Nasa university na kami ng San Carlos and hindi naman ako nagulat kasing laki naman siya naman siya ng university namin sa San Miguel. Maaga akong ginising ni Dominique sa sobrang aga pumunta pa kami dito na wala pang araw bwesit talaga pero kasi sabi niya naninigurado lang siya na kami mauuna sa pila.
And nauna nga kami , worth it ang 6 hours na paghihintay. Worth it ang paggising ng alas tres ng madaling araw.
Tinapik ko si Dominique na nakatulog sa plastic chair tapos nakahalukipkip. Kung hindi lang talaga gwapo 'tong best friend ko baka napagkamalan siyang baliw.
"Tapos ka na ba ?" At nakapikit na naman ang kanyang mga mata. Ayan kasi eh, napabuntong hininga na lamang ako. Mabuti na lang at pinapasok siya kahit nakapajama ang loko.
Ang mature niya pagdating sa San Miguel ang baby naman niya pagdating dito. Hindi na ako nakatiis hinampas ko na sa kanya ang aking mga papel napatayo naman agad ang loko.
Sinamaan niya ako ng tingin, ngumise lang ako sa kanya. Lumingkis ako sa kanyang braso , clingy po talaga akong best friend sorry na po. Halos sila nakatingin sa amin ....parang mga baliw.
"Ngayon lang ba sila nakakita ng mag best friend na ganito umakto?" iritabling sabi ko.. Teka nga bakit na naman natahimik ang loko , nag-angat ako ng tingin and ang loko naglalakad na tulog.
Kinurot ko naman siya sa kanyang tagiliran.
"Aray naman Margarette eh." reklamo niya.
"Umayos ka nga ! Magdadrive ka pa ayaw ko pang mamatay no aayusin ko muna buhay ko bago ang mamatay." Sabi ko sabay yakap sa aking sarili, ginulo naman niya ang aking buhok. Aba naman ayaw ko pa naman talaga mamatay.
"Oo na po sorry na po." sabi niya sabay akbay sa akin. Aalis na sana talaga kami nang biglang may humarang sa aming dalawa, tao ba'to o hipon?
"Excuse meh, why are you flirting with my baby?" sabi nung girl na nakasideways na ponytail. Medyo natawa naman ako sa kanyang sinabi, ano to may mean girls hanggang college.
"Pwede ba, tumigil na kayo nakagraduate na lang ako hanggang ngayon ganito parin kayo. Nakakainis na kayo."
Inis na sabi ni Dominique, ayan kasi biruin na lahat ng tao wag lang talaga yung taong kulang sa tulog.
"Then who is she I need your exp---" Actually ang OA niya , hindi siya natapos magsalit because Dominique cut her off.
"Need my explanation? Who are you to say that to me , we're not even close. If I were you aayusin ko na lang buhay ko at magsisipag sa pag-aaral kaysa unahin ang lalaki."
sabi ni Dominique medyo napaharsh ang kanyang sinabi, kinurot ko naman ang kanyang tagiliran.
Nagreklamo naman ang kurimaw. Eh kasi naman kahit na mukhang mga hipon tong mga babaeng 'to babae parin sila at kahit sinong tao kailangang respetohin. Naguklat kami pareho ni Dominique nang bigla-bigla lang sumigaw yung girl.
"Bakit mo kasi siya ginaganyan ?! Uh hindi nga namin siya matapik lang tapos ikaw kinukurot at sinasapak mo how dare you ?!" sabi nung girl , sasampalin na niya sana ako kaso napigilan ni Dominique.
Akala ko natatakot na siya sa mga nakakamatay na titig ni Dominique kaso...
"OMG he touched my hand , I'm preggy na ata." Agad namang napabitaw si Dominique sa kamay niya, ano daw HAHAH kanina pa ako nagpipigil tumawa eh.
"Kayo , kapag nalaman ko na sinaktan niyo itong kasama ko makakatikim kayo sa akin." Banta niya sa mga babae, and imbis nga na matakot napatumba pa yong isa sa sobrang kilig.
Mukhang sikat ata best friend ko dito sa school na'to.
"Aissh tara na nga," sabi ni Dominique sabay hila sa akin , naglakad na kami papunta sa kotse . Pero hindi parin ako makapaniwala, sikat pala siya dito.
BINABASA MO ANG
Forbidden Amore [COMPLETED]
RomanceSimula sa pagkabata ay may sekreto na silang dalawa, isang sekretong nagpapasaya sa kanila. Pero...sabi nga nila kaakibat ni saya si lungkot, isang trahedya ang nakapagpabago sa lahat. Lumipad papuntang canada si Clarence Jay Cruz , nasangkot naman...