Chapter 24

36 1 0
                                    

   Masaya kaming umahon ng makitang papalubog na ang araw. I wanted to stay some more pero lumalamig na ang tubig dagat. Kanina ay kaya ko pang tiisin ngayon ay nanginginig na ko sa lamig. I shivered as the wind attacked my skin. Sinalubong agad ako ng tuwalya ni Claud. Sinimangutan ko lang siya.

   Tumikhim si Mikaela. "Magpapalit lang kami tapos ay pupunta na kami sa bahay mo. Saan ba ang bahay mo?"

   Tinuro ni Claud ang kanang bahagi ng beach. Sa di kalayuan ay may two storey house. Puti ang kulay nito at black ang bubong. Lalaking lalaki ang design ng bahay dahil sa dami ng kanto nito.

   "Denise designed that house for me." He told me.

   "Really," nasambit ko sa galak. Natahimik ako ng maalalang galit pala ako. Tumaas ang sulok ng labi niya.

   "He will be there with us later." Patuloy niya habang pinupunasan ng twalyang nakapulupot sakin ang mukha ko. Umurong ako kaya nahinto siya sa ginagawa. Malungkot na ngumiti siya samin.

   Inakbayan ako ni Enzo. "We'll just go change."

   Umakyat kami sa hotel at nag-ayos. 6:15 and where on our way to Claud's house. I'm wearing a sleeveless floral purple dress and my lace up sandals. Mabibigat ang mga hakbang ko papunta sa bahay niya.

   Umuwi ako dito na hindi ko inexpect ang mga ganitong pangyayare. Alam ko may mga encounters kami pero sinabi ko sa sarili ko na iiwasan ko siya. Pero ngayong gabi ay ito ako at pupunta sa bahay niya. It feels so wrong. He was my first love and my first heartbreak. At sa tuwing nagkakalapit kami. Nararamdaman ko ang sakit at di ko mapigilang awayin siya. Dapat siguro ay sabihin ko na lang sa mga kaibigan ko. Para matulungan nila akong iwasan ang lalaki.

   Nilingon ako ni Enzo ng makitang ang layo ng espasyo ko sa kanila. Masyado na kong nahuhuli ng paglalakad.

   "Bilisan mo Shine."

   "I'm not feeling okay." Mabigat ang pakiramdam ko. Gusto ko na lang mag stay sa suite. Dumapo ang kamay ng lalaki sa noo ko.

   "Iinom ka ng gamot mamaya pagbalik sa suite kung di ka talaga okay. Mabilis lang tayo kila Claud."

   Umagapay siya sa paglalakad ko. Medyo masakit sa paa ang mga buhangin na pumapasok sa sandals ko. Mas lalo kong binagalan ang paglalakad. Napahinto ako ng tuluyan ng ilang metro na lang ang layo sa tapat ng front door. It felt so strange. Ngayon ko nakita ang layo ng distansya namin. He was well now. Sabagay ay dati ko pa inaasahan yun. Sa diskarte at talino ni Claud alam ko na magtatagumpay siya sa buhay. If only I didn't left I had the chance to saw how he achieved his success? Maybe I would be so proud of him? If only he let me stay by his side. Kaya lang ay hindi niya ko pinaglaban. Ibang tao ang pinili niya.

   Si kuya Denise ang nagbukas ng pinto para sa amin. "Welcome to Jimenez residence!"

   I tap his shoulder at tuluyan na kaming pumasok sa loob. Nilibot namin ang paningin habang umuupo sa sofa. Hindi mapigilan ng mga kasama ko ang paghanga sa interior ng bahay. The interior was so manly and serious but so boring. Well for me. The combination of the house are white and dark gray. I'm never a fan of those colors.

   "Where's Athena?" I asked him.

   "Nasa bahay. Hindi ko na sinama at gagabihin ako."

   Nitong mga nakaraang araw ay naging malapit ako sa bata. Siya ang naging libangan ko kapag ayoko mag stay sa bahay. Lagi ako sa anchestral house halos doon na nga ako natutulog. Kapag napag-iisa ako sa bahay kapag umalis na ang parents ko para magtrabaho ay nalulungkot lang ako. Sobrang dami ng memories ng bahay na yun. Balak kong sabihin kila mommy na baguhin ang interior ng bahay.

Till They Take My Heart Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon