Kabanata 32:Crazy ,madly and deeply in love with you

40 2 0
                                    

Nagising ako sa sinag nang araw, napatingin ako sa loob ng kwarto hindi naman 'to sakin. Teka nga, agad naman akong napablikwas at nahulog ako sa sahig. Ano ba kasing ginagawa ko dito, nasa sahig parin ako nahihirapan kasi akong tumayo.

"Aiish tatanga-tanga kasi eh," Sabi ko sabay himas sa aking balakang, Diyos ko sana naman hindi nagcrack or what ang balakang ko.

"Are you okay ?" Natatarantang sabi ni CJ sa akin na nakatowel lang, napatakip ako sa aking mga mata, Ano bang nangyari kagabi ano bang ginagawa ko dito sa kwarto niya? nasaan si Zawi kailangan ko nang umuwi. Napatuwid naman ako ng tayo at lalabas na sana kaso hinarangan niya na ang pinto.

"Ano ba umalis ka nga jan kailangan ko nang umuwi, nako si Dominique nag-aalala na iyon sa akin," Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin Diyos ko, naningkit naman ang kanyang mga mata sa aking sinabi. Bakit? ano bang mali sa aking sinabi?

"Ako ang boyfriend mo pero iniisip mo parin 'yong lalaking 'yon," Natigilan ako sa kanyang sinabi at naalala ko lahat ang kagagahan ko kagabi pati na ang halik. Napatingin ako na kama, anong nangyari pagkatapos non? Diyos ko. Napahawak ako sa aking ulo at tinignan siya ng masama.

"Anong ginawa mo sa akin ha, napakamanyak mong kurimaw ka!" Sabi ko sa kanya sabay hampas pero nakailag naman siya sa mga hampas ko. Nahuli niya ang aking mga kamay at hinawakan ito napakunot ang kanyang mga noo.

"Ano bang pinagsasabi mo? akala mo siguro may nangyari sa ating dalawa?" Natahimik ako at hindi siya tinignan sa mga mata, ibinaling ko na lang ang mga mata ko sa kama. Hinawakan niya ang aking pisngi para makatingin ako sa kanya.

"Mi amore, I love you but I won't do that. I respect you." Sabi niya sabay ngiti, please don't smile nakakainis ka. Tinabig ko ang kanyang mga kamay.

"Sino may sabi na boyfriend kita?" taas noong sabi ko sa kanya, ngumise naman siya.

"I reviewed the CCTV footage kanina, you said you will comeback na to me that means I am your boyfriend," Sabi niya umiling naman ako, ano siya siniswerte. Nawala ang mga ngise sa kanyang mukha.

"Oo babalik ako sa buhay mo pero hindi ko naman sinabi na boyfriend agad kita," Sabi kong nakahalukipkip, natahimik siya sa aking sinabi bumagsak pa ang kanyang mga balikat. Napabuga ako ng hangin , nakakainis naman Oo bakit ang hirap niyang tiisin. Eh dati naman natitiis ko na wala siya pero ngayon na kaharap ko na siya...ang hirap.

"Ano ka siniswerte, hindi ka kaya nangligaw," Sabi kong hindi nakatingin sa kanya, napansin ko naman na napaangat ang kanyang ulo at napangite siya sa aking sinabi at yinakap niya ako sabay halik sa aking pisngi. Nagulat ako sa kanyang ginawa kaya napatingin ako sa kanya.

"Thank you, I love you." I slightly pushed him, napausog naman agad siya at umupo sa kama sabay bihis sa kanyang shirt. Napatingin ako sa kama, like seriously dito ako natulog katabi siya?

Napansin naman ata niyang nakatingin ako sa kama.

"Kung iniisip mo na magkatabi tayong natulog, hindi  sa lapag ako natulog ako natulog kagabi. Renirespeto kita alam mo yan okay." Reirespeto daw pero hinalikan ako kagabi, pero rumesponde naman ako. Napailing naman ako, ano ba itong iniisip ko.

Kinapa ko ang phone ko and holy macaroni ang daming messages and calls ni Dominique. I quickly dialed his number paniguradong nag-aalala 'to.

"Hel--"

[Where the heck are you Margarette? Hindi ako nakatulog sa paghahanap sa'yo!]

Napabuntong hininga na lamang ako at napatingin kay CJ , sinenyasan ko siyang wag mag-ingay umirap lamang siya.

"Ahm...Pauwi na ako. Don't worry promise pauwi na ako." narinig ko namang napabuga siya ng hangin.

[Teka, nasaan ka ba susunduin na lamang kita.]

"No... Wag na I'm on my way na din just stay there okay."

Pagkasabi ko nun ay agad kong ibinaba ang  tawag at kinuha ang jacket at car key sa kanyang lamesa. Papalabas na sana ako nang hilain niya ang kamay ko.

"Ano ba , uuwi na ako hinahanap na ako ni Dominique okay."

He licked his lower lip and then he smirked.

"Dito ka nalang kaya tumira o edi kaya'y bilhan na lang kita ng sarili mong bahay para hindi ka na mamroblema jan sa Dominique na'yan." Tinanggal ko ang kanyang kamay na nakahawak sa akin.

"Manliligaw pa lamang kita hindi pa kita jowa okay. Limit your words Mr. Cruz." Sabi ko sa kanyang nakangite sabay bukas sa pinto at umalis na.

Nang makalabas ako sa bahay ay agad naman akong tumakbo papunta sa kotse at pumasok.

Napahawak ako sa aking dibdib. What was that for? Napailing na lamang ako at pinaandar na ang kotse.

Nakarating na ako sa bahay, kabado ako as in kasi hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Dominique.

"Chill, relax Margarette." Sabi ko sabay inhale at exhale, napapikit pa ako. Paglingon ko sa may bintana nandun na si Dominique nakahalukipkip pa with nakakunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay.

"Diyos ko," bulong ko. Maingat kong binuksan ang pinto, kailangan paglabas ko nakangite okay self kaya mo ito.

Binuksan ko ang pinto at ngumite ako sa kanya sabay yakap.

"Pasok ka muna , mag-usap muna tayo." Sabi niya sabay pasok sa bahay, napasapo ako sa aking noo. Ano ba kasing nakain ko at doon pa ako natulog at bakit ba kasi ako pumunta doon.

Nasa loob na kami ng bahay, nakakunot padin ang kanyang noo.

"Saan ka ba galing?" He said. Napalunok naman ako sa kanyang tanong. I stayed relax and damn fine para hindi niya manoticed na natetense ako.

"Ahm... Kila Zawi ako natulog. Alam mo naman broken yung tao, kailangan ng kausap." Kalmado kong sabi sa kanya, tumingin naman siya sa akin.

"Edi sana sinabi mo sa akin na pupunta ka doon para naman hindi ako mag-alala diba." Medyo inis na sabi niya, tama nga naman siya dapat nagpaalam muna ko.

Lumapit ako at tumabi ako sa kanya, yinakap ko siya agad.

"Best friend , don't be mad na please. Zawi needed a friend so I went there para naman hindi maramdaman ni Zawi na mag-isa siya." Sabi ko sa kanya, napabuntong hininga na lamang siya at tumango. Naks kailan ka pa natutong magsinungaling sa iyong best friend Margarette.

"Kumain ka na ba ?" Takang tanong niya sa akin sakto namang tumunog ang aking tiyan , napatawa na lamang siya. Nakahinga naman ako nang maluwag, thank you naman hindi na siya galit.

"You take a bath now, punta lang ako sa kusina magluluto para may makain ka." Sabi niya sabay gulo sa aking buhok at pumunta na sa kusina, napahiga ako at nakahinga ng maluwag. Thank you Lord. Bumangon na ako at pumunta na sa kwarto para maligo.

Napakunot ang noo ko, may tumatawag, kinuha ko ang phone ko at  nagsalubong ang aking mga kilay. Sinagot ko na lamang ang tawag para malaman kung sino ang tumatawag.

"Hello? sino 'to?" Narinig ko namang tumawa siya ng marahan, wait baliw ba 'tong taong 'to?

"Kindly delete my number, I don't even know you." Maarting sabi ko sa kanya. Napatikhim naman siya.

[I chuckled because your lovely voice is nakakakilig.] Napalunok ako ng laway sa kanyang sinabi. Kurimaw ?! how did he argh.

"Paano mo nakuha number ko?" Gulat na sabi ko sa kanya, narinig ko namang napatawa siya.

[Mi amore, alam mo naman na when it comes to you nagiging isang detective ako  kaya don't b shock kung nalaman ko at nakuha ko agad.]

''Alam mo baliw ka na talaga," Medyo iritabling sabi ko sa kanya.

[Yeah you're right I'm crazy...Crazy, madly and  deeply in love with you.] sabi niya pagkatapos ay pinatay na niya agad.

"Bastos !" Ang bastos niya  napahawak naman ako sa aking pisngi shit bakit ako nakangite. Bakit parang kinikilig ako animal ka talaga Cruz!!! you turn my whole world upside down again?!

Forbidden Amore [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon