Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon bakit ako kinakabahan eh pwede namang hindi diba ? Kumalas na siya sa pagkakayakap at ngumite sa akin, ngayon bumalik na ang sigla niya.
"Thank you!" Nakangiting sabi niya, teka hindi ako sanay sa kanyang reaksyon na ganyan eeh, nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya.
"Ahm.. haha no problem hindi din kasi ako sanay na may nalulungkot na tao," Nakayukong sabi ko. Hinawakan niya ang aking baba agad naman akong napatingin sa kanya. Nakangite lang siya, his eyes are twinkling hindi ko alam na sa simpling yakap lang ay makakapagpasaya ako ng tao.
"Masaya ako na kahit hindi mo ako naalala ay ikaw parin ang Margarette na kilala ko. Masakit sa side ko na hindi mo ako maalala pero okay lang, basta ang importante ngayon ay nandito ka bilang ikaw at hindi ibang tao," Nakangiting sabi niya, bakit kumirot ang puso ko sa sinabi niya.
Ano ko ba siya ? totoo bang lumalabas at tumatakas kaming dalawa para lang magkita? pero bakit alam naman namin sa isa't-isa na bawal kaming dalawa.... Yumuko siya ng unti at ngumite.
"Nagugutom ka na ba ?" Tanong niya sa akin , tumunog naman ang tiyan ko aruuuuy ! nakakahiya naman. Tumawa naman siya, wag kang tumawa please.
"I see," Natatawang sabi niya , tumalikod siya at binuksan ang ang pinto ng kanyang kotse parang kinukuha ata siya. Humarap siya sa akin wearing a bright smile while holding a plastic bags full of veges and kung anu-ano pa.
Nagkasalubong naman ang aking kilay, hay nako ano ako na naman ata ang magluluto ngayon eeh naman pagod na pagod na ako. Mukhang nalugi ang ekspresyon ng aking mukha, huhu naman eh.
"Haha wag kang mag-alala hindi ikaw ang magluluto, ako ang magluluto. Ipagluluto kita ng mga pagkain na kinakain natin dati." Sabi niya sabay taas baba sa kanyang kilay. Ehh marunong pala siyang magluto?
"Ako na, baka hindi ka marunong magluto," sabi ko sa kanya, napahawak naman siya sa kanyang baywang sabay taas sa kanyang kaliwang kilay.
"Excuse me Margarette Verano, Culinary Arts ang kurso ko madami akong kaalaman sa pagluluto. Baka nga kapag natikman mo ang luto ko bigla mo akong maalala," Mayabang na sabi niya , agad ko namang hinampas ang kanyang balikat, hindi landing hampas ha yung hampas na hampas talaga.
"Aray ha patatas ka talaga!" Natatawang sabi niya, ayon nag init na naman ang ulo ko sa sinabi niya, mukha ba talaga akong patatas. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi ko talaga maintindihan ano ba talagang nangyari sayo? Dati naman kapag tinatawag kitang patatas eeh kinikilig ka na agad." Namilog naman ang aking mga mata sa kanyang sinabi ha ? nababaliw na ata 'tong taong to.
Ako kinikilig kapag tinatawag na patatas tch kalokohan ?! wala akong maalala na ganyan. Gawa gawa lang ata niya yan, Hindi ko na lang siya pinansin at nauna na lang akong maglakad. Para syang isang baliw, parang isa din syang tangingot. Hindi ko nga alam kung ano ang pinagsasabi nya eh.
Nakapasok na ako sa bahay niya agad naman akong napahiga sa sofa, nakakapagod eeeh ikaw ba naman mag bungkal ng isang lupa na kasing tigas na ng semento halatang hindi natutubigan eh.
Narinig ko naman ang pagsara ng pinto ibig sabihin nandito na siya, parang dumiretso siya sa kusina ah. Bahala na siya sabi niya culinary arts ang kurso niya bahala na siya kung ano ang gagawin niya.
Napakapa naman agad ako sa aking bulsa nang naramdaman kong nagvibrate ito, napatingin naman ako sa screen kung sino ang nag text ohh si Thorn. Binasa ko naman agad ang text niya baka kasi importante eh.
T-Javier:
Hey !
Nakapakunot naman ang aking noo, hey lang pala akala ko kung ano. Hindi ko na lang pinansin pero wala pang isang minuto ay na flood na ako ng text niya.
T-Javier:
Hey ?
T-Javier:
Ano na ? Hindi mo ako papansinin?
T-Javier:
Pati ba naman sa text you're snobbing me ? you're so mean Ms. Verano :(
Natawa naman ako sa last message niya, nagreply naman agad ako sa kanya. He's a nice guy naman eh.
Margarette V:
Oops sorry.
wala pang isang minuto ay nagreply naman siya, oww marami ata tong load.
T-Javier:
Oh goody ! nag reply ka, thank you naman at hindi mo na ako niisnob ano?
Margarette V:
Sorry na busy kaya ako kaya hindi ako agad nakapagreply.
T-Javier:
Oh...mukhang may ginagawa ka atang importante hhmm sabihan mo ako kapag tapos ka na ha I'll fetch you ligo us sa National Batis ;)
Feeling close talaga tong si Thorn , kakilala pa nga namin ay biglang ganito agad. Pero mukhang wala naman atang mali kapag maliligo kami sa Batis mamaya, total maaga naman akong pumunta dito tapos unti na lang ang hindi pa nalinis.
Magrereply na sana ako kaso, biglang nawala ang phone ko sa aking kamay nalipat sa kamay ni ano ni CJ na naka-apron at may hawak pang sandok tapos jusmeyo naman nakasuot siya ng Apron na wala damit under nito.
Agad naman akong napatayo, aagawin ko sana ang phone ko kaso nailayo niya. His brows are twitching, his eyes are squinting pilit ko namang inaabot ang phone ko pero wala eh ang tangkad niya. Nang matapos niyang basahin ay agad naman niyang ibinulsa ang phone at tumalikod.
WTH, phone ko yoooooon sinundan ko naman siya.
"hey give me back my phone," Sabi ko sa kanya, nakatalikod lang para siyang walang narinig patuloy pa din siya sa kanyang ginagawa. Napasapo na lamang ako sa aking noo, sa sobrang inis. Ano bang problema niya , nakakainis na talaga siya.
"Hey ! Ano baaaa phone ko 'yon akin na po may pinag-uusapan po kaming importante," Sarkastikong sabi ko sa kanya, pero bigo parin ako para pa din siyang walang narinig. Argh nakakainis na.
Kinalabit ko na siya, pero wala pa din, halos makurot ko na nga siya pero wala pa din eh eeeeh.
Naghintay na lamang ako hanggang sa matapos siya pagluluto, nang matapos na siya ay inihain na niya ito sa mesa. Bakit ba asar na asar ang mukha siya, Nakaupo na ako siya naman busy sa pagkukuha ng mga kubyertos ng matapos na niya kunin ay umupo na siya tapos nag sign of the cross at kumain.
Parang tanga naman to oh , kumain na lamang din ako unang subo pa lang para na akong nasa langit sa sobrang sarap ng luto niya medyo maanghang nga lang. Teeekaa bakit ang sarap nito ano ba tawag sa putahi na ito.
"Ano tawag dito?" Tanong ko sa kanya, nakatingin lang siya sa kanyang plato , Diyos ko naman oh ako ang kausap mo bakit ang plato ang tinitignan mo.
"Chicken Curry, we used to eat this kind of food before. This is your favorite adobo naman sa akin," Matabang na sabi niya. Eh ? Favorite ko ? bakit parang sobrang bago sa panlasa ko. Kung Favorite niya ang Adobo eh bakit ito ang niluto niya. Napatingin naman ako sa kanya, Napalunok ako ng laway nang mag-angat siya ng tingin sa akin.
Sino ka ba talaga CJ sa buhay ko dati??
BINABASA MO ANG
Forbidden Amore [COMPLETED]
RomanceSimula sa pagkabata ay may sekreto na silang dalawa, isang sekretong nagpapasaya sa kanila. Pero...sabi nga nila kaakibat ni saya si lungkot, isang trahedya ang nakapagpabago sa lahat. Lumipad papuntang canada si Clarence Jay Cruz , nasangkot naman...