Hindi pa rin ako makagalaw, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Paano siya napunta dito? Sinundan nya ba ako ?
"Ikaw ano ang ginagawa mo dito?" nakakunot ang kanyang noo, napalingon naman ako kay Cj na ngayon ay nagtataka..
"Sagutin mo ako insan ano ang ginagawa mo dito." tumaas na ang kanyang boses, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hinawakan nya ang makabilang balikat ko.
"Hindi ka dapat nandito dahil pagmamay-ari ito ng mga Cru-- 'wag mo sabihing?" agad naman siyang pumasok , bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat. Galit itong lumingon sa akin. Si Cj gulat na gulat pa din hindi alam kung ano ang gagawin.
"Tangina ! Alam mo na bawal pero sinuway mo pa din." sigaw na sabi nya agad naman niyang linapitan si Cj at kinwelyohan ito. Tumakbo ako papunta kay Cj at nagmamakaawang na bitiwan na nya ito pero parang nabingi si Kuya Robert sa sobrang galit nya.
"Tangina mo Cruz, dati pa lang sinabi ko na 'wag na 'wag mong lapitan ang pinsan ko." naiiyak na ako, hindi ko alam kung paano pigilan si kuya.
"Ma-ma-mahal ko siya Robert." nauutal na sabi nya.
"Kuya please tama na." agad naman itong lumingon sa akin.
"Hindi ako makapaniwala Margarette sa taong 'to ka pa talaga nahulog, sadyang mapaglaro talaga tadhana eh. Sa taong 'to pa talaga. Taga Cruz pa talaga."
"Kuya mahal ko sya ! Mahal namin ang isa't-isa."
"Lintik na pag-ibig 'yan, walang magagawa yan kapag nalaman mo ang totoo." Napatikom ako ng bibig.
"Anong totoo? Anong ibig mong sabihin?!" isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha.
"Gusto mo talaga malaman? Ang pamilya ng taong mahal mo ay ang dahilan kung bakit ganyan ang buhay niyo. Buhay na walang ama't ina!" nanlamig ang buong katawan ko sa kanyang sinabi. Marahan akong umiling.
"Sinasabi mo lang 'yan dahil ayaw na ayaw mo sa kanya dahil sa ginawa nya sa'yo dati. Kuya matagal na 'yon ibaon mo na 'yon sa lim--''
"Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Tanginang yan Margarette, ayaw mo maniwala tara sa bahay umuwi na at tanungin mo si lola kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit kahit anong pilit niyong dalawa hindi talaga pwede ?!" hinawakan niya ang palapulsohan ako, sasabat pa sana si Cj kaso pinigilan ko na siya.
Gusto kong malaman kung ano talaga ang totoong rason...
Iwinaksi ko ang kanyang kamay at agad naman siyang napalingon sa akin.
"Hindi kita maintindihan Margarette , malinaw ma sinabi sa'yo ni lola na bawal BAWAL BAWAL !"
"Oo pero masisi niyo ba ako kung sa kanya ko nahanap ang totoong kasiyahan. Binuo niya ako kuya , pinaramdam niya sa akin na pwede pa pala akong maging masaya kahit namulat ako sa mundo na walang magulang na gumagabay!" iyak na sabi ko sa kanya. Padabog akong pumasok sa kotse at nauna nang umalis.
Mga ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay, nagtaka ang lahat sa aking mga kinilos.
"MARGARETTE!" Sigaw ni kuya Robert sa akin , pero hindi ko siya pinakinggan diridiretso akong pumasok sa bahay, gusto ko malaman ang katotohanan.
Nadatnan ko sila na masayang kumakain sa mesa. Lahat naman sila ay napatingin sa akin , na nakakunot ang noo.
"Ano ang nangyayari Robert bakit namamaga ang kanyang mga mata." takang tanong ni tiya kay kuya.
"Tanungin niyo ang pamangkin niyo ?! Sinuway niya ang batas ni lolo!" agad naman silang lahat napatingin sa na gulat na gulat. Si lola nakatingin lang ng diretso sa akin.
"Alam ko na mangyayari ulit 'to." lahat sila napalingon sa kay lola pati ako. Dahan-dahan siyang napatayo. Ramdam ko ang galit ni lola ngayon.
"Parati kong sinasabi sa'yo Margarette na 'wag kasi bawal pero hindi ka pa din nakikinig. Ayaw kong masaktan kayo pero pinipilit niyo pa rin."
"Lola hindi ko naman kayang diktahan ang puso ko, siya ang gusto ng puso ko , siya ang dahilan kung bakit masaya ako ngayon." Naiiyak na sabi ko sa kanila. Napabuntong hininga naman si lola.
"Panahon na para malaman mo na. Iyang sinasabi mong dahilan ng kasiyahan mo ay siya ring dahilan ng kalungkutan mo noong bata ka pa. Pinatay ng mga Cruz ang mga magulang mo , binalaan na kita na 'wag kang magpadala sa iyong nararamdaman !" napaupo ako sa sahig, hindi pwedi.
"Lola nagbibiro lang naman diba?"
"Ang mga Cruz ang dahilan kung bakit nawala ang aking anak. Alam ko na walang ginawang masama ang kasintahan mo pero may dugo pa rin siyang Cruz." napatakip ako sa aking tenga , hindi! Hindi 'to totoo.
"Kahit ano pang sabihin mo Cruz siya at bawal kayong dalawa ! Mamili ka Margarette sa amin na iniisip lang kundi ang kapakanan mo o sa Cruz na pinatay ang magulang mo ?!" bakit nya ako pinapapili, wala namang kasalanan si Cj pero ang Cruz ang pumatay sa magulang ko hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Sana hindi ko na lang nalaman kung ano talaga ang katotohanan. Naguguluhan ako hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na'to.
"Sa tingin ko alam ko kung sino ang pinili mo. Lumayas ka sa pamamahay ko." nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi agad naman akong napatayo.
"Ma ba't kailangan pang hu--"
"Isa ka pa Harlen ! Ang sabi ko sa'yo ilayo mo siya sa mga taong 'yon pero hindi mo ginawa. Kayong lahat 'wag na 'wag niyong tulungan ang batang ito. Tinalikuran at sinuway niya ang batas na dapat hindi nilalabag , sa kagustuhan lang sumaya. Hindi mo alam kung ano ang hirap na dinanas ng ama't ina mo pati na ang lolo mo." galit na galit na sabi nya sa akin, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
"Isa kang kahihiyan sa pamilya. Sa oras na malaman ko na tinulungan ninyo siya lahat kayo ay papalayasin ko." Malupit na sabi ni lola sa akin sabay pasok sa kanyang silid , lumapit si kuya Augustine sa akin at itinayo ako.
"Binalaan na kita pinsan." malungkot na sabi niya sa akin , wala na akong nagawa kundi umiyak ng umiyak.
Kinuha ko na lamang ang aking mga gamit para matahimik na si lola ,wala akong pinili pero ito ang gusto niya ang umalis ako.
"Ate." naiiyak na sabi ni Peachy sa akin yinakap ko siya at ginulo ang kanyang buhok.
"Magpapakabait ka ha." sabi ko sabay halik sa kanyang noo.
Tumingin ako sa kanilang lahat at ngumite, nalulungkot silang lahat sa nangyari pero wala na akong magawa kasi nasabi na ang dapat masabi.
"Aalis na po ako."
"Teka saan ka ba titira?" naiiyak na tanong ni tiya sa akin. Ngumite na lamang ako sa kanya.
"Hindi ko po alam , sa tingin ko babalik na lang muna ako sa San Carlos."
"Ihahatid na kita insan." malungkot na sabi sa akin ni kuya Jegger ngumite ako at umiling.
"Ayaw ko nang mandamay pa, aalis na po ako." lumabas na ako sa bahay at naglakad palabas ng gate. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Napatingin naman ako sa phone ko.
Clarence Jay:
Baby are you okay? Nasaan ka please call me para naman mapanatag ang loob ko.Napangite ako , hindi na muna magpapalipas muna ako gulong-gulo ako sa mga nangyari ngayong araw gusto ko munang mapagisa.
BINABASA MO ANG
Forbidden Amore [COMPLETED]
RomanceSimula sa pagkabata ay may sekreto na silang dalawa, isang sekretong nagpapasaya sa kanila. Pero...sabi nga nila kaakibat ni saya si lungkot, isang trahedya ang nakapagpabago sa lahat. Lumipad papuntang canada si Clarence Jay Cruz , nasangkot naman...