I was humming habang naglalakad pauwi sa bahay ng gabing iyon. Giliw na giliw parin sa pagkapahiya ni ate Sheila.
"I think I wanna sing on my birthday party. Ano kaya magandang kantahin?"
"Ayokong kumanta ka."
"Why? Okay naman ang boses ko."
"Okay yung boses mo. Magkakagusto sayo yung nga lalaking makikinig kaya wag nalang."
"Para sayo naman yung kakantahin ko........malay mo magustuhan mo ko!"
Ngumiti lang siya.
Humarang ako sa daraanan niya kaya napatigil siya. Malayo-layo pa kami sa bahay. Natatanaw ko pa ang mansyon ni lola sa malayo. Wala akong makitang tao sa paligid. Tapos na ang anihan.
"Lagi mo na lang akong tinatawanan kapag nagsasabi ako sayo ng nararamdaman ko."
"Sabi mo nung isang gabi CRUSH mo lang ako." Binigyang diin niya ang word na CRUSH.
"Sinabi ko lang yun para isalba ang ego ko."
"May nangyare ba?" Hamon niya.
"Wala. Kase kahit anong pilit ko sa puso ko. Ikaw parin ang gusto. Ikaw parin ang hinahanap. Ikaw lang nakakapagpatibok."
Lumapit siya at inipit sa tenga ang buhok ko.
"O di pabayaan mo lang."
"Ayaw kitang kapatid." I said.
"Ayaw din naman kitang kapatid."
Medyo nasaktan ako doon. "Alam ko naman. Masama ang ugali ko kaya walang may gusto sakin. Sarili ko lang yung iniisip ko."
Tumango tango lang siya kaya lalo akong sumimangot.
"Mahal kita. Alam mo yun diba. Lagi kong sinasabi at pinaparamdam sayo. Pero naguguluhan ako sa mga actions mo. Lagi mo nasasaktan ang damdamin ko pero inaalo mo naman ako. Sinasabi mo na wag ako maniwala kay Trina kase hindi totoong siya ang gusto mo. Sabi mo dati may gusto ka. Sino ang gusto mo kung ganon?"
Pero nananatiling tikom ang bibig niya. May aliw sa mga mata.
Dahan dahan siyang yumuko para malapit sa mukha ko. Hindi ako makapaniwalang nakatitig lang sa kanya. Nakatingin ang nangungusap niyang mga mata habang ang labi niya ay unti unting dumampi sakin. Pumikit siya pero ako ay nananatiling dilat. Natatakot ako na pag pumikit ako mawala itong lahat.
Lumipas ang ilang segundo ay lumayo siya sakin. Kumapit ako sa t shirt niya para hindi siya tuluyang makalayo sakin. Natawa siya ng malakas. Gusto ko pa at alam kong alam niya yun.
Kaya naman dumampi ulit ang labi niya sa akin. Hindi parin ako pumipikit.
Nakakasilaw ang ngiti niya pagkatapos ng pangalawang halik. Nakatunghay lang ako sa mukha niya.
"Close your eyes."
Umiling ako. "Baka kapag pumikit ako mawala ka na."
"Hindi mangyayare yun. Akina ang mga kamay mo."
Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa damit niya. Pero ayokong binatawan.
He laughed again. "Shine. Akina."
Napilitan akong bumitaw sa kanya. Pinasalikot niya ang dalawang kamay sa akin.
"Now baby close your eyes."
BINABASA MO ANG
Till They Take My Heart Away [COMPLETED]
Teen FictionMy name is Sunshine Roxas , I'am a miracle baby. Akala ng magulang ko hindi na sila magkakaanak kaya inadopt nila ang anak ng bestfriend ng mommy ng mamatay ito. He's name is Claud Lindon Jimenez. I grow up being dependent to him. Dahil na rin sa pa...