Matapos 'yong nangyari kanina bigla akong kinabahan sa maaari pang mangyari, baka makarating 'yong sa medya at biglang baliktarin. Paniguradong ako ang maagrabyado pero… kahit ano pang gawin nila hindi sila magtatagumpay..lalaban ako kung ano ang tama.
Nasa kusina si Cj nagluluto ng pagkain para daw may meryenda kaming dalawa, ako naman nasa sala lang nakaupo at pinapanuod ang boring na basketball game, I am not a fan of bastketball.
"Clarence nasaan ang remote!" sigaw ko sa kanya.
"You don't like basketball?" sigaw nya pabalik.
"Err, no!" narinig ko naman ang pagtawa nya.
"I don't know babe just ahm find it, sigurado naman ako na nandyan lang yan!" napairap na lamang ako, hindi ko alam bigla na lamang uminiit ang aking ulo eh. Tumayo na lamang ako at hinanap na ang remote.
Nasaan ba kasi 'yon?! Halos hinalughog ko na ang buong tray na lalagyan dito both sides pero wala pa din. Yumuko na ako't lahat lahat pero wala pa din.
"Nasaan ba 'yong remote!" inis na sabi ko.
"Ahm, mi amore the remote is in the table lang." Agad naman akong lumingon kaso nauntog ang ulo ko.
"Aray naman." nataranta namang pumunta sa akin si Cj. Hinimas-himas ko pa ang noo ko. Napatingin naman ako sa aking boyfriend bakit sobrang hot nyang tignan kapag nakaapron lang.
"Masakit ba?" takang tanong nya, napailing naman ako. Nagulat naman ako nang bigla niya akong buhatin papunta sa sofa.
"Now what do you wanna watch ?" takang tanong nya sa akin sabay lapag sa akin sa sofa.
"Ikaw." teka parang mali ang aking sinabi. Napangisi naman siya sa aking sinabi, narelaized ko na mali ang aking sinabi.
"Ahm I me---"
"With apron or without apron baby." he said while biting his lower lip, napapikit na lamang ako at napa sign of the cross.
"O Diyos ko ilayo mo po ako sa tukso." halos manginig na ang aking buong katawan nang maramdaman kong lumapit siya sa akin. Kinakabahan ako.
"Mi amore I think its better without apron right." O Diyos mahal na mahal ko po siya pero mangyayari na ba talaga isusuko na ba ang bataan?!
Maya-maya pa ay bigla siyang tumahimik dahilan para mapadilat ko ang aking kaliwang mata para matignan kung ano ang nangyari sa kanya, Agad ko namang hinampas siya sa sobrang inis kasi naman pinipigilan nya pala ang sarili nyang hindi matawa. Bwesit.
"Mi amore WAHAHAHAHA." May pa hawak-hawak pa siya sa tiyan nya, akala nya siguro sobrang nakakatuwa ang kanyang ginawa ?!?! Hindi kaya. Padabog naman akong tumayo at nagmartsa naman ako papunta sa pinto, bahala siya sa buhay nya ?!?!? Bwesit na tao.
Pipihitin ko na sana ang door knob kasi aalis na talaga ako pero bigla niya akong yinakap patalikod at pinaulanan ng mga halik sa aking pisngi at leeg. Ano ba wag kasi…
"I was just teasing you." sabi nya sabay baon sa kanyang mukha sa aking leeg. Napabuga na lamang ako ng hangin.
"Eh kasi naman Cruz hindi nakakatuwa ang iyong ginawa , akala ko mapapasuko ako ng bataan ng wala sa oras eh." inis na sabi ko sa kanya hiningal pa nga ako na parang tanga.
"Sorry na , hindi ka naman mapapasuko eh kasi sa kasal na natin ka kusang susuko eh. I won't do that kind of reckless behavior babe kasal muna bago sisirin ang bataan." natatawang sabi nya sabay halik sa aking pisngi. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang kaming umabot sa ganitong topiko.
Sa tingin ko kailangan ko nang palitan nakakadiri naman kasi. Tumikhim ako at pumunta na sa sofa , nakasunod naman sya sa akin. Nagluto pa talaga siya ng chicken curry para sa akin.kumain na lamang ako, pero hindi ako makagalaw kasi naman pre nakayapos po ang mga braso ng kuya niyo sa baywang ko.
"Clarence , kakain ako." pero parang wala lang siyang narinig.
"Ako na lang kainin mo babe." Hindi na ako nagdalawang isip pang ihampas sa kanyang ang paper plate na hawak ko. Tawa tawa pa ang ugok. Bigla naman nya akong yinakap
"Sana ganito na lang tayo 'lagi ano masaya." yinakap ko na lang siya pabalik, sana nga.
Bigla namang bumukas ang pinto.
"And holy macaroni ?!?!'' sabay off nya sa cam nya. Natawa na lang kami pareho ni Cj.
"My house got plenty of rooms yet both of you choose this place to display your labing-labing." hindi makapaniwalang sabi nya. Napakamot naman siya sa kanyang ulo.
"Naman kasi pre, magfifilm sana ako ng house tour eh." ha ano daw?
"Alam mo tigilan mo na yang pagkaadik mo sa youtube nagiging isang vlogger na tanga ka na." natatawang sabi nya kay Zawi.
"Langya ka talaga pre ?!? Kailangan ko lang naman libangin sarili ko no, ewan ko sa inyo maiwan ko na nga kayo." sabi nya sabay martsa papunta sa kanyang kwarto. Nagkatinginan kami ni Cj sabay tawa para kaming mga tanga dito eh.
"I love you so much." nakangiting sabi nya sa akin , I spread my arms and the he hugged me binuhat pa nga ako.
"Ano ba mabigat ako." natatawang sabi ko sa kanya, ngumite naman siya sa akin.
"Hay nako, nakalimutan mo na ba na ikaw ang lakas ko." Kinilig ako sa kanyang sinabi pero hindi ko naman siya pinahalata.
"Oy ngingite na siya."
"Ano ba," wag please, pero hindi pa rin siya tumigil sa kakaasar kaya hindi ko napigilan ang aking sarili na mapangite.
"Nagiging korni ka na ha, hindi ka naman ganyan dati." Nakangiting sabi ko sa kanya, buhat-buhat nya pa rin ako.
"Hmm, I said I'll be better na and the Cj na nakilala mo before was a coward and a kill joy pero ngayon all I want is you to be happy with me. Kaya nga korni ako sayo kasi in this way mapapangite kita." hinawakan ang kanyang mga pisngi.
"Kung ano ka dati at kung ano ka ngayon, mahal pa din kita. Thank you !" sabi ko sabay halik sa kanyang labi, napangite naman ang loko.
"Isa pa nga kailangan ko ng energy pa." kinaltukan ko naman siya at pareho kaming napatawa sa aming ginawa.
Masaya ako na kasama ko siya, masaya ako na ginagawa nya ang lahat mapasaya lang din ako sana hindi na matapos ito.
BINABASA MO ANG
Forbidden Amore [COMPLETED]
RomanceSimula sa pagkabata ay may sekreto na silang dalawa, isang sekretong nagpapasaya sa kanila. Pero...sabi nga nila kaakibat ni saya si lungkot, isang trahedya ang nakapagpabago sa lahat. Lumipad papuntang canada si Clarence Jay Cruz , nasangkot naman...