In support to my kabsat from Baguio City. My song for this chapter is "KILIG" -originally composed and sung by
Ms. Shawntel Cruz.-----------------------
EDUCATION is wealth. Once you've earned it, it cannot be taken away from you by anyone. It will be one of your best assets and you can have it for a lifetime. A gift you can truly give your parents. ❤
~
♡~♡~♡~♡~♡~
Beatriz
10 years ago.....
Fieldtrip namin nuon sa high school. Pag mga gantong school activity, pinagsasama nila ang junior at senior batch dahil iilan lang ang section per batch sa eskwelahan namin na isang International School. Nasa junior batch ako.
Sa buong Baguio at ibang parte ng Benguet ang napili ng mga guro na pasyalan. Lahat naman ay sumang-ayon dahil gusto ng karamihan na makita ang ganda ng lugar at maramdaman ang malamig na klima ng tinaguriang Summer Capital of the Philippines.
"Papa, please po payagan mo na ako." pagmamakaawa ko sa aking ama.
"Hija, we can go to that place anytime you wanted to. Ayaw mo ba na kami ng mama mo ang kasama mo? Besides, we've been there many times already" pakikipagdebate ng aking ama.
"Mama?" Tumingin ako sa aking ina, nagmamakaawa na tulungan niya ako sa aking ama.
Siya lang naman ang aking tanging spokesperson. Pag hindi uubra sa aking ama, dun ako sa aking ina, sa awa ng Diyos, nakukuha ko ang mga gusto ko sa ganitong paraan.
Nagkatinginan ang aking mga magulang. Napangiti na lamang ang aking ama na tumingin sa akin, hudyat na pinapayagan na niya ako sa aking pakiusap. Napatakbo ako sa kanya sabay yakap.
"Thank you papa. Promise I will behave and I will give you update from time to time. I love you very much" sabay halik sa magkabilang pisngi niya. Ganun din ang ginawa ko sa aking ina. Ramdam ko na masaya rin sila para sa akin kahit na may kaakibat na pag-aalala.
______________________________________________________________
Hindi ko inaasahan na sa fieldtrip na eto mararanasan ko ang magkaroon ng boyrfriend.
Tama ang narinig niyo, nagkaroon ako ng boyfriend sa isang iglap. My first boyfriend.
At hindi ko rin mawari kung ano ang mga nagaganap sa mga sandaling iyon, basta ang maalala ko na lang ay nagkakaasaran ang mga estudyante sa kalagitnaan ng isang bonfire at lahat ng estudyante ay nakatuon ang pansin sa akin.
Namalayan ko na lang ang sarili ko na sumagot ng "OO" sa mga hiyawan nila.
Natulala na lang ako sa mga sumunod na kaganapan ng lumapit sa akin ang tinaguriang heartthrob/badboy ng campus namin, si LUCAS TRENT SAAVEDRA.
Itinayo niya ako sa harap niya sabay halik sa aking noo at bumulong ng "YOU ARE MY FIRST GIRLFRIEND & MY HEART BELONGS TO YOU FOREVER".
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa ultimate crush ng campus. Pero nakita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata. Umikot ang mundo ko nung mga sandaling iyon dahil may lihim akong pagtingin sa binata.
Nagkaroon kami ng sampung minuto na pag-uusap nung kinulong kami sa isang tent. Ang pakiramdam ko nuon? Heaven!
Alam ko, puppy love lang eto dahil mga bata pa kami. At isa pa, ayoko ma-disappoint ang mga magulang ko sa akin dahil pinagkatiwalaan nila ako.
Umaalingawngaw sa utak ko ang pangako ko sa magulang ko, saan na napunta ang pangakong "I will behave?"
Paulit ulit ko itinatak sa isip ko na kasiyahan lamang eto.
Kahit naging laro lang lahat ng nangyari, napasaya pa rin ako ng momentong eto sa buhay ko.
I will cherish every moment in my heart, my first boyfriend and real love forever.
Gaya nga ng napag-usapan naming mga kabataan "WHAT HAPPENS IN BAGUIO, LEAVES IN BAGUIO".
Ang mga sumunod na araw/ buwan sa buhay namin ng aking "boyfriend" ay back to normal na. Pag nagkakasalubong kami sa campus, mga mata na lamang namin ang nangungusap.
Hangang sa tuluyan ng nagkahiwalay ang aming mga landas.... Nag-graduate na batch niya, ako naman ay naiwan para tapusin ang aking buhay high school.
Yan ang pinaka-sekretong itinago tago ko sa aking mga magulang, ang kanilang unica hija ay nakaranas ng magmahal.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
AUTHOR'S NOTE
Hi beautiful people. Thank you for taking time to read my fiction work.
I am a great fan of WATTPAD, I have read a lot of english stories written by Filipino authors and I can say that they are among the best authors ever.
Inspired by their dedication and talent, I have come up to write my own story but I am writing it in Tagalog - English.
Rest assured that you will enjoy my story and I put a DISCLAIMER that no single part was copied from other stories or books published by my favorite authors or other authors as to speak.
Please inspire me more. Just....
VOTE!
COMMENT!
SHARE!
Agyamanak Kanyayo Amin kakabsat, kapamilya at kapuso!
GOD BLESS
jrf 😍
~♡~♡~♡~
You can also check my other novel.
BINABASA MO ANG
My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019
Romance"Think over of my proposal." Nakangiting sambit ng binata kay Beatriz. Yun ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ng dalaga. Inalok siya nito ng indecent proposal o blackmail o kahit ano pa mang itawag dito ay hindi niya lubos maisip na papasukin niya...