Kabanata 16: Scar

53 2 0
                                    

Nasa living room na ako kasama sila Kuya Robert , Kuya Augustine at Peachy. Hindi parin nawawala ang panginginig ng buong katawan ko, para kasi siyang totoo eh.

Alas tres pa lang ng madaling araw pero ayon nabulabog ko ang dalawa kong pinsan pati na din ang kapatid ko.

"Matulog na kayo kuya okay lang naman ako eh," Nakangiting sabi ko sa kanila , ang totoo naman ay hindi pa talaga ako okay. Feeling ko talaga kasi nangyari yun sa totoong buhay.

Inabot ko ang mug na may mainit na tubig , nanginginig parin ang kamay ko. Napatingin naman si Kuya Augustine sa akin agad naman siyang lumapit sa akin at tinignan ako sa aking mga mata.

"Pinsan, isang panaginip lang iyon. Wag ka nang matakot kung sino man yang gustong manakit sa'yo sa iyong panaginip hindi ka niya masasaktan sa totoong buhay okay. Kumalma ka,"

sabi niya sa akin, pero paano kung nangyari talaga yun sa totoong buhay. Napatingin naman ako kay Kuya Robert na ngayon ay tahimik lang , nakatulala.

Kinakalabit siya ni Peachy pero wala pa din. Hanggang sa niyugyog siya ni Kuya Augustine nagising naman siya reyalidad.

"Ano bang nangyayari sayo?" Iritang tanong ni kuya Augustine sa kanya, umiling naman siya tapos uminom ng tubig. Umiling naman siya tapos tumingin sa akin.

"Wag mo na lang pansinin ang iyong panaginip pinsan, dahil  gawa-gawa lang iyan ng iyong isipan kaya ka siguro binangungot dahil napagod ka. Kailangan mo ding magpahinga okay, kuya tulog muna ako." Sabi niya sabay alis, natahimik kaming lahat ang weird lang.

Nagsipasokan na sila sa kanilang kwarto pero heto parin ako nasa balkonahe nagpapahangin, hindi na rin ako makatulog dala nang takot na baka mapanaginipan ko na naman ulit yun.

Napabuntong hininga na lamang ako, nang maalala ko si Kuya Robert na tulala hindi ko alam pero parang may alam siya. Hindi naman ganun ang magiging reaksyon niya kung wala siyang alam o baka inaantok lang talaga siya.

Nakakapangduda lang kasi eh..sinapak ko ang sarili ko.

"Ouch," bad idea , napakamot naman ako sa aking ulo.

"Ano ka ba isang panaginip lang naman kasi iyon." Napabuntong hininga naman ako, napatingin ako sa orasan. Malapit na mag alas kwatro maya-maya pa ay darating na iyon.

Kailangan ko nang magbihis, naglakad na ako papunta sa aking kwarto at nagbihis na. Nagdala na din ako ng extra dahil doon na lang ako maliligo.

Nang matapos na ako ay lumabas na ako agad sa aking kwarto pagkatapos ay pumunta ako sa kusina para idikit sa ref ang note.

"Kailan ka pa natutong magsinungaling?" mahinang sabi ko, alangan naman sabihin ko ang totoo edi mas lalo akong papagalitan. Idinikit ko na ang note sa ref at isinuot ko na ang pack bag sa aking balikat at lumabas na ng bahay.

"Woah ang lamig." nakajacket na ako, balot na balot pa nga ako pero walang silbi parin giniginaw parin ako eh. Yinakap ko ang sarili ko  sa sobrang lamig.

Nakokonsenya na talaga ako eh, napabuntong hininga na lamang ako. Kung hindi din naman ako magsisinungaling papagalitan ako.

Lumabas na ako sa gate at isang kilometro pa lang ang layo ay natanaw ko na agad si CJ nakaupo sa nakasandal sa bumper at nakahalukipkip, nakapikit pa nga eh.

Madilim pa ang paligid at ang nagsisilbing ilaw ay yung ilaw ng kotse niya. Nang mapansin niya paparating na ako sa kanya ay agad naman itong ngumite sabay kaway sa kanyang kamay.

Ginantihan ko na lang din siya ng isang ngite dahilan para mapahinto siya sa pagkaway, napakunot naman ang aking noo. Nang makalalapit na ako sa kanya ay tinampal niya ang kanyang mga pisngi.

Forbidden Amore [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon