Kabanata 24: Paalam

53 1 0
                                    

Umuwi ako sa Sitio mag-isa naiwan ko pa nga si Dominique eh, pero excuse ko lang sa kanya biglang sumama ang pakiramdam ko kaya umuwi ako. Pero ang totoo , umuwi ako kasi hindi ko kinaya ang anunsyo. Pinunasan ko ang aking luha, ano bang inaarte ko hindi naman kami. 

Marahan akong pumikit, ang sakit kahit walang kami. Hindi naman talaga ako umasang magiging kami kasi una pa lang I hated him pero as time goes by hindi  ko namalayan na gustong-gusto ko na siya pero wala na akong  magagawa ikakasal na siya. Patunay lang 'yon na hindi talaga kami para sa isa't-isa.

This is what I don't like about  love , yes you will be happy but in the end you'll end up hurting yourself. I never assumed na magiging kami pero I assumed that he really likes me pero I was wrong, pero okay lang din naman to diba. At least he will be happy.

Habang nakapikit ako may mga scenario na sumusulpot may mga boses akong naririnig, napahawak ako sa aking ulo. What the f is happening to me right now , every time I feel sad and lonely lagi na lang ganito.

"Ang sakit ng ulo ko," Hindi ko maintindihan why? nagrereplay na naman sa aking utak 'yong mga bata na naghahabolan.

Patatas you and me forever promise !!

 bakit ko ba to naririnig hindi ko maintindihan nababaliw na ba ako.

Promise 

why am I hearing this shit ? ang sakit sa tenga ang sakit sa ulo. Umiiyak na ako sa sobrang sakit hindi ko na kaya,

Clarence Jay Cruz promise, I promise mi amor  that I will be back stronger and audacious

You and CJ aren't good for each other remember you are a Verano and he is a Cruz !!

"Please STOP !" Hindi ko na kaya masyadong marami at mabigat ang naalala ko.

Please lumaban ka!

Mi amor , I may be too young to say this to you but I love you and I promise you that I will fight for our love.

I'm sorry but I have to go I  love you...

Mas lalo pa akong naiyak sa aking naalala he promised pala ha tapos ngayon ikakasal na siya. Naiiyak ako, naiinis ako at nagagalit ako sa kanya, he promised pero ano ngayon?!

"I hate  you CJ!" Ang sakit sa puso bakit ba napaktiming eh, hindi ko kaya ang mga naalala ko hindi ko kaya, he's getting married and I can't do anything !  Napahawak ako sa aking dibdib.

"Masyadong masakit na ah!" Napaupo ako at napayakap sa mga tuhod ko, tanga tanga ko eh ki bata bata ko pa kasi dati bakit ba kasi agad ako nagpadala sa bugso ng damdamin eh. I remembered everything as in everything and sobrang sakit ng mga naalala ko. 

Naramdaman ko namang may yumakap sa akin tinignan ko naman kung sino.

"Dom---"

"Ssshh, umiyak ka lang, iiyak mo lahat." Pagkasabi niya non ay bumuhos na aking mga luha, napasandal ako sa kanyang dibdib. Nanghihina na ang katawan ko sa sobrang iyak ko naubos na ang enerhiya sa aking katawan.

"Naalala ko na ang lahat Dominique, ang masakit lang hindi niya tinupad ang pangako niya. Oo umuwi siya pero ang sabi niya dati uuwi siya na malakas at matapang na para ipaglaban ang pag-iibigan naming dalawa pero lahat yon puro kasinungalingan!"

Duwag parin pala siya hanggang ngayon samantalang ako dati muntikan na ng mamatay nang dahil sa pesting pag-ibig na yan, his father almost killed me pero lumaban parin ako para sa aming dalawa pero ang ending ikakasal lang pala siya. Edi sana hindi ko na siya naalala.

I hate him ! Marahang hinagod ang aking likod.

"Sumama ka nalang muna sa akin sa San Carlos Margarette. Ilibing mo lahat ng sakit na meron ka ngayon magbabagong buhay ka doon." Napaangat ako ng tingin sa kanya pero paano na ang pag-aaral ko baka magkandagulo-gulo ang mga papeles ko.

"Pero paano na ang pag-aaral ko Dominique," Ngumite siya sa akin.

"Kung ang inaalala mo ay baka magkagulo ang iyong mga papel. Wag kang mag-alala gagawin ko ang lahat para hindi ka mahirapan doon okay."  Tumango ako at yinakap ko siya. I have to do this for my self so that makita ko na ang totoong kasiyahan baka doon ko lang makita.

Nabigla ang lahat sa naging desisyon ko, hindi nga nila alam kung ano ang rason pero kung ano man daw ang magiging desisyon ko sa buhay ay susuportahan nila.  Mahirap din sa akin pero alam ko naman na walang problema na hindi ko malalampasan itong problema na kinakaharap ko ngayon malalagpasan ko din ito.

Napatingin ako sa kapatid ko na ngayon ay nakayuko lamang, ngumite ako at lumapit sa kanya.

"Peachy , babalik din ako pangako ni ate yan." Sabi ko  sa kanya naoabuntong hininga naman siya sa aking sinabi at tumango. Yinakap ko nang mahigpit ang kapatid ko, napatingin naman ako kay Kuya Augustine na umiiyak ay ano ba yan.

"Kuya naman para kang beke eh, saglit lang naman ako doon mga 3 years lang naman eh," Pagkasabi ko ng tatlong taon ay mas lalo siyang umiyak at yinakap ako. Sa lahat ng pinsan ko siya at si Kuya Robert ang pinakaclose sa akin. Tumingin naman sya kay Dominique at tinuro siya.

"Hoy ikaw, alagaan mo ang pinsan ko ah." Ngumite naman si Dominique at  Tumango , Yinakap ko na silang lahat nag-iyakan sila hindi ko din mapigilang hindi maiyak.

"Ano ba kayo para namang lilipad ako sa ibang bansa eh hindi naman eh, sa San Carlos lang naman eh you can pay a visit naman sa akin eh," Natawa naman ako sa kanila, yinakap ko sila isa-isa at sumakay na sa kotse pagkatapos ay kinawayan ko silang lahat.

This may be the hardest part of my life ,leaving the place where I found Happiness and sadness, pero I promise babalik ako sa ngayon kailangan ko munang ayusin ang sarili ko lalo na ang puso ko.

Bago ako umalis ay nagpunta muna ako kanina sa Secret Place namin ni CJ and I left a letter pero hindi ko sinabi kung saan ako pupunta mas mabuti na kung ganon diba he'll live a peaceful life without me at isa pa ikakasal na siya gusto ko na sumaya siya.

Napatingin ako sa aking kamay na ngayon ay hawak ni Dominique.

"Magiging okay din ang lahat," Sabi niya habang nakatingin sa daan , ngumite ako nang mapakla.

Sana nga magiging okay na ang lahat. 

Paalam...mahal ko sana maging masaya ka.

Forbidden Amore [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon