Kabanata 29: Weakness

49 1 0
                                    

Hindi parin ako makagalaw pati siya nakatingin lang din sa akin, pumagitna naman sa aming dalawa si Zawi at iwinagawayway  niya ang kanyang kamay.

"Magkakilala ba kayo?" Takang tanong ni Zawi agad naman akong umiling. Naiilang ako sa kanyang mga titig niya. 

"Yeah , it's just she seems so familiar." sabi niya habang nakatingin sa akin, umiwas naman ako sa kanyang mga titig , kailangan ko nang umalis dito.

"Ahm..Zawi I think kailangan ko nang umuwi , baka hinihintay na ako ni Dominique sa bah---"

"Bahay?" Takang tanong niya, Napatango naman si Zawi.

"Yeah, Dominique and  Margarette are living in the same roof. I mean sa bahay talaga ni Dominique siya nakatira." Nakangising sabi ni  Zawi, Nakatingin lang siya sa akin. Yung mga mata niya parang tinatanong sa akin na bakit doon ako nakatira.

"Oh are they in a relationship?" Tanong niya ulit , yung mga mata niya talaga eh kung nakakapagsalita lang ang mga mata baka kanina pa ako napaulanan ng mga tanong.

Umiling si Zawi.

"Ah no, they were just best friends. Wait why are you asking too many questions?" Sabi ni Zawi sabay hawak sa kanyang baywang, that is CJ's signature look.

"I....ahm I better go na." sabi ko sabay alis , literal na tumatakbo ako palabas na para bang nakakita ng isang patay na biglang nabuhay. Binuksan ko na ang gate at diritsong pumasok sa kotse. Kaya naman pala sobrang pamilyar ng kotse yun,  bakit ba ako tumakbo? okay na ako diba?

"Nagulat lang siguro ako," Sabi ko sabay suklay sa aking buhok, I started the engine at umalis na pero habang nasa byahe ako hindi siya mawala sa isipan ko pati ang mga titig niyang nakakamatay. Ano bang ginagawa niya sa bahay ni Zawi, baka naman magkaibigan silang dalawa pero.. wala namang nabanggit si Zawi na friend niya si CJ eh.

Binilisan ko na lang takbo , maya-maya pa ay nakarating na ako sa bahay.

Hindi parin ako makapaniwala eh, ano bang koneksyon niya kay Zawi?  Baka magkaklase sila ni Zawi sa canada?

Tama baka magkaklase sila, sa Canada  parehas din silang culinary Arts ang kurso.

Napakagat ako sa ibabang labi sa sobrang inis at kaba. Hindi ko maintindihan bakit ako kinakabahan eh okay naman ako sa kanya diba.

"Ayan na naman tayo Margarette eh." I unbuckled my seatbelt and then binuksan ko na ang pinto ang kotse.

"So sa iisang bahay lang pala kayo ni Dominique." Nagulat ako, sa sobrang gulat ko nahulog ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin at tumayo, pinagpagan ko ang sarili ko.

"Sinusundan mo ba ako?" inis na sabi ko sa kanya. He tilted his head tinignan  niya ako sa mata, wag kang malula sa mga titig niya Margarette it's a trap.

"I was just wondering why are you living in the same roof? When you can have your own house?" kalmadong sabi niya sa akin , bakit ba pakialam ba niya kung iisa kami ng bahay.

"Pakialam mo ba? Umuwi ka na nga." Tatalikuran ko na sana siya kaso nahila niya agad ako.

"Ano ba ?!"

"Bakit mo sinabi kay Zargando na hindi mo ako kilala?" nangtatakang tanong niya sa akin.

"Eh bakit ba ?!"

"Ganun na ba talaga ka lala ang galit mo sa akin para ganunin mo ako?" napalunok ako sa kanyang sinabi.

"Eh bakit ka ba nandito dapat nandun ka sa San Miguel at kasama mo ang iyong asawa." Pag-iiba ko sa usapan, mukhang napansin naman niya na iniba ko ang usapan.

"Bakit mo iniiba ang usapan?" sabi niya, hindi niya napapansin na ayaw kong pag-usapan yong unang topic niya.

Magsasalita na sana ako kaso biglang may umakbay sa akin dahilan para hindi ako makapgsalita.

"What are you doing here?" good thing nandito si Dominique, ngumise lamang si si CJ sabay hawak sa kanyang baywang.

Sa loob ng dalawang taon may nagbago sa kanya, yung dating sakto lang ang pangangatawan ngayon ay sobrang sexy na niyang tingnan.

Napailing naman ako, what kind of thought is that?!

"Ahm, binabahay mo na pala si Margarette no wonder ayaw nang umuwi," Dominique quickly grabbed the collar of his shirt,

"You ! Get the fuck out here." galit na sabi ni Dominique kay CJ, hindi ko na alam ang gagawin ko parehas silang mainit ang ulo eh. Ngumise ng nakakaloko si CJ pagkatapos ay he licked his lower lip

"You ain't the boss of me. I'll walk the fuck outta here whenever I want to." mas lalo pang nainis si Dominique sa kanyang sinabi at mas lalo pang hinipitan ang pagkakahawak.

"You're in front of my house, umalis ka na." giit na sabi ni Dominique.

"Oo nga nasa harap nga tayo ng bahay mo pero this road is not yours so ?" sasapakin na sana siya ni Dominique pero agad ko namang napigilan.

"Tama na , pumasok na tayo sa bahay. Hayaan na natin siya." sabi ko kay Dominique, napabuga siya ng hangin at tumango. Nakahinga naman ako nang maluwag.

Pinauna ko na siya sa loob. Nang makapasok na siya ay hinarap ko si CJ na ngayon ay nakasandal sa hood ng kanyang kotse.

"Pwede ba umalis ka na." Kalmadong sabi ko sa kanya, pero hindi siya nakinig nakatingin lang siya sa akin. Hindi niya ba alam na nakakailang ang mga titig niya.

Napalunok ako nang biglang lumambot ang kanyang mga titig, what the heck CJ don't do that.

"Umalis ka na kasi okay." inis na sabi ko sa kanya, ayaw ko na muna siyang makita naiinis ako sa kanyang ginawa ngayon ang gusto ko umuwi na siya.

Napabuga siya ng hangin, napailing na lamang ako.

"Bingi ka ba ? I told you to go home!" Sabi ko sabay taboy sa kanya, halos itulak ko na nga siya pero napatigil ako sa pagtulak sa kanya kasi.

Naglandasan ang mga luha sa kanyang pisngi, bakit ba siya umiiyak. Nakakainis naman eh.

"Stop crying ?! Bakit ka ba umiiyak, sinabi ko lang naman sayo na umuwi ka na." Inis na sabi ko sa kanya, nakatingin lang siya sa akin at patuloy pading tumutulo ang kanyang mga luha.

Bakit ba ako nakokonsensya.

"Nakakainis ka na CJ, bakit ka ba ganyan ?!" Inis na sabi ko sa kanya, huminga siya ng malalim at pinunasan ang luha niya.

"You're asking why I am crying ? Simply because I'm hurt. For the second time around I saw him with you... protecting you ?! That is supposed to be my duty. Dapat ako ang nasa tabi mo and not him?!"

Halos pumiyok na ang kanyang boses habang sinasabi niya yun, why is he doing this to me.

Marahan akong napapikit.

"Pwede ba ?!" Sigaw ko sa kanya, Napatango naman siya.

"Fine I'll go home, but I won't give up. I'm going to claim what is mine Margarette," Sabi niya sabay pasok sa kanyang kotse pagkatapos ay pinaharurot  na niya ang kanyang kotse. Napabuga ako nang hangin at sinipa ko ang bato sa sobrang inis.

Parang tanga may asawa na siya tapos may  pa ganyan-ganyan pa siya, ginugulo na naman niya ako kainis at umiyak pa talaga siya sa harapan ko pa, hindi niya ba alam na weakness ko talaga yan. 

Forbidden Amore [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon