Kabanata 25: New life

50 1 0
                                    

Gabi na kami nakarating sa bahay nila Dominique sobrang yaman pala talaga nila. Nagulat din ang kanyang  mga magulang sa aking biglaang pagdating pero inexplain naman ni Dominique sa kanyang ina ang lahat. Nang malaman ng kanyang ina ay agad naman akong yinakap nito pati na rin ang kanyang ama.

Now I'm starting a new life, kailangan ko nang kalimutan ang masamang ala-ala. Bukas na bukas magsisimula  na ako and sobrang late na kailangan ko nang matulog. Huminga ako nang malalim at humiga, nakatingala lang ako sa kisame at napangite

"Masakit pa ngayon dahil presko pa ang lahat, pero naniniwala akong magiging okay din ang lahat." Ipinikit ko ang aking mga mata at natulog na.

Maaga akong nagising para mag-jog, I need to get sexy again napabayaan ko ang sarili ko dahil sa biglaang pagdating ng kurimaw na'yon. 

"Margarette stop okay," Sermon ko sa sarili ko, nasasali na naman kasi siya sa usapan eh, nakakainis. Bakit ko ba kasi siya iniisip, isinuot ko na lamang ang water bottle waist bag ko pagkatapos ay inayos ko ang sintas ng sapatos ko.

"Saan ka pupunta Margarette?" Nakangiting tanong ni tita,  bineso naman siya.

"Ahm, jogging lang po tita." Sabi ko sa kanya, nginitian din naman  niya ako.

"No wonder , sobrang ganda ng pangangatawan mo hija."

"Hindi naman po, ah sige po tita jog lang po ako," tumango naman siya at umalis na ako. Nang makalabas na ako sa bahay ay huminga naman ako nang malalim at nagsimula nang tumakbo. Kagabi ko pa lang na lamang na itong village na'to ay pagmamayari ng mga Ruiz sobrang yaman naman pala talaga.

Maganda din naman ang lugar nila, kaya lang ibang-iba sa San Miguel, sa San Miguel kasi malayo ka palang wenewelcome na ng mga tao doon ang mga turista dito kasi hindi eh. Masyadong masosyalin ang mga tao.

Halos malibot ko na ang kanilang village, sobrang laki nga hindi naman kagaya sa amin, masaya ang mga tao don.

"Ano ba Margarette tumigil ka na nga sa kakaisip ng kung anu-ano?!" Sermon ko sa sarili ko, napabuga ako ng hangin simple lang ang dapat kong gawin hindi ko pa magawa. Kaya kailangan kong libangin ang sarili ko para makalimutan na siya. Napahinto ako sa pagtakbo nang mapansin kong nakaloose ang sintas ng shoes ko I stopped and inayos ko.

Nang maayos ko na ay tumayo na ako  pero pagtayo ko nakabangga ako ng isang tao ng hindi sinasadya ang careless talaga. Akala ko magagalit siya sa akin pero wala man lang siyang reaksyon na ipinakita.

"Hey, I am very sorry. I didn't mean na banggain ka," Sabi ko sa kanya, pero nakatingin parin siya sa akin. Napakunot ang aking noo, bakit ganon ?

I snapped my finger right in front of his face, agad naman siyang napakurap at napalunok.

"Oh sorry," naiilang na sabi niya sa akin,

"No ,ako dapat ang mag-sorry." kasi kasalanan ko naman talaga.

"Ah, no it's okay." Ngumite naman ako sa kanya, good thing hindi siya mainitin na tao. I extended my arms  para makapagshakehands kaming dalawa, gladly tinanggap naman niya.

"I'm Mar---"

"Yes, you are Margarette Verano." sabi niya , napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi, how did he know my name?

"I'm Zargando William Arzon, but you can call me Zawi." Nakangiting sabi niya sa akin, wait his name is kinda weird. Sasabihin ko sana sa kanya pero wag na lang.

"So ahmm...see you around." sabi niya sabay alis ,mukhang nagmamadali ata siya. Napakibit balikat na lamang ako at pinagpatuloy ang pagtakbo.

Nang may makita akong bench ay agad naman akong tumakbo papunta dito at umupo, medyo malayo-layo din ang tinakbo ko.

Forbidden Amore [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon