Chapter 27

30 1 0
                                    

Ilang araw din akong nagkasakit at namalagi lang sa bahay. Dumalaw si Kuya Denise kasama si Athena. Okay kami ni kuya Denise. Si ate Shiela lang di ko nakakausap pagkatapos ng away. Pinag-usapan namin ang plano ko dito sa bahay. Nabanggit ko narin kila mommy ang renovation. Maging sila ay nagbigay ng mga suhestiyon.

Me and Enjo are not doing well. I wanted to talk it over, my problems and inhibitions but he's just too busy recently.

One afternoon, I was very happy when I saw an unexpected visitor. It was Manang Nila. Tuwang yumakap ako dito.

"Naku ang alaga ko. Maganda ka na nung bata ka pa mas lalo kang gumanda ngayon."

Nagkwentuhan kami sa may garden. Magaling din mag-alaga ng halaman si Ali kaya napanatili ang kagandahan ng garden namin.

"Naku Manang kamusta na po kayo? Ang tagal na panahon na ang nakalipas."

"Ito at tumatanda na nga akong talaga. Lagi ng sumasakit ang likod ko. Hirap narin ako sa paglalakad. "

"Wag niyo po kaseng papabayaan ang sarili niyo," payo ko.

"Ang batang ito talaga. Ang balita sakin ni Ali ay kakagaling mo lang sa sakit."

"Namiss ko lang po yung soup na lagi mo saking hinahanda," natawa pa ko. Namiss ko ang lambing niya.

"Ako pa. Lagi ngang si Claud ang naghahanda ng pagkain mo noon. Alam mo namang alagang alaga ka noon."

Napalis ang ngiti ko. Napansin niya iyon kaya mas lalo siyang lumapit sakin.

"Nagkausap na ba kayo? Kawawa ang batang yun. Buti na lang ngayon ay bumalik ka na. Tiyak na maligayang maligaya na yun."

"Nagka-usap na po kami ni Kuya Claud." Maikli kong balita.

Tinaas niya ng konti ang salamin. "Bata pa lang kayo alam ko na. Ano pa at lagi akong nakagabay sa inyo. Bata ka palang alam ko na na may gusto kayo sa isa't-isa. Ikaw ay sadyang may pagkapilya at agresibo alam kong hindi ka magpapapigil. Si Claud ang lagi kong pinagsasabihan na maghinay hinay noon."

"Po?"

"Bata ka pa noon. Pero wiling wili ka na sa kanya. Siya naman ay alam niya sa sarili niya na may paghanga na siya sayo. Kaya naman mas naging maingat siya sa paglapit niya sayo. Saksi ako sa kung pano niya disiplinahin ang sarili niya kapag nandiyan ka."

"Ilang taon po ako noon?"

"Ay batang bata pa. Para ngang si Claud ay dise sais palang. Nakita ko ang picture mo sa wallet niya. Kaya napaamin siya sakin."

This is quite a revelation .Akala ko dati ako yung nagpupumilit ng sarili ko sa kanya. Mas matagal na pala niya ko nagustuhan noon.

"Matagal na pong tapos yun Manang. Sila na po ngayon ni Ate Shiela." Matapang akong ngumiti.

"Naku wag kang maniwala sa mga bali-balita. Kilala ko si Claud. Alam kong ikaw lang ang nag-iisa niyang gusto. Saksi ako kung pano siya lumuhod sa harap ng tatay mo noon para lang matanggap kayo."

Napanganga ako sa gulat.

"Masyado kaseng sarado ang utak ng tatay mo noon. Ayaw kayong tanggapin. Kaya pinaghiwalay kayo diba. Ang tagal nagdusa ni Claud. Lagi nga iyong pumupunta sa mansyon kapag wala ang mga magulang mo. Lagi siyang nakikibalita tungkol sayo. Minsan pupuslit pa yun sa kwarto mo."

Natutop ko ang bibig ng hindi ko mapigilan ang pag-iyak.

"Matagal na akong boto sa inyong dalawa. Magiging maligaya ako kapag kayo ang magkakatuluyan."

Till They Take My Heart Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon