagi ka na lang nagkakaganito. Should I tie you on my waist para lagi kita mabantayan?"

Gusto ko yun pero hindi na pwede ngayon! Umiling na lang ako.

"What's happening with you really? Hindi ka na nagsasabi sakin." Malungkot niyang pahayag.

Natawa lang ako para pagtakpan ang kabang nadarama. Hinawi ko ang kamay niya na nakahawak sa leeg ko. "Wala to kuya."

Tumayo ako at pinagpag ang suot na blouse. "Tapos na ba kayo ni Ate Shiela. Pwede na ba tayong umuwi."

Nagpaalam muna kami bago umalis ng mansyon.

As much as possible I want to make it a normal conversation. Pero hindi ko maipagkakaila ang excitement na nararamdaman ko dahil mapag-iisa na kami.

"Ang ganda ng langit. Ang daming stars. Parang gusto kong maglakad pauwi," I looked at him to asked for his opinion. Tinitigan lang ako ng mapanuri niyang mga mata.

Nauna na kong lumabas ng gate.

"Ang tagal niyo sa baba ni Ate Shiela. Naayos ba yung bike niya."

Nasa likod ko siya habang naglalakad. Hindi naman ganon kadilim dahil may mga poste ng ilaw sa gilid ng madadaanan namin. Malamig lang dahil puro bukid ang magkabila namin. Niyakap ko ang sarili.

"Balita ko lalaban siya sa school niyo ng Ms. SCC tingin mo siya mananalo?"

Nagpatuloy ako ng walang marinig na sagot galing sa kanya. "I heard marami siyang manliligaw sa school. You think may nagugustuhan na siya?"

I stopped walking ng wala akong marinig mula sa kanya. Lumingon ako. Nakapamulsa ang dalawang kamay niya at ang mga mata'y nakapako sa mga paa ko. Unti unting umakyat ang tingin niya sa mukha ko.

"Wala kang ibang bukang bibig kundi si Ate Shiela." He complained.

Ayokong maging tunog nagseselos pero yun yung kinakalabasan dahil sa ginagawa ko.

"Sino gusto mo pag-usapan natin?" Si Trina? Gusto kong idagdag pero pinigilan ko ang sarili. Bakit ba ang dami mong babae. Sarap nila patumbahin isa-isa. Uunahin ko si Trina syempre!

"Ikaw. Ikaw ang gusto kong pag-usapan."

Parang pinipiga ang puso ko sa sinabi niya.

Till They Take My Heart Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon