Kabanata 49: Kidnapped.

50 2 0
                                    

Nasa shed pa rin kaming dalawa, ayaw ko siyang iwan pinal na ang aking disesyon, alam ng Diyos walang kasalanan si Cj. Hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Hindi kita iiwan, nangako tayo sa isa't-isa let's not disappoint ourselves." nakangiting sabi nya sa akin.

"So saan ka muna titira sa ngayon?" takang tanong nya sa akin, plano ko naman talaga bumalik sa San Carlos at doon muna manirahan ulit sa bahay ni Dominique pero naalala ko na magkakapamilya na pala siya kaya ngayon hindi ko alam kung saan.

Marahan ako umiling.

"Hindi ko alam," tipid na sabi ko sa kanya.

"Alam mo doon ka na lang sa secret place." Sabi nya pero kasi baka puntahan ako nila kuya doon magkagulo pa.

"Mi amore, walang mananakit sa'yo kasama mo naman ako." hindi na lang ako nagprotesta at pumayag na lamang ako sa kanyang sinabi.

Binuhat nya ang aking gamit at inilagay nya ito sa trunk ng kotse. Nahihirapan akong maglakad dahil sa hinaba ng nilakad ko kahapon.

Napansin nyang nahihirapan ako agad naman syang pumunta sa akin at binuhat niya ako papunta sa kotse.

"Ahm, kindly open the door please." Inabot ko naman ito at nabuksan ipinasok na nya ako sa loob pagkatapos ay sumunod siya. Nakatingin lang ako sa daan, I'm still thinking what might happened now lalo na ngayon na I'm with him in the same roof.

Alam ko naman na doon din sya titira lalo na ngayon sa kalagayan ko. Wala akong problema doon ang iniisip ko lang kung may mangyayari pa bang masama sa amin.

Mayroon pa bang mas grabi dito. Napabuntong hininga na lamang. Naramdaman ko na lang ang paghaplos ni Cj sa aking pisngi napabaling naman ako ng tingin sa kanya.

"Magiging okay din ang lahat." tipid akong ngumite sa kanya, hindi ko lang kasi maiwasang hindi mabahala lalo sa sitwasyon naming dalawa.

Mga ilang minuto pa ay nakarating na kami sa secret place naming dalawa, inuna nyang ipinasok sa bahay ang mga gamit ko kasunod naman ay ako. Buhat buhat nya pa rin , napatingin naman ako sa kanya.

"Hindi ka ba nahihirapan?"

"Basta ikaw hindi." nakangiting sabi nya , nakapasok na kami sa loob ng bahay at inilapag niya ako sa sofa.

"Hintay ka lang dito ha, magluluto muna ako ng pagkain na makakain mo ha para naman magkaroon ka ng lakas." sabi nya sabay halik sa aking labi, kinuha ko ang phone sa aking bag at napatingin ako sa kanilang mga mensahe.

sumilay ang isang ngite sa aking labi. Miss ko na din sila pero kailangan ko munang sanayin ang sarili ko ngayon sa ganitong sitwasyon.

Humiga na lang muna ako at pinagmasdan ang litrato namin. Isang araw pa lang pero namimiss ko na sila.

"Mi amore, kain ka na oh. I just cooked the easiest food to cook para naman hindi ka na gutomin. I made it with love." sabi nya sabay kindat napangite naman ako sa kanyang ginawa.

"Ganyan dapat, ngite lang mahal ko. Mawawala din ang problemang dinanas natin ngayon." sabi nya sabay halik sa aking noo.

Nagsimula na akong kumain,  sa sobrang gutom ko nadumihan pa nga ata ang gilid ng aking bibig. Agad naman itong pinunasan nya.

Napatingin ako sa kanyang mata, sa kanyang ilong at lalo na sa kanyang labi. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero gusto kong halikan ang kanyang mga labi.

Hinila ko ang kanyang kwelyo at diretsang hinalikan ang kanyang mga labi. Sinasabayan ang bawat galaw, parehas kaming nagpatangay sa ritmo. He cupped my face and he deepened the kiss, its my fault that I initiated it first ngayon hindi ko na siya macontrol.

Hinahalikan nya bawat sulok ng aking labi. His kisses went down to my neck and its tickling my neck,aside from that it feels good I don't know why. Huminto siya at ibinaon nya ang kanyang mukha sa aking leeg.

Ramdam ko ang kanyang paghinga, sobrang pula ng aking mukha ganun din ang kanyang tenga.

"Please, don't initiate first because it drives me crazy and I control my self. Papakasalan pa kita diba." Nahiya naman akong tumango , bakit ko ba kasi iyon ginawa. Ginulo nya ang aking buhok at hinalikan nya ako sa aking pisngi.

"Akyat ko lang itong gamit mo sa kwarto natin." nakangiting sabi nya  napatango na lamang ako , nanlaki ang mata ko nang marealized ko ang kanyang sinabi.

Same bed ? Jusme naman. Kumalma ako nang maalala ko na , rinirespeto niya pala ako bilang babae at wala akong dapat ikabahala.

Gabi na at oras na para matulog , kulang lang talaga pala ako sa pahinga at kain kanina kaya hindi ko maigalaw ng maayos ang binti ko pero ngayon nagagalaw ko na I even took a half bath eh.

I'm on my way to our room , I slowly open the door kasi mas nauna pa siyang natulog sa akin. Maingat akong lumapit sa kanya at pinagmasdan ang kanyang magandang mukha pagkatapos ay hinalikan ang kanyang noo at tumabi na sa kanya. I hugged him and he hugs me back.

Masaya ako, salamat Cj.

-
Almost four days na ako dito, I'm happy at the same sad. Ginagawa lahat ni Cj para lang mapasaya nya ako and I am lucky to have him.

Nasa labas kami ng bahay ngayon nasa harapan ko siya minamassage nya ang aking paa, nagreklmao kasi ako kanina dahil sumakit bigla ang aking paa.

"Mi amore , masakit pa ba ?" sabi nya habang nakatingin sa aking kaliwang paa, ngumite ako sa kanya at hinaplos ko ang kanyang mukha. Napatingin naman siya sa akin.

"Thank you for making me happy and for staying with me." sabi ko sa kanya.

"Ako dapat ang magpasalamat sa'yo kasi, hindi mo ako iniwan. Mi amore , gusto ko sana na makasama ka habang buhay." May kinuha siya sa kanyang bulsa at napatakip ako sa aking bibig.

"Will you marry me? I promise that I will make you happy, I will not promise that I will be a great husband but I will try my best mi amore." nakatingin lang siya sa akin, hinihintay ang aking sagot. Ngumite ako sa kanya at marahan akong tumango , agad naman nya akong niyakap at hinalikan sa labi.

Tumalon siya sa sobrang saya.

"Promise, gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang I love you !" isinuot nya sa akin ang singsing. It has a beautiful stone, it's my birth stone emerald.

"I love you too."

"Dito ka lang ah, ibabalita ko lang kay Zawi." masayang sabi nya sabay pasok sa loob, napatingin ako sa aking singsing ang ganda , hindi ako makapaniwala ikakasal na ako sa taong mahal ko.

Napatigil ako sa pagtingin sa singsing nang mapansin ko na may tao sa aking harapan.

Napaangat naman ako ng tingin, nanlaki ang mga mata ko at agad naman nyang tinakpan ng panyo ang aking ilong. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko gusto kong sumigaw kaso hindi ko magawa nanghihina ang aking katawan..

At nawalan ako ng malay.

Forbidden Amore [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon