Dinala kami ng van ni Enzo sa resort na pagbabakasyunan namin. Kalahating oras yata ang byahe dahil sa kabilang bayan lang daw. We're planning to stay here for 3 days and 2 nights.
Maaga kaming nag byahe kaya tulog ako sa van. Nang nasa resort na ay ginising nila ako. Sinama ni Mikaela si baby Lexa na 1 year old palang at si Rey. Kinarga ko si baby Lexa nang pababa na ng van. Marami kaseng bitbit ang mag-asawa. Ang bagahe ko naman ay si Enzo ang nagbitbit."Good morning welcome to the beautiful Island of San Nicholas." Salubong ng magandang crew at ginaya kami sa loob ng hotel. Sa harap ng hotel ay ang magandang karagatan. Hindi ako matigil sa paninitig sa dagat. This place is just so perfect!
Inakbayan ako ni Enzo. "I remebered you love the sea. I think you're gonna enjoy here."
"Yeah dati halos monthly kami nagbebeach ng parents ko."
"Hey, love birds," sita samin ni Jessa. Sabay kaming napalingon ni Enzo. Nag click ang camera niya. "Tignan mo nga naman mukhang masayang pamilya."
Pinakita niya samin ang larawan. Dahil nga sa hawak ko si baby Lexa ay nagmukha kaming pamilya.
"Naku Enzo ah. Di naman sa boto ako sayo. Pero gawin mo lahat para hindi na makaalis ng bansa ang kaibigan namin." Singit pa ni Mikaela.
Nakisali ako sa tawanan ng lahat. Palapit na kami sa malawak na reception ng may matanaw akong pamilyar na tao. It was Claud! Really, gusto ko ng matahimik pero kahit saan ako pumunta nakikita ko ang pagmumukha niya. Mataray ko siyang tinitigan habang bumubulong sakin si Jessa.
"Naku nandito narin pala ang future ko."
"Naku Shine. Kuya mo lang talaga ang pinunta dito ni Jessa." Si Mikaella.
Tinuro ko si Claud. "Siya. Why? Is he working here?"
Mukhang nagulat ang dalawa sa bulong ko.
"Siya ang may-ari nitong hotel Shine. You didn't know?"
"What?", napalakas ang boses ko kaya naman napalingon sakin ang lahat ng nasa lobby. Maging si Claud na may kausap na foreigner ay napatingin narin. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang suot niya. Naka formal coat and tie siya.
Napako ang tingin niya samin ni Enzo. Hindi pa pala inaalis ng lalaki ang pagkaka-akbay sakin. Inisnaban ako ni Claud. Sungit!
Ginalaw ko ang balikat ko para maalis ni Enzo ang kamay pero mas hinigpitan pa niya ang akbay sa akin. Nakayakap na sa leeg ko ang kamay niya.
"Ano bang ginagawa mo Enzo."
Tinawanan lang ako ng lalaki.
"Hoy hoy, ang lalandi niyo. Naiipit yung anak ko. Shine, akina nga ang anak ko." Kinuha niya sakin si Baby Lexa.
Naghintay kami saglit dahil may nauna saming ina assist ng receptionist. Ayokong lumingon kay Claud pero naramdaman ko ang paglapit niya. Bigla kaseng nagningning ang mata ni Jessa.
"Hi, I didn't know you'll be coming here." Si Claud.
"Yeah, kaylangan naming masulit si Shine habang hindi pa siya bumabalik ng New York. At baka sa susunod na pagkikita namin kasal na siya." Sagot ni Jessa.
"Asa." Bulong ni Enzo kaya niliitan ko siya ng mata.
He chuckled.
"Kaya naman pinapapikot na namin siya dito kay Enzo para hindi na siya umalis kuya Claud. We booked a single room for them. Ayos lang ba?" Si Mikaela.
BINABASA MO ANG
Till They Take My Heart Away [COMPLETED]
Ficção AdolescenteMy name is Sunshine Roxas , I'am a miracle baby. Akala ng magulang ko hindi na sila magkakaanak kaya inadopt nila ang anak ng bestfriend ng mommy ng mamatay ito. He's name is Claud Lindon Jimenez. I grow up being dependent to him. Dahil na rin sa pa...