Naglalakad na kami papunta sa room, ang mukha ni Dominique hindi parin maipinta inis na inis talaga siya kay CJ. Sa sobrang inis nga niya halos lahat ng tao dito sinusungitan niya, napabuntong hininga na lamang ako at kinalabit siya.
"Hey, hayaan mo na siya. Wag mo na lang siyang isipin." Sabi ko sa kanya, napakamot naman siya sa kanyang ulo at huminga ng malalim.
"Eh kasi naman , paniguradong guguluhin ka niya !" Tama nga siya ginugulo ako ni CJ pero hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil hinayaan ko lang siyang guluhin ang buhay ko ulit.
"Hindi matatahimik ang kaluluwa ko Margarette lalo na't nandito yang gagong yan." Naiintindihan ko naman siya kung bakit ganyan ang galit nya kay CJ, nasaksihan niya lahat ang pagdudusa ko eh.
"Hayaan mo na, baka totoo ang sinabi niya kanina. Okay lang okay, so sana ikaw din." Nakangiting sabi ko sa kanya pero umiling lamang siya.
"We all know that Cruz always brings weird fxcking surprises. Mag-ingat ka lagi I can't let that retarded human ruin your life again." sabi niya sa akin, paano na? Pinapasok ko na ulit sa buhay ko. Tama siya , nasira ang buhay ko nang dahil kay CJ pero hindi ko din naman maidedeny na binigyang kulay ni CJ ang buhay ko dati.
"Alis na ako, mag-ingat ka ha." sabi niya, tumango naman ako sa kanya pumasok na siya sa loob ng kotse at umalis na.
"Did I really ruined your life Margarette?" Agad naman akong napalingon sa kanya, teka narinig niya ba lahat ng pinag-usapan namin ni Dominique.
Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay at napabuga siya ng hangin ano iiyak na naman ba sya?
"I'm sorry for ruining your life before pero I will promise that hindi ko na sisirain ang buhay mo. Gagawin ko na kung ano ang tama, I will defy all the odds in life para sayo. I will be better for you." Sabi niya habang nakatingin sa aking mga kamay. Binawi ko ang mga kamay ko sa kanya at umalis na,
"I will wait." rinig kong sabi niya , napabuntong hininga na lamang ako at tumakbo na lamang papunta sa room late na ako eh kainis. Mabilis natapos ang klase kasi ay hindi naman pala nag-klase prof namin bali clearing of clearance na lamang. Napatingin ako sa hawak kong clearance isa na lang kulang para macleared na ako. Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin ko si CJ na nakasandal ang ulo sa may puno at nakapikit ang mga mata.
"Nakatulog ata?" Maingat naman akong lumapit papunta sa kanya , nagsquat ako at tinignan ko ang kanyang mukha, napangiti ako. Ganon parin mukha niya malamang pero medyo nagmature na siya ngayon may bigote na siya ng unti, hindi ko maitatanggi na namiss ko siya.
"Baka matunaw ako ha," Sabi niya, nang dahil sa sobrang gulat ko napaupo ako nang wala sa oras,geez. Agad naman akong tumayo ng matuwid, ganun din siya pagkatapos ay ngumite siya sa akin.
"Are you done?" Tanong niya sa akin, ano ba! naiilang ako. Tumango naman ako sa kanya bigla niya namang hinawakan ang aking kamay at hinila niya ako.
"Teka teka, saan ba tayo pupunta?" Takang tanong ko sa kanya, lumingon siya sa akin sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.
"You're my queen you deserve to relax Mi amore, masyado mo kasing iniistress ang sarili mo sa school stuff so ngayon kailangan mong magrelax muna." Sabi niya sabay halik sa likod ng aking kamay, hindi ko alam pero nagpatangay na lamang ako sa kanya. Nasa kotse na kaming dalawa he buckled up my seatbelt, pinaandar niya ang kotse na nakangite ang mga labi.
bakit ka ba ganyan CJ...
"Kanina ka pa titig ng titig sa akin ha ? mahal mo na ba ako ulit?" Biglang namanhid ang katawan ko sa kanyang sinabi. Nakatingin siya sa aking mga mata agad naman akong nag-iwas tingin. Narinig ko naman ang marahan niyang tawa.
"Okay lang kahit hindi pa alam ko naman na dadating ulit tayo jan." Nakangiting sabi niya, hay nako hindi pa nga siya nagbago sobrang hangin niya padin. Napatingin ako sa daan, tekaa saan ba kami papunta.
"Saan ba tayo pupunta ?" Takang tanong ko sa kanya, akala ko kasi papunta kaming mall eh, hindi naman pala. Ngumite siya at liningon niya ako saglit.
"Ano kasi alam ko namang namimiss muna ang San Miguel." So ? pupunta kaming San Miguel? hindi pa pwede, magsasalita na sana ako kaso agad naman niyang naitaas ang kanyang hintuturo.
"Alam ko naman na hindi pa pwede eh, so plano ko nalang pumunta na lang tayo sa lugar kung saan maalala mo ang San Miguel." Nakangiting sabi niya, mga ilang minuto pa ay nakarating na kami sa isang lugar na ngayon ko lang napuntahan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at bumaba na ako.
Namangha ako sa sobrang ganda ng lugar , hindi ko inaasahan na meron pa palang ganitong lugar ng San Carlos kasi syudad na syudad kasi ang San Carlos and I didn't expect na makakakita pa ako ng ganito. Tama nga siya para siyang sa San Miguel sa sitio Verano na part kung saan nandun ang secret place naming dalawa, ano ba yan bakit parang nagtutubig na ang gilid ng mata ko.
Bigla ko tuloy naalala sila lola at tita/tito pati na ang mga pinsan ko pati na ang mga masasayang ala-ala na nagawa naming lahat, miss ko na silang lahat. Pain was the reason why I left San Miguel, at putcha miss na miss ko na sila. Ngayon ko lang narealized na kahit anong gawin mong takas hindi mo talaga matatakasan eh.
Naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni CJ patalikod , ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat. Marahan kong pinunasan ang aking luha at napabuga ng hangin.
"Ano ba talaga rason ha ? bakit mo ba ako dinala dito?!" Medyo inis na sabi ko sa kanya, naramdaman ko naman ang paghinga niya ng malalim.
"Gusto ko lang iparating sa'yo na you're free from pain na, at pwede mo na ulit balikan ang mga taong iniwan mo." Hinarap ko siya, free ba kamo? eh bakit parang nandito parin.
"Alam ko, nasaktan kita because of the reckless thing I'd done pero Margarette I am here ngayon sa harapan mo, nagpapakalalaki na para sa'yo. Margarette I love you so much alam kong hindi maganda ang mga pinagdaanan mo pero parehas din tayo." Sabi niya sa akin sabay hawak sa aking kamay.
"Maiintindihan ko kung hindi mo ako agad sasagutin ulit makakapaghintay naman ako kung kelan ka na handang maging tayo ulit. Gaya ng sabi mo liligawan kita , liligawan naman talaga kita kahit walang kasiguraduhang sasagutin mo ulit ako. Pero ito lang ang masasabi ko, ngayon na nakapagdesisyon na akong ipaglalaban kita...ipaglalaban talaga kita kahit pa kapalit ng paglalaban ko ay ang buhay ko." He said, habang nakatingin sa aking mga mata. Hindi ko alam pero awtomatikong napayakap ako sa kanya, nagulat ako sa aking ginawa aalis na sana ako kaso yinakap niya ako pabalik.
Napapikit na lamang ako, dinadama ang bawat hampas ng hangin sa aming balat.
"Thank you," Mahinang sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Forbidden Amore [COMPLETED]
Roman d'amourSimula sa pagkabata ay may sekreto na silang dalawa, isang sekretong nagpapasaya sa kanila. Pero...sabi nga nila kaakibat ni saya si lungkot, isang trahedya ang nakapagpabago sa lahat. Lumipad papuntang canada si Clarence Jay Cruz , nasangkot naman...