Forbidden Amore

523 5 0
                                    

[PROLOGUE]

Palabas na ako sa aming silid aralan, betbet ang mga projects na hindi pa nabibigyan ng marka ng aking guro, dahil sa sobrang busy nya sa. Napabuntong hininga ako sabay tinigin sa mga projects ko , ngayon paano uuwi sa na hindi nahihirapan. Paniguradong hindi din naman ako matutulungan nila kuya Jegger nito , hindi pa kasi oras ng kanilang uwian eh.

"Hey, diba pinsan ka nila Robert at Augustine ?" Napaangat naman ako ng tingin , OMG inapproach ako ng crush ko. Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Matagal ko nang gusto si Cj Cruz ang katropa ng mga pinsan ko.

"Ahm...Margarette?" OMG kilala nya ako , jusme pwede na po akong sumalangit , jusme talandi mo naman Margarette trese anyos ka pa lamang ah. Umayos ka , napakurap ako at ngumite sa kanya.

"Ah Oo, bakit mo po natanong?" Sabi ko sa kanya , napatingin naman siya sa aking mga dala at napakamot sa kanyang batok.

"Hatid na kita hindi mo ata kayang buhatin ito mag-isa." Gusto kong sumigaw sa sobrang kilig kaso hindi pwede baka maturn off sya sa akin eh.

"Ehm, shige." Sabi ko sa kanya, ngumite siya sa akin at agad namang binuhat ang akin mga dala, first year pa lang ako siya naman third year high school obvious naman na mas matanda siya sa akin at obvious din na gusto ko siya.

Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya , gwapo na maputi, matalino at mabait pa. Actually , I don't care  about looks , ang attitude niya ang nagustuhan ko bunos na ang kagwapohan nya. He's good to everyone obvious naman diba . Hindi ko alam saan nya namana ang kabaitan na taglay nya, sobrang bait nya kasi eh. Elementary pa lang ako crush na crush ko na sya eh.

Nasa labas na kami ng school, nakatingin lang ako sa kanya, naman eh ang hirap nya kasinf hindi tingnan chance ko na kaya 'to kaya todo na'to, napatingin din naman siya sa akin agad din naman akong nag-iwas ng tingin. Bigla naman siyang natawa sa aking ginawa , napapikit na lamang ako sa kahihiyan na ginawa ko.

"Cute," Natatawang sabi nya , eeh wag ka pong ganyan. May humintong sasakyan sa aming harapan , lumingin siya sa akin sabay ngite. Binuksan nya ang pinto ng kotse at pinauna nya akong makapasok, Agurooooy unti-unting natutupad ang mga pangarap ko sa buhay at isa na'to ang makatabi siya sa upuan.

Feeling ko tuloy galing kami sa date at ihahatid nya ako pauwi. Gaga ihahatid ka  naman nya sa bahay nyo dahil naawa lang naman siya sa'yo.

Umandar na ang kotse at umalis na kami, habang nasa byahe kami hindi ko talaga maiwasang hindi  siya tingnan eh, dati kasi paligaw-ligaw tigin lang ako tapos ngayon nandito na talaga siya sa tabi ko.

"Alam mo kanina pa kita napapansin ah, may dumi pa sa mukha ko ?" Takang tanong nya sa akin , agad naman akong umiling at ibinaling na lang ang aking tingin sa daan. Nakakahiya naman itong ginawa ko jusme naman, mga ilang minuto pa ay nakarating na kamis sa aming Sitio bumaba na ako a sya dun , at tinulungan nya akong ibaba ang mga gamit ko.

"Sige ah...Salamat !" Maligalig na sabi ko sa kanya , ngumite siya sa akin at ginulo ang aking buhok. OMMMG ay nako hindi talaga ako maliligo.

"Walang anuman , bast kapamilya ng tropa ko." Nagpaalam na sya na uuwi na siya , nang makaalis na sila ay agad naman akong tumalon sa sobrang tuwa , aruy naman kasi eh kinikilig ako...

"Margarette ? Napaaga ata ang uwi mo?" Gulat na tanong sa akin ni tiya Harlen, ngumite naman ako sa kanya at napakamot sa aking batok.

"Kasi naman po tiya sobrang busy ng guro namin  eh hindi nga nga siya pumapasok, sabi din nga nga kaklase ko na wala daw pong klase kaya po naisipan ko po na umuwi na lang."  sabi ko sa kanya, napatango naman ang aking tiya.

Forbidden Amore [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon