Kabanata 39: Susugal na ba ?

30 1 0
                                    

Nasa park kaming dalawa ni CJ, namasyal muna kami sabi nya eh. Medyo kinabahan ako nung sinabi nya yun kasi naman nakakatakot baka may makakita sa amin na kaibigan ni Dominique eh magsumbong. May plano naman ako na sabihin kay dominique pero... hindi muna ngayon malaki pa ang galit nya kay CJ.

"Hmm, kanina ka pa tahimik ah? may problema ka ba?" Takang tanong ni CJ sa akin, napangiti naman ako at umiling.

"Wala naman,"

"Alam mo, ang daming nagbago sayo. You used to be bungangera diba?" Natatawang sabi nya agad ko namang hinampas ang kanyang balikat, napabuga naman siya ng hangin at ngumite sa akin napatingin naman siya sa guy na hinaharana ang gf nya.

"You know, gustong-gusto ko talagang gawin yan sayo gusto mo ba?" takang tanong nya sa akin, parang tanga to sino namang babae ang ayaw nyan.

"Pero gusto kong gawin yan sa harap ng family mo eh o sayo lang. Ayaw ko nang ganyan yung sa public places talaga ginagawa  kasi naoover na'yong pagpapasikat eh." Sabi nya , nakacringe pa ang ekspresyon  ng kanyang mukha, teka nga ! hindi parin ako sanay sa kanyang pagkafluent sa tagalog na wika eh.

"Pero alam mo naman na hindi pwede eh." Sabi ko sa kanya, bumagsak ang kanyang mga balikat sa aking sinabi.

"Oo nga pala...edi sayo na lang." despite sa katotohanan nagiging positibo parin siya, bakit ba kasi hindi tayo pwede CJ ano? kung kelan okay na kami pareho ayaw naman ng pamilya namin eh hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit?

"Wait lang ah," Sabi niya sabay takbo, saan ba siya pupunta ? nawala na siya sa paningin ko ang bilis niyang tumakbo.

"Flowers for my queen," Napaigtad naman ako sa sobrang gulat jusme, kailan pa siya napunta sa aking likuran. Kinurot ko ang tagiliran niya, tumawa lang ang loko. Napatingin ako sa bulaklak na hawak niya, bakit ba sobrang sweet mo.

"Kung pwede pa lang araw-arawin eh ginawa ko na kaso hindi eh." Natatawang sabi niya, nakatingin lang ako sa kanya. What the heck did I do to be loved like this, hindi ko napigilan ang sarili ko at yinakap ko siya.

"Thank you CJ sa pagmamahal." Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya, naramdaman ko namang pagyapos ng kanyang mga kamay sa akin.

"No problem, I love you." Napangiti ako sa kanyang sinabi, basta galing sa kanya nababaliw ang buong sistema ko.

"Alam ko, ramdam na ramdam ko." Yakap-yakap ko parin siya parang wala akong balak na bitawan siya. Ganito pala ang pakiramdam kapag kayakap mo ang taong mahal mo.

"Ramdam ko din Margarette." Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Oh talaga." Tumango na lamang siya at nagkibit-balikat na lamang din ako. Medyo matagal kaming magkayap, nabuwag lang kami nang biglang dumaan si Zawi sa gitna naming dalawa.

"Respect the singles please!" Natatawang sabi niya sabay takbo , napailing na lamang kaming dalawa. Tumingin siyaa sa akin sabay lahad sa kanyang kamay, ano 'to holding handas while walking? ngumite ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Woah!" Biglang sabi niya , napatawa naman ako nang makita ko ang kanyang tenga sobrang pula na.

"Tignan mo 'yong ginawa mo sa tenga ko." Hindi makapaniwalang sabi niya, binitawan ko naman ang kanyang kamay pero hinawakan niya ulit.

"Hayaan na lang natin ang tenga ko, kinikilig ako eh." natatawang sabi niya sa akin. His eyes are sparklings whenever he smiles and looking at me, oh my heart really love him.

   Naglakad kami sa park  na magkahawak ang aming kamay , alam ng Diyos kung gaano ako kasaya na kasama si CJ ngayon. Alam ko naman na lahat ng kasiyahan ay may hangganan pero...kaoag masaya ka ngayon wag mo muna isipin na may katapusan ang saya mo, just go with the flow...

   Umupo muna kami sa bench, we watched the kids playing, sobrang ganda ng ganitong feeling na mahal ka ng taong kasama mo.

"Dadalhin natin mga kids natin dito every sunday." Nakangiting sabi niya, bigla akong nabilaokan sa kanyang sinabi.

"Bakit tayo ba ?" I really love messing up with him, umiling siya at ngumite.

"Hindi pa, pero alam ko naman na babalik ka rin sa akin eh." Napakurap ako sa kanyang sinabi , aba?! Sobrang kampante niya naman.

"Eh paano kung manligaw din si Felix sa akin anong gagawin mo?" biglang nawala ang ngite sa kanyang mga labi, ayan Margarette 'pag 'yan umiyak jusme na talaga, lumunok muna siya ng laway bago nagsalita.

"I'll definetly kill him, if gagawin niya yan." Medyo natawa ako sa kanyang sinabi , napakunot naman ang kanyang noo. Hayst kung alam niya lang na sobrang kyut ng ekspresyon ng kanyang mukha haha.

"Wala naman." yung mukha niya hindi parin kumbinsido na wala lang yung tawa ko haha. Napabuga na lamang siya ng hangin at napatingin sa may fountain.

      Nakatingin lang ako sa kanya, ang gwapo niya jusme. Bakit ako pa ang pinili mong mahalin eh, eh nakakatakot pa naman akong mahalin.

"Bakit ako ang minahal mo eh may mas magandang babae pa naman kesa sa akin?" agad naman siyang napalingon sa kin.

"Wala naman sa ganda yan eh, nasa puso yan. Kung saan komportable ang puso mo, it's not about faces and physiques it's about how you feel. My heart chooses you, you make me happy."

I think sasabog ako sa sobrang kilig na nararamdaman ko ngayon, ano ba Cj stop na please baka mahalin kita lalo eh.

"Eh bakit ako, alam mo naman na bawal tayo." sabi ko sa kanay, bumuntong hininga siya sabay hawak sa aking kamay.

"Natanong ko din sarili ko nyan dati eh. Naguluhan din ako kasi alam ko naman na hindi tayo pwede pero wala eh. Kapag puso na talaga ang pumili wala eh wala na talagang makakapagpigil eh." ganun pala yun. Pinaglaruan niya ang aking kamay sabay halik sa likod ng aking kamay.

"So hindi ka takot?" kasi ako Cj takot na takot ako.

"Syempre sino bang taong hindi matatakot... Pero mas natakot ako sa thought na hindi ka magiging akin na I will not able to spend my life without you. I set aside my fears for you, narealized ko na when you love you have to conquer all the fears for the one you love." sabi niya sabay ngite, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Pero Margarette, itong paglalaban ko ng pag-ibig para sayo ay magiging walang silbi kung hindi tayo pareho. If you fight with me ,together we'll save our love." Nakangiting sabi niya, tama nga naman siya...

   Mahal kita Cj, pero kaya ko na ba ? Kaya ko bang sumugal kahit alam kong sa pagsugal ko delubyo ang delubyo ang dadating.

"Hindi kita pababayaan." nakangiting sabi niya sa akin sabay tingin sa mga bata. Kaya ko na siguro, ay ewan hindi ko alam.

Forbidden Amore [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon