Nakauwi na ako sa bahay at hanggang ngayon umuusok parin ang ilong ko , sobrang init pa ng ulo ko ng dahil sa CJ na yan. Akala ko tapos na pero may mga uto pa daw siya at niblackmail niya ulit ako, bwesit na kurimaw!
Ano na naman ang gusto niyang gawin ko, nalinis ko na ang buong bahay niya don kainis.
"Margarette apo." agad naman akong lumabasa sa kwarto nang marinig ko ang lola ko.
"Po," Nakangiting sagot ko sa kanya.
"Apo usap muna tayo." nakangiting sabi naman niya sa akin, tumango naman ako at lumapit sa kanya. Pumunta kaming dalawa ni sa balkonahe ng bahay.
"Ah, lola ano po bang pag-uusapan natin." napapansin ko lang mukhang malalim ang iniisip ni lola. Napabuntong hininga naman siya, mukhang malalim nga ang iniisip nito.
"Okay ka lang po ba lola?" ngumite siya sa akin at tumango.
"Apo, malaya naman mag mahal. Pero may mga bagay talagang kailangang bakuran. Apo , alam mo naman siguro na bawal ang Verano sa mga Cruz. Kaya hangga't hindi pa lumalalim ang iyong nararamdaman para sa mestisong iyon, itigil mo na." hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin, teka mestiso si CJ ba ang ibig niyang sabihin.
"Palagi kita nakikitang nakikipag-usap sa kanya sa labas sa gate apo. Ayaw ko lang na masaktan ka apo." huh? Ano daw.
"Lola, iba po yang iniisip nyo. Wala po kaming relasyon ni CJ, may mga bagay lang din po talaga akong kailangang gawin para sa kanya." para sa repustasyon ko po lola huhu. As much I want to stop pero hindi pwede ehhhh. Napakunot naman ang kanyang noo sa aking sinabi.
"Eh , basta apo. Wag magpapadala sa bugso ng damdamin dahil baka masaktan ka lang." Ang hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit hindi talaga pwede.
"Lola, bakit nga ba hindi pwede?" tanong ko sa kanya , nagpakawala naman siya ng isang malalim na hininga at tinignan ako sa aking mga mata.
"Apo, malalaman mo din kung bakit pero hindi muna ngayon." sabi ni lola Pasita sabay alis, naguguluhan na ako bakiiiit? Pwede naman niyang sabihin kung bakit eh.
May malaking atraso ba ang pamilya nila sa amin? Aaaah nakakainis why do I even care.
Maaga akong nagising para hindi na nila ako makitang sumasabay sa kurimaw na yon baka kung ano pang isipin ng lola ko.
Malayo pa lang ay nakita ko na agad ang sasakyan ni CJ, nang makarating na iyon sa lugar kung nasaan ako ay agad naman itong huminto, agad din naman akong sumakay. Mahirap na baka makita nila ako, ayaw na ayaw pa naman nila.
Nagdala na din ako ng mga extrang damit para kapag papawisan ako may pampalit ako. Napatingin naman ako kay CJ na mukhang kakagising pa, gulo-gulo pa ang kanyang blonde na buhok.
"Don't look at me, I'm hideous." Masungit na sabi niya, aba ako dapat ang nagsusungit. Buong byahe namin ay tahimik lang, mabuti na nga at hindi na siya nagsasalita ayaw ko din naman siya kausap eh.
Mga ilang minuto pa ay nakarating na kami sa secret place niya, agad ko namang kinuha ang walis para makapagsimula na. Siya naman ayon, nakaupo sa upoan pikit-pikit pa ang mata.
"Ay Diyos ko, kawawa talaga ang mapapangasawa mo." Mahinang sabi ko.
"Hindi ka naman magiging kawawa, aalagaan naman kita eh." sabi niya sabay dilat sa kanyang mata.
"Ha Ha hindi mo din naman ako magiging asawa." Mataray na sabi ko sa kanya, ilusyunado siya masyado na sobraan ata to sa kakabasa ng nobela eh.
Huminga siya ng malalim at ipinikit niya ang kanyang mga mata, ano na namang ibig sabihin non ?!? Na ano nagtatampo siya sa sinabi ko? Ang gulo niya I don't like him nga ?!
"I just don't understand bakit hindi mo ako maalala , bakit kinalimutan mo ang ating mga pangako." ano sinasabi niya hindi ko kasi marinig. Hindi ko na lang siya pinansin pinagpatuloy ko na lang ang paglilinis.
Nang matapos na akong mag walis ay napaupo naman ako bangkito at pinagmasdan ang bukangliwayway. Napaganda , sobrang ganda talaga.
"You still love sunrise?" Agad naman akong napalingon sa kanya, ha still? Teka nga hindi ko na talaga siya naiintindihan eh.
Tumabi naman siya sa akin at pinagmasdan ang bukangliwayway.
"We used to do this before." Malungkot na sabi niya , I have no clue kung ano ang pinagsasabi niya. Kung ginagawa namin ang mga bagay na'to dati bakit hindi ko maalala.
"Kulang ka pa ata sa tulog, matulog ka muna.'' tatayo na sana ako hinila niya ang kamay ko dahilan para hindi ako makatayo, sinamaan ko naman siya nang tingin.
Yinakap niya ang mga tuhod niya sabay tingin sa akin.
"Hindi mo ba talaga ako maalala?" Malungkot na tanong sa akin, napakamot naman ako sa aking ulo.
"Eh paano kita maalala eh, ngayon lang tayo nagkakilala. Bakit mo nasasabing magkakilala tayo hindi nga tayo magkaibigan eh." Sabi ko sa kanya, tumayo naman siya at naglakad papunta sa bahay. Ano bang mali sa sinabi ko.
"Nag-iinarte na naman ba siya ?" Ano bang nangyayari sa kanya, tama naman ako eh hindi ko naman siya kilala , I mean wala kaming memories together before duh. Hindi naman mali ang mga nasa isip ko eh.
Paano ako magkakamali eh sariling. isipan ko naman eh. Nagulat na lamang ako nang may bigla siyang inihagis sa akin, sinamaan ko lang siya ng tingin. Bakit na lang hindi ibigay ng maayos eh.
Napatingin naman ako sa litrato , oh ito yung unang litrato na nakita ko kahapon ah.
"Aanhin ko naman to?" tanong ko sa kanya umusog naman siya ng unti, ngano ko lang napansin na naka simpling damit lang siya naka pajama at jacket lang, idagdag mo pa yung magulo na buhok. Makikita mo pa na antok na antok pa siya.
"Yang, boy na nakahug sa girl ako yan at ikaw naman yan. Thirteen years old ka palang jan habang ako naman mga fifteen ata ako nyan." Nanatili akong nakatingin sa kanya ano bang pinagsasabi nitong kurimaw na'to. Fifteen , so meaning mas matanda pa siya sa akin?
"Hindi kita maintindihan?" hindi ko naman talaga siya maintindihan, kung ako yan bakit hindi ko agad narecognize na ako yan.
"Noon pa man pasekreto din tayong nagkikita, kasi nga hindi ka nga pinapayagan ako din hindi kasi Verano ka at Cruz naman ako. Tayong dalawa ang naipit sa forbidden shit eh." malungkot na sabi niya, agad ko namang hinampas ang kanyang ulo.
"Aray naman ." Mahinang sabi niya , nalilito pa din ako.Hindi ko nga alam kung nagsasabi sya ng totoo o gumagawa lang siya ng kwento.
"Wag mo nga akong lokohin?!" sumeryoso naman ang kanyang mukha, mukhang hindi talaga siya nagloloko.
"Mukha ba akong nagloloko ? I may talk like a shit pero seryoso ako ngayon. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan. Maayos ka naman nong umalis ako, pero bakit?"
Hindi ko siya matingnan sa mata , ano bang isasagot ko eeeh hindi ko naman talaga alam kung ano ang kanyang pinagsasabi.
Napabuntong hininga na lamang ako,
"Pasensya na , hindi ko talaga alam kung ano ang pinagsasabi mo eh." Tumango na lamang siya, at pinagmasdan ang mga bundok.
"Sana hindi na lang ako umalis, hindi ka sana nagkakaganito." sabi niya sabay tayo at naglakad papunta sa kanyang kotse.
Ginugulo niyo ang utak ko aaaaAaaAaa wala talaga akong clue. Ayaw kong maniwala pero bakit parang gusto ko ding maniwala sa mga sinasabi nya.
BINABASA MO ANG
Forbidden Amore [COMPLETED]
RomanceSimula sa pagkabata ay may sekreto na silang dalawa, isang sekretong nagpapasaya sa kanila. Pero...sabi nga nila kaakibat ni saya si lungkot, isang trahedya ang nakapagpabago sa lahat. Lumipad papuntang canada si Clarence Jay Cruz , nasangkot naman...