Kabanata 6: Drowning Heart

74 2 0
                                    

Hindi talaga ako mapakali sa sinabi ng aking kapatid ehhhh nakakainis naman , Napasulyap naman ako sa mga obra agad naman akong napangite. Ang galing ko talaga, napabalikwas naman ako nang may bumusina bigla sa akin.

Nakapagtataka wala namang Verano na lumabas ah sino na naman ulit to. Liningon ko ito, ngumite pa ako kasi baka bisita ito ni Lola Pasita kaso....mali ako isa pala itong demonyo.

"You really are serious with your words ah."  sabay upo sa bonnet hood ng car niya, iniinis niya talaga ako ano. Bakit sa tuwing nandito siya wala sila kuya para bangasan ang pagmumukha nitong kurimaw na'to. Tinaasan ko naman siya nang kilay, ang nakakagulat lang ay umarko din ang kanyang kilay. Ginagaya ba ako nitong kurimaw na'to ?!

"At ang kapal talaga ng mukha mo no?" inis na sabi ko sa kanya , nagkibit-balikat lang siya sa akin sinabi. Napabuga na lamang ako nang hangin.

"Nakita mo naman diba, marunong ka naman sigurong magbasa diba? so what are you waiting for umalis ka na sinisira mo araw ko eh," Walang ganang sabi ko sa kanya. Nakahalukipkip siya , dahan dahan siyang tumayo at pinagmasdan niya ako.

"I just don't get it, why you hate me so much.Kakabalik ko pa ngalang and I thought iwewelcome mo ako sadly hindi it turns out ayaw mo sakin," Hindi makapaniwalang sabi niya sa akin, there's a pain in his eyes hindi ko alam kung  bakit siya ganyan, at saka haler bakit ko naman siya iwewelcome hindi ko nga siya kilala.

"Excuse me po, bakit naman po kita iwewelcome  hindi naman kita kilala at saka we're not friends." Mataray na sabi ko sa kanya, napabuntong hininga na lamang siya sa aking sinabi. He chuckled.

"Ito ba ang resulta sa siyam na taong hindi pagkikita?" Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Ano bang pinagsasabi nitong animas na'to,  eh hindi ko nga siya kilala paano naman nangyari yon.

"I spend my whole life in canada without you and now that I am back for good ito ang madadatnan ko. The girl I want to see hates me so much at hindi pa ako kilala, ano bang nangyari sa'yo ?!" sabi niya sabay yugyog sa aking balikat , nagulat ako sa kanyang ginawa hindi ko alam kung bakit ganyan mag react nakainom na ba siya ng gamot niya nababaliw na ata to eh. Nagpupumigalas na ako, hindi ko naman kasi siya naiintindihan eh bakit ba siya nagkakaganayan , eh hindi nga kami close eh anim na taon... eh 13 years old pa ako niyan.

Hindi ko naman talaga siya kilala.

"Ano ba?! bitawan mo nga ako, ano bang pinagsasabi mo hindi nga kita kilala  nababaliw ka na ba?! ano ipaconfine na kaya kita sa mental hospital ano." Napahilamos na lamang siya sa kanyang palad at napahampas siya sa hood ng kanyang kotse, napaigtad naman ako sa kanyang ginawa.

"Anong , ginagawa mo dito ?!"  Agad naman akong napalingon sa aking likuran, nakakunot ang noo ni Kuya Robert, agad naman itong tumakbo papunta sa akin at itinago niya ako sa kanyang likuran. Ngumite lang si CJ habang si Kuya Robert ay nag-aapoy na talaga sa galit, tumango-tango pa si CJ.

Itinaas niya ang kanyanga kanang kamay at sumakay na sa kotse at umalis na , gulat na gulat parin ako sa nangyari. 

"Okay ka lang?! hindi ka ba nasaktan?" Umiling naman ako , nakahinga naman siya nang maluwag.

"Kapag lumapit ulit siya ....sabihin mo sa akin ah," marahan naman akong tumango. Aalis na sana si Kuya kaso naguguluhan talaga ako sa sinabi kanina ni CJ eh?

"Kuya sabi ni CJ bakit hindi ko daw siya maalala?"  Napakunot naman ang kanyang noo sa aking sinabi.

"Ahm.. wag mo nalang pansinin yon, baliw lang ata yon." Sabi niya sabay alis pero hindi ko talaga siya maintindihan eh, wala din naman akong maalala na CJ na kaibigan ko. Ah basta hate ko siya wala akong paki sa mga sinasabi niya kasi hindi ko  naman siya kilala.

Forbidden Amore [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon