Kabanata 30: Cheers to the love that I can't have.

62 0 0
                                    

Maaga akong nagpunta sa university kasi kailangan kong matapos lahat ang mga requirements eh para makagraduate na talaga ako. Naglalakad ako sa hallway gusto ko kasing tapusin ang ginagawa ko sa ilalim ng puno. Mga ilang minuto pa ay nakarating na ako sa may puno, kinuha ko ang sapin ko sa bag at inilatag na ito, umupo na ako sabay turn on sa laptop.

Sa dalawang taon ko dito hindi talaga ako nakahanap ng mga kaibigan na tunay, kaya wala akong friends ngayon dito. Totoo naman pala talaga ang sabi ng mga taong nakagraduate na sa kolehiyo, magkakaroon ka naman ng kaibigan pero lahat yan ay lilisan.

Napakamot ako sa aking ulo at napatingin sa laptop, nakakainis ang dami ko pang gagawin. Puro essay lang naman eh, halos lahat ata puro essay pero nakakatamad eh iba-iba pa ang topic jusmeyo naman english major ako pero hindi ako matalino masyado.

"Until now , you still love being alone." Agad naman akong napalingon sa nagsalita, kahapon nagpunta siya sa bahay tapos ngayon dito naman.

I picked all of my things, nanadya ba siya.

"Hey, show some good manners naman soon to be teacher ka pa naman." Binitawan ko ang laptop ko at tinignan siya ng masama.

"Eh ano naman ?" Mataray kong sabi sa kanya, napabuntong hininga siya at dahang-dahan lumapit.

"You remembered everything right, diba sabi ko I won't give up." Nakangiting sabi niya sa akin, wth is he thinking may asawa na siya gumaganito pa siya.

"Look Clarence , I don't like playing games okay. We're done and you are married so please stop." Inis na sabi ko sa kanya, ngumite lang siya sa akin .

"You're wrong," what? Ako mali? Ulol narinig ko lahat dati na ikakasal na siya.

"Tumigil ka nga Clarence, wag mo akong paikutin sa mga salita mo." Inis na sabi ko, natapos ko nang ilagay ang mga gamit sa bag ko ay kaioangan ko na lang gawin ay umalis na.

Tumayo na ako aalis na sana ako kaso nagulat ako sa kanyang ginawa. Yinakap niya ako bigla.

"Clarence sto-"

"Walang kasalang naganap dati, dahil gusto ko na ang babaeng ihaharap ko lang sa altar ay ang babaeng mahal na mahal ko at hindi ko mahal si Shanine. I ran away and my dad almost killed me for running away." Teka hindi maproseso sa aking utak ang mga sinabi niya.

"That day I decided to be a man, a man who is going to fight for what is right," sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata, bakit ka ba ganyan bakit mo ba sinasabi sa akin to.

"I just wanted to be with you that's it. Ikaw ang mahal ko, at ipaglalaban ko kahit pa ang pamilya ko ang makakalaban ko." bakit ngayon niya lang ito sinabi sa akin.

Itinulak ko siya.

"Bakit ngayon mo lang sinasabi ang lahat ng ito." inis na sabi ko sa kanya, tae naman Margarette wag kang umiyak.

"Kasi , we were hurt hardcore before and we can't think straight. Ngayon ko lang sinabi ito kasi this is the right time your heart is healed from the painful past." Napailing ako sa kanyang sinabi,

"And we're both healed, and I think it's time for us to do the right thing Mi amore. This is the right time." sabi niya sabay hawak sa aking pisngi... Ang hirap niyang paniwalaan.

Tinabig ko ang kanyang kamay at umalis na. Ayaw ko marinig ang kanyang mga sinasabi naiinis ako sa tuwing binabalik niya ang nakaraan.

Nasa classroom ako, dito sigurado akong hindi niya ako susundan.

"Finally katahimikan," Agad ko namang inilabas ang aking laptop at tinapos ko na ang mga dapat tapusin. Masyadong madami 'to at dumudugo na ang utak ko at ilong ko sa kakaenglish.

Forbidden Amore [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon