Magkahawak ang aming kamay ni Cj, sobrang saya ko. Kami na ulit, pero kinakabahan parin ako sa maaaring mangyari sa aming dalawa.
Napabuga ako ng hangin, agad naman siyang napalingon sa akin.
"May problema ka ba?" Nag-aalalang tanong niya sa akin, marahan naman akong tumango.
"Kinakabahan lang kasi ako , baka kung ano ang mangyari sa atin. Lalo na ngayon na nagbalikan na tayo. Baka malaman ng daddy mo Cj baka kung an---"
"Hindi na nya tayo mapaghihiwalay, 'wag kang matakot, hangga't nasa tabi mo walang mangyayaring masama sa'yo." sabi nya sabay halik sa aking noo, all I have to do is magtiwala sa kanyang sinabi. Dapat ko ding tatagan ang loob ko para sa aming dalawa.
Pumasok na kami sa kotse, hanggang ngayon hindi parin siya makapaniwala na sinagot ko na siya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at ngumite ginantihan nya din ako ng isang napakatamis na ngite.
Pinaandar na nya ang kotse at umalis na kami, handa na akong harapin ang bagay na babangga sa aming dalawa.
Maaga akong nagising at syempre hindi buo ang araw ko kung wala ang good morning messages ni Cj, I already saved his number baka magtampo pa eh.
Clarence Jay:
Good morning lovely lady! Punta ka here sa resto ha para naman mamotivate ang boyfriend mo (。’▽’。)♡Natawa naman ako sa kanyang message , pupunta naman talaga ako. Nandito parin naman sila lola pero payag naman silang lumabas ako hindi nga lang nila alam kung sino ang palagi kong kasama. Nakokonsensya na ako sa aking ginagawa pero gusto ko lang naman sumaya.
Margarette V:
Yes po (´∀`)♡ I badly want to see you din eh , I'll take a bath muna haaaa I love you ♡Clarence Jay:
I love you too baby (●´з')♡Napangite ako, Inilagay ko na sa aking lamesa ang aking cellphone at kinuha ko na din ang aking tuwalya at pumasok na sa banyo para maligo na. Madali lang naman akong natapos maligo dahil quick shower lang naman ginawa ko pero naghilod din naman ako kadiri naman kung hindi.
Natapos na akong magbihis , natapos na din akong magsuklay. Hinahanap ko na lang ang aking body bag para makaalis na.
"Nasaan na ba 'yo---aray." nauntog pa talaga ako sa ilalim ng vanity table ko, I'm sure na nilagay ko iyon dito sa lamesa na'to.
"Are ya looking for this cutesy bag?" agad naman akong napalingon sa aking kapatid, nasa kanya lang pala eh. Agad ko namang kinuha ito.
"Ba't mo 'to kinuha?" takang tanong ko sa kanya, umupo naman siya sa aking kama, sabay pakita sa kanyang phone sa akin.
Taeng instagram yan, dahil dyan nauntog pa ulo ko, napabuga na lamang ako ng hangin. Ang weird ng mga teens ngayon jusme.
"Saan ka ba pupunta?" takang tanong nya sa akin , agad naman akong napalunok ng laway.
Ano bang sasabihin ko?!?
Ngumise naman siya ng nakakaloko at magiliw na tumayo.
"Sige enjoy, pero ate wag kang uuwing buntis ah baka mawarla sila lola eh.'' nanlaki naman ang mga mata ko sa kanyang sinabi , parang tanga 'tong kapatid ko.
"Pwede ka nang umalis , date muna kayo ng boyfie mo hihi go na kargo kita, byeee." sabi sabay alis, napailing na lamang ako sa kakulitan ng aking kapatid. Nanlaki ang mga mata ko nang marealized ko ang kanyang sinabi, alam ba nya na boyfriend ko na si Cj pero paano?
Lumabas na lamang ako ng bahay, sila lola , tiya, tiyo at mga pinsan ko lang ang nasa bahay, wala si Dominique may trabaho eh.
Mabuti na lang talaga at hindi niya ginamit ang kanyang kotse may masasakyan ako, pumasok na ako sa kotse at umalis na sa bahay.
Mga ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na agad ako sa resto ni Cj, ipinark ko na ang kotse at lumabas. Napakunot ang aking noo, mukhang madami ata costumer nya ngayon.
Pumasok na ako sa loob and its noisy, hindi ko alam kung ano meron. May pa promo bang ginawa si Cj para magkagulo ang mga taong 'to. Napaupo na ako and nakatingin lang ako sa mga taong hindi macontrol.
Hinanap ng aking mga mata si Cj and there he was in the counter wearing a long face , I don't know he seems frustrated with the people. Eh kung ako din naman ang nasa posisyon nya ganun din.
I was about to stand pero hindi ko nagawa, kaya naman pala pinagkagulohan ang kanyang restaurant dahil may isang artista na pumunta dito. Everybody is getting wild, and heto ako nakaupo lang, the aura here is not good.
"Ano po bang ginagawa niyo dito madam Joerell ?" tanong ng isang babaeng may hawak na mic. Wow ? Ganun ba siya kasikat para dumugin siya ng mga tao. Ngumite siya and the crowd went wild even more.
"Oh just visiting an old friend." Malambing na sabi nya, napakunot ang aking noo. A friend? never heard her before o baka hindi lang nasabi sa akin ni Cj. Malamang hindi ko alam kasi naman ilang taon kaming hindi nagkasama ni Cj.
"A friend nga ba o Boyfriend mo?" bigla akong kinabahan sa kanyang tanong.
"Ahm...ye----"
"No, I'am not her boyfriend. I am already taken na p--"
"With whom?" bigla kaming napalingon lahat sa may pinto, isang medyo may edad na lalaki ang pumasok sa resto, makikita mo talaga sa kanyang pisikal na anyo na isa siyang mayamang tao.
Napakunot ang aking noo, I'm sure I've already seen him, pero saan naman 'yon.
Napatingin ako kay Cj na gulat na gulat siya, pero why?
"What are you doing here?" gulat na tanong nya, palipat-lipat ang mga tingin ng mga tao. Rumehestro sa kanyang mukha ang ngising nakakalabot.
"Am I not allowed to visit my son." bigla akong naningas sa kanyang sinabi, all the worst and scary memories in the past are popping in my head , he's the man who shot me.
Nangantog ang aking mga binti , nanginig ang aking labi, every steps he made was very scary for me. Isa lang ang gusto ko ngayon ang umuwi.
Dali-dali naman akong tumayo pero huli na ako.
"Stay right there." Napalunok ako nang marinig ko ang kanyang boses, natatakot ako. Hinay-hinay akong lumingon sa kanya. Just act normal as if you don't know him.
Naningkit ang kanyang mga mata, napatingin naman ako kay Cj na ngayon ay parang kinakabahan din siya.
"Why?"
"You seems so familiar to me." sabi nya,
"Ahm..."
"No dad you don't know her, if you need something just come right here." inis na sabi nya, napatingin ulit ang kanyang sa akin wearing a smug face.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, ilang minuto pa ang nakalipas pero hindi parin nya inaalis ang kanyang mga titig na nakakatakot sa akin.
"Dad !" umalis na siya at pumunta na kay Cj , nakahinga naman ako ng maluwag. Agad naman akong tumakbo papunta sa aking kotse.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko , sobrang natatakot ako. Bumabalik ang mga nakakatakot na alala na matagal ko nang ibinaon.
The fears that I am afraid of, are slowly coming back and there's nothing I can do right now but to face it. Pero I'm still afraid of the things that might happened, especially now that his father is here.
BINABASA MO ANG
Forbidden Amore [COMPLETED]
عاطفيةSimula sa pagkabata ay may sekreto na silang dalawa, isang sekretong nagpapasaya sa kanila. Pero...sabi nga nila kaakibat ni saya si lungkot, isang trahedya ang nakapagpabago sa lahat. Lumipad papuntang canada si Clarence Jay Cruz , nasangkot naman...