Chapter 44

1.6K 59 2
                                    

In respect with OPM & new promising artists,
my song for this chapter is
AKING PAGMAMAHAL composed by JYZZL
sung by Ms. Angeline Quinto.

Proud Pinoy ❤

~♡~♡~♡~♡~

Beatriz' POV

Myerkules. Maaga ako sinundo ni Lucas para sa Ground Breaking Ceremony na gaganapin sa Greenhills kung saan ipapatayo ang bago namin gusali. Ang aking magulang ay maaga ring umalis dahil may pupuntahan daw na kaibigan para personal na imbitahan para sa kasal. 

"Morning love. Ready to go?" Bati ni Lucas pagdating niya. 

"Okay na ba etong suot ko?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko alam kung tugma ang suot kong blue dress sa seremonyas. Siya naman ay naka-casual lang ang suot pero guwapo pa rin tingnan. 

"Of course, very okay. Any dress fits you. Unless you want to change your outfit, I'm willing to help you?" Nakakalokong tanong niya. Sinamahan pa niya eto ng mapang-akit na ngiti.

"Ikaw talaga puro ka biro! Let's go, baka kung ano pa ang maisip mo." Kunwari ay pagalit kong sermon sa kanya. 

"I'm willing to wait. I will undress you endlessly on the wedding night." Bulong pa nito sa tenga ko nung palabas na kami sa may pintuan at sinabayan pa niya ng pagkanta sa chorus ng"Versace on the floor."

Tiningnan ko lang eto ng warning look. Lalo na nung pagsakay namin sa elevator at may ibang mga sakay eto. Nanahimik naman siya na tatawa tawa. 

Mabilis lang ang aming byahe dahil nakarating kami sa destinasyon namin ng wala pang isang oras. 

Pagbaba ko ng sasakyan ay nagulat ako sa lugar. Akala ko bakanteng lote lang eto dahil eto ang patatayuan ng bago naming building, pero parang may stage eto at may mga palamuti. 

"Lucas, can you orient me? You're an engineer, right? Ganito ba ang ground breaking ceremony? Romantic?" Takang tanong ko sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. 

"Oh that? I have no idea. Maybe this is the new concept of bungkal lupa ceremony, unique and romantic." Pabirong sagot niya. 

Nginitian ko lang siya ng ngiting plastic, mukhang hindi naman niya masasagot ng maayos ang tanong ko. 

Buti nakita ko si Hero at Mitch na palapit na sa amin. May dala ang mga etong shovel na kulay ginto may ribbon na pulang nakapalamuti dito. Napansin ko ring ang buong engineering team na nasa site. 

"Morning maam. We will start the ceremony in 15 minutes." Saad ni Mitch sa akin.

"Why is the place decorated? I thought this lot is raw. As in plain and nothing around it?" Tanong ko kay Mitch. Baka sakaling may maisagot siya sa pagtataka ko.

"Naku maam, yung maintenance po natin na inutusan hindi naintindihan ang instruction ko, sabi ko lamesa lang ilagay dito at magdala na ilang upuan pero mali po intindi nila kaya eto kinalabasan." Si Hero agad ang sumagot. 

"Love, don't be bothered too much. You'll only stress yourself, just let it go okay?" Si Lucas naman ang nagsalita.

Hindi man ako makapaniwala sa pagkakamaling sinasabi nila ay pinabayaan ko na lang. Tama si Lucas, marami pang dapat mas importanteng isipin kesa ang simpleng bagay na eto. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kanila.

"Maam, we will start the ceremony now." Si Mitch ang pumukaw sa aking pagiisip.

"It's only 9:30AM, I thought it will be 10AM?"  Tanong ko sa kanya. 

My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon