The secret of joy in works is contained in one word - EXCELLENCE. To know how to do it well is to enjoy it. ~ Pearl S. Buck
~♡~♡~♡~
Lucas' POVLunes. Maaga ako nagising dahil sa natangap ko na text message mula sa aming head engineer sa Cebu project namin. May malaking problema dito at kailangan kong puntahan.
Pagtingin ko sa asawa ko ay himbing na himbing pa eto sa kanyang tulog. Ayoko siyang distorbohin dahil napagod ko eto magdamag. Kahit kailan ay hindi ako magsasawa sa kanya.
Agad akong bumangon at nagtungo sa banyo para maligo at magpalit. 09:00AM ang flight na nakuha ng sekretarya ko. Kung walang aberya, mga 10:30AM ay nandun na ako.
Pagkatapos ko magbihis ay nilambing ko ang asawa ko para gisingin eto. Hinalikan ko siya sa batok pataas sa kanyang punong tenga.
"Love?" Bulong ko sa kanya. Umikot naman eto ng pagkakahiga paharap sa akin. "Love, I need to fly to Cebu this morning." Pagbibigay alam ko sa kanya.
Nung una ay hindi pa nagrehistro sa kanya ang mga salitang sinabi ko, kinuskos niya ang kanyang mata para maging malinaw ang tingin nito. Nang makita niyang bihis na ako, saka lang eto nagsalita.
"Why?" Sambit niya sabay biglang bangon. Akala niya siguro late na siya sa pagpasok sa opisina.
"Sshhh... Go back to sleep, maaga pa. It's only 5 in the morning." Pampakalma ko sa naalimpungatan niyang sarili.
"You're leaving this early? Why?" Tanong niya sa nanlalaking mga mata.
"I need to fix a problem in one of our Cebu projects. I needed to be there today to see what happened." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Bakit hindi mo ako ginising agad? Hindi mo ba ako isasama?" Tanong niya sa akin na may luha nang pumapatak sa kanyang mga mata.
Kung alam ko lang na hindi maganda ang magiging gising nito hindi na muna ako tumuloy sa pag-alis, pero kailangang kailangan ko ring tingnan ang problema sa malaking proyekto namin.
"Ssshh.. Saglit lang ako dun. I just need to see the problem and resolve it. I will come back tonight, that's a promise." Pakiusap ko sa kanya.
Nagulantang ako dahil mas dumami pa ang patak ng luha niya, tuloy tuloy. Hangang sa umiiyak na eto. Hindi ko alam kung bakit eto umiiyak, hindi naman siya ganito kapag umaalis ako nang out of site visit.
"Okay, sige. Hindi na ako aalis. Stop crying now." Pang-aalo ko sa kanya. Ayoko siyang nakikitang umiiyak.
"No, I'm okay. You better go. Mali lang siguro ang gising ko." Sagot niya sabay bangon para ipakitang maayos na siya.
"Are you sure?" Nag-aalalang tanong ko.
"I'm sure. What time is your flight?" Maayos na ang boses niya nung nagtanong siya ulit.
"9:00AM. I will land in Cebu around 10:30AM, I'll go directly to the site. I promise to come home tonight." Pangako ko sa kanya.
Tumango naman eto pero hindi na naman niya napigilan ang pag-agos ng kanyang luha.
"You better go now. I'll be okay. Come home tonight, please?" Nagsusumamo niyang pakiusap.
"Promise. I will keep in touch with you."
Hinatid niya ako hangang sa sala. Tumutulo na naman ang luha niya. Hindi ko alam kung ano ang nagpapalungkot sa kanya. Pag-uwi ko mamaya, kailangan naming pag-usapan eto.
BINABASA MO ANG
My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019
Romance"Think over of my proposal." Nakangiting sambit ng binata kay Beatriz. Yun ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ng dalaga. Inalok siya nito ng indecent proposal o blackmail o kahit ano pa mang itawag dito ay hindi niya lubos maisip na papasukin niya...