Chapter 9

36 1 0
                                    

   "Oooyy , oooy Pilar High School," nakaturo ang guard samin habang papasok kami ng SCC. Nagkanya kanya na kami ng takbo ng mga kaibigan para makatakas sa guard. Binelatan ko na naman siya bago umalis. Tsk! Natakasan na naman kita!

   Madali akong nakihalo sa mga tao sa may school arena. Maiingay ang mga tao. May kanya kanyang hawak na banner at mga makukulay na pompoms. Mapatingin ako sa harap ng entablado. "Search for Ms. San Concepcion Colleges 2019."

   Napataas ang kilay ko. Tama si Mikaela.

   Naglakad lakad pa ko para lang hanapin si Claud.

   After few minutes I saw him. I smiled bitterly while looking at him talking to Trina.

   Nasa likod sila ng entablado. Nakasandal siya sa pader habang nakapamulsa ang dalawang kamay. His looking at her intently while she's talking and laughing animatedly.

   Akala ko ba wala na! Hindi naman pala totoo!

   Hindi sinasadyang mapabaling siya ng tingin sakin. Mapatayo siya ng maayos at napakurap kurap. Inirapan ko siya bago ako umalis doon.

   Malalaki ang mga hakbang na tinalunton ang palabas sa campus. Lagi na lang kapag pumupuslit ako dito umuuwi ako ng luhaan. Ayoko mag-college dito may sumpa yata itong school na ito. Ang sarap ipasunog!

   "Shine," tawag ni Claud sa malayo. Kaya mas lalo kong binilisan ang lakad.

   Andon parin ang matandang guard. Lumapit siya sakin ng makita ako.

   "Pilar High......"

   "Oo na aalis na nga," masungit kong sigaw. Bahala na ang mga kaibigan ko sa loob. Itetext ko na lang sila mamaya na nauna na ko.

   Paglabas ko ng gate ay may humila sa kamay ko.

   "Hey hey. Wait!"

   Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sakin.

   "Leave me alone."

   Tinulak ko siya dahil ayoko siyang makita. Napaurong siya pero mabilis siyang nakabawi sa pagkakatulak ko at hinawakan ako sa magkabilang braso para awatin.

   "No. No please wala lang yun."

   "Hindi. Alam mo bumalik ka na sa loob ipag cheer mo na lang yung Trina mo." My angry eyes stared at him.

   Buong lakas ko siyang tinulak. Pero ngayon hindi na siya nagpatinag. Parang bakal ang pagkakahawak niya sa braso ko. Kahit anong gawin ko hindi siya bumibitaw.

   "I broke up with her kase yun ang gusto mo diba,"malambing niyang sinabi.

   "Pwede ka namang bumalik sa kanya kung gusto mo. Ihahatid pa kita."

   Umiling lang siya at ngumuso. Pero hindi nakatakas sa paningin ko ang tinatago niyang ngiti. Lalong naningkit ang mata ko na dinuro ko ang dibdib niya.

   Hinuli niya ang kamay ko at natawa ng tuluyan.

   "Nag break na kami pero kaibigan ko parin siya. Ginu goodluck ko lang siya sa laban niya ngayon. Balak ko pagkatapos non pupuntahan na kita. Naunahan mo lang ako."

   Inirapan ko siya. "If you still like her......."

   "I don't like her. Okay." Putol niya sakin at bumulong ng 'Selosa.'

   Naningkit na naman ang mga mata ko dahil sa narinig.

   "Let's go kuhanin ko lang yung bike ko para makaalis na tayo."

Till They Take My Heart Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon