Nagising ako nang may malamig na tubig ang isinaboy sa akin agad akong napadilat, inilibot ko ang aking paningin.
"Nasaan ako." nanghihina pa rin ang aking katawan, napatingin ako sa aking kamay bakit nakakadena ito. Ano bang nangyayari. Pilit kong hinihila ito kahit alam ko naman na hindi kayang tanggalin ng paghila ang kadenang nakapulupot sa aking palapulsohan.
"Tulong ?!" malakas na sigaw ko, hindi mahagip ng aking mga mata ang taong nagsaboy sa akin ng tubig.
"Tulong !!!" muling sigaw ko umaasang may makakarinig sa akin.
"Tulong !!!!!" muling sigaw ko.
"Mi-mi a-more." Agad naman akong napalingon , hinanap ng aking mata. Alam kong si Cj 'yon. Lumingon ako sa aking kaliwa at nakita ko si Cj na nanghihina at duguan ang kanyang mukha, ang sakit sa puso. Tumakbo ako sa kanya kaso hindi umabot kadena papunta sa kanya.
Hinila ko ulit ang kadena , sa huling hila ko ay may kung anong kuryente ang dumaloy sa aking katawan dahilan para mapaluhod ako sa sobrang sakit na nararamdaman.
Napayuko ako, bakit nagkakaganito... May naririnig akong yapak, bawat hakbang at tunog ng kanyang takong ay nakakatakot hindi ko alam kung sino sya pero alam ko na masamang tao sya.
"Awwe this forbidden amore is cute as hell." napaangat ako ng tingin, nagtiim ang aking bagang sa aking nakita. Naglakad siya papunta kay Cj.
"WAG KANG LUMAPIT SA KANYA !" Pagkasabi ko non ay huminto siya at ngumite siya sa akin. Yumuko siya at hinawakan ang mukha ni Cj. Please don't.
"Hanggang ngayon ba hindi ko pa rin maanalyze ng maigi? HINDI KAYO PARA SA ISA'T-ISA !" Malakas na sigaw nya sabay ngudngud sa mukha ni Cj sa sahig.
"Huwag !" tumawa siya , hindi ko alam kung bakit ginaganito nya kami wala naman kaming kasalanan sa kanya. Lalapit sana sya sa akin kaso hinawakan ni Cj ang kanyang kamay.
"Joerelle please 'wag." ngumite siya at tinanggal ang pagkakahawak nito, tinapunan nya ako ng matalim na tingin.
"Tinatanong mo ako kung ano ang kasalanan niyo sa akin. Hmm," napahawam naman siya sa kanyang baba sabay tingin sa akin.
"Sa akin wala pero sa ina ko meron, at sa tatay nitong taong mahal mo." bakas sa kanyang boses ang galit. Hindi ko sya maintindihan.
"Oh , hindi maproseso ng utak mo ? Ganito kasi yan." lumapit siya sa akin at hinila nya ang aking buhok.
"Joerelle stop !" malakas na sigaw ni Cj pero parang bingi si Joerelle.
"Ako dapat ang nasa posisyon mo ngayon, ako dapat ang Verano ! Ikaw dapat ang anak sa labas but it turns out hindi because our father married your mother !" sabi nya sabay sampal sa aking mukha. Kapatid ko siya?
"We're his family first ! Pero hindi nya mahal si mama kaya hindi nya napakasalan!!" sinampal nya ulit akin.
"Nagpapakasasa ka buhay na marangya na dapat ay sa akin ! If it wasn't because of your mom ako sana ang nasa posisyon mo ngayon !" sinampal nya ulit ako, narinig ko naman ang malakas na hagulgol ni Cj.
"Don't cry ! I'm okay Mi amore." sigaw ko kay Cj pagkasabi ko non ay kumuha si Joerelle ng kahoy humugot siya ng lakas. Napapikit na lamang ako hinihintay nga dumapo sa aking mukha ang kahoy na hawak nya. Ganun ba kalaki ang kasalanan ko sa kanya.
"Nooooo!!!!"
"Stop Joerelle." Dumagundong ang kanyang boses sa loob ng silid. Hinay-hinay kong idinilat ang aking mga mata. Sa tuwing nakikita ko ang kanyang pagmumukha, rumaragasa agad sa aking sistema ang takot.
BINABASA MO ANG
Forbidden Amore [COMPLETED]
RomanceSimula sa pagkabata ay may sekreto na silang dalawa, isang sekretong nagpapasaya sa kanila. Pero...sabi nga nila kaakibat ni saya si lungkot, isang trahedya ang nakapagpabago sa lahat. Lumipad papuntang canada si Clarence Jay Cruz , nasangkot naman...