Matamlay parin ako hanggang sa sumunod na mga araw. Hindi ko alam kung papano babalik ang sigla ko. Basta naiinis lang ako. Period.
Si kuya naman hindi ko gano pinagkakausap. Kapag may pasok siya at gabi ng umuwi nagkukulong ako sa kwarto. Kapag naman wala siyang pasok ako ang nagpapagabi ng uwi. I don't feel like talking to him for now. Period ulit.
Tinutusok-tusok ko lang ng tinidor ang fried chicken na ulam ko. Friday ngayon at lunch time dito ako kumain sa cafeteria. Ayoko umuwi kaya sumama ako sa mga friends ko.Napatingin ako sa mga nilapag ni Enzo sa harap ko. Isa-isa niyang binanggit.
"Buko juice, four seasons, orange juice, coke and cold water. Pili ka basta ngumiti ka lang," he said.
Napangiti akong umiling. Baliw talaga ang isang ito. Nagtilian sina Jessa at Mikaela na kumakain din sa tabi.
"Pinagpala talaga. Pahaplos naman sa mahabang buhok!", tumatawang biro pa ni Jessa.
"Baliw kayo. Kumain na nga lang kayo."
Dumating din si Marco na may dala namang malaking fries. Food trip na naman sila.
"Bakit ang tahimik mo nitong mga nakaraang araw. May problema ka ba?", bulong ni Enzo.
"Hoooy, ano yang bulungan. Ishare yan," sita ni Jessa.
"Nah, wag kami pwede," natatawang sagot ni Enzo. "Bakit di si Marco ang kulitin niyo."
Sumimangot si Marco. Sabay ng pagtawa ng malakas ng dalawang kaibigan kong babae. Bali-balita sa campus ang masugid na manliligaw ni Marco. Stalker na nga daw ang babae. Di ko ito kilala pero senior din ayon sa mga kaibigan ko.
Halata namang walang gusto si Marco dahil sa pagkakasimangot.
Panay ang kulitan at biruan ng apat. Minsan ay nakikisali ako sa tawanan pero most of the time tahimik lang ako.
Ininom ko yung buko juice ng marinig ang dalawang babaeng paupo sa kabilang table. Pamilyar ang boses nila. Maging ang topic nila ng sandaling iyon. Napahinto ako sa pagkain para mas marinig sa usapan nila.
"Sabi sakin ni Ate Trina ngayon na niya sasagutin si Kuya Claud. Since nakita naman daw niya ang mga effort ni kuya sa kanya nagkagusto narin daw siya kay kuya." Nagtilian silang dalawa.
"Naiimagine ko palang kinikilig na ko. Sana sila talaga magkatuluyan hanggang huli. Bagay na bagay sila."
Di ko na mapigilang tumayo at puntahan sila. Nahanap ko rin kayo!
"Hindi sila bagay!"
Sabat ko sa usapan. Nakatayo ako sa harap nila. Medyo gulat dahil sa pagsingit ko sa usapan. Maging ang mga kaibigan ko ay nagulat din.
Tama nga ako higher year sila. Grade 11.
"Hindi bagay ang kuya ko sa kahit sinong babae." Matapang kong pahayag na nagkibit pa ng balikat.
Natawa ang singkit na may maikling buhok. Inikot ikot niya ang spaghetti sa tinidor bago nagsalita.
"Si Roxas pala. Nakikinig sa usapan natin. Bakit hindi ba nagkukwento ang kuya mo sayo? Hindi pa ba niya pinakilala si Ate Trina?"
"Wala siyang pinapakilala kase wala siyang nagugustuhan!" Sigaw ko. Napapatingin na sakin ang ibang estudyante pero wala makakapigil sakin ngayon.
"Kawawang Roxas! Siguro hindi mo matanggap. Na nagkakagusto na ang kuya mo. Pano na yan wala na siyang time sayo palagi. May kahati ka na sa kanya brat!" Sabi ng isang nakapony tail at braces.
BINABASA MO ANG
Till They Take My Heart Away [COMPLETED]
Genç KurguMy name is Sunshine Roxas , I'am a miracle baby. Akala ng magulang ko hindi na sila magkakaanak kaya inadopt nila ang anak ng bestfriend ng mommy ng mamatay ito. He's name is Claud Lindon Jimenez. I grow up being dependent to him. Dahil na rin sa pa...