Kabanata 18: The Truth behind the scar

58 1 0
                                    

Maaga akong nagising dahil pupunta na naman ako sa secret place, ewan ko dapat kasi hindi na eh kasi natapos ko na ang lahat ang hinihintay ko nalang din ang mga iuutos pa niya. Pero sa totoo lang gusto ko nang mag stay doon araw-araw, these past few days I learned to appreciate his good side na rin.

At tama si Peachy kinain ko rin lahat ng mga sinabi ko, at nakakainis yun napahiya kasi ako. Kanina pa ako dito sa labas pero wala parin siya.  Sinipa ko ang bato pagkatapos ay umupo.

"Ang tagal naman niya," Napatingin at napatayo naman agad ako nang marinig ko ang kotse na paparating, I am smiling takte bakit ba ako naeexcite. Bumaba naman siya, napawi ang mga ngite sa aking mga labi nang makita ang mga pasa sa kanyang mukha may dugo pa nga ito sa kanyang labi.

Tumakbo naman ako papalapit sa kanya, ngumite naman siya sa akin. Napakunot ang noo ko , saan naman niya nakuha to? Hinawakan ko ang baba niya at inexamine ang mukha niya. Teka parang kagabi pa ito ahh.

"Saan mo ito nakuha?" takang tanong ko sa kanya, hinawi naman niya ang kamay ko sabay hila sa akin papasok sa kotse. Pagtapos ay pumasok na din siya at pinaandar ito, nakatingin lang ako sa mga pasa niya habang siya naman ay seryosong nakatingin sa daan. Mukhang wala siya sa mood ngayon hmm.

Mga ilang minuto pa ay nakarating na kami sa secret place , baba na sana ako kaso pinigilan niya ako  at pinagbuksan niya ako nang pinto sabay hila sa akin sa loob. Teka kanina pa siya hila ng hila eh binawi ko ang kamay ko sa kanya.

"I can walk, you don't have to drag me." Inis na sabi ko sa kanya at inunahan ko siyang pumasok sa bahay. What the heck is happening to this man, hila ng hila parang tanga lang. Nang makapasok na siya sa bahay at linagpasan niya ako kasi dumiretso kasi agad siya sa kusina, sumunod naman ako sa kanya.

Namilog ang mata ko nang makita ko siyang kinuha ang kutsilyo tapos sinugatan niya ang kanyang sarili, ano bang nangyayari sa kanya.  Lumapit ako sa kanya at binawi ang ang kutsilyo pilit niyang binabawi sa akin pero niya mabawi.

"Give me the knife!" Sigaw niya,  Imibis na sabayan siya sa kanyang nararamdaman ngayon ay niyakap ko na lang siya. Bumuhos ang kanyang mga luha, nasasaktan siya pero bakit naman biglang ganito?

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko sa kanya, hindi siya sumagot patuloy lang siya sa pag-hikbi.

Nasa sala na kaming dalawa ginagamot ko ang mga sugat niya, naawa ako sa kanya nakatulala lang siya . Hindi ko na kaya to para akong nababaliw kakatanong sa aking sarili kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya.

Tumigil ako sa kakagamot at tumingin lamang ako sa kanya, napansin naman niyang nakatingin ako sa kanya.

"Ano ba kasing nangyari," Umiling siya tapos ngumite.

"Wala sinumpong lang ako." Nakangiting sabi niya sa akin, hindi ko pinansin ang kanyang ngite kundi tinignan ko ang kanyang mga mata. Malungkot siya eh, sigurado akong hindi lang to wala lang. Ano nanapak lang siya sa daan dahil mood niya lang manapak?

"Ano kasi eh, you're not in your usual self." Hindi ko alam kung bakit ako nag-aalala maybe because tao din siya yun.

He grinned at me and then he held my hands,

"Akala ko ba you hate me, eh bakit ka nag-aalala?" takang tanong niya sa akin, napakamot naman ako sa aking ulo.

"Eh porket ba hate kita bawal na akong mag-alala? Hindi naman ako manhid para hindi ko maramdaman ang kalungkutan mo ngayon. Sinugatan mo pa ang sarili mo. Ano ba kasing nangyari." Iritang-irita na ako at hindi ko alam talaga , dapat lang kasi wala talaga akong paki eh ano bang nagyayari sa akin.

Napabuntong hininga na lamang siya at tumingin sa akin.

"You want to know the truth," tumango naman ako.

Forbidden Amore [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon