Chapter 32

1.6K 52 2
                                    

When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible.
Harry, from 'When Harry Met Sally'

~♡~♡~♡~♡~

Lucas' POV

"Then, let's get married." Walang dudang tanong ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

Wala ring pag-aalinlangan sa isip ko, siya ang gusto kong makasama sa habang buhay. Wala pa kahit sinong babae ang nakabihag sa akin, siya pa lang. Siya pa rin ang Beatriz na nakilala ko 10 years ago. Mas nadagdagan pa ang paghanga ko dahil nakita ko kung paano niya irespeto at mahalin ang kanyang mga magulang. At kung paano niya rin pahalagahan ang kanyang sarili at panindigan ang mga prinsipyo niya sa buhay.

Sa mga nagdaang araw na nakasama ko siya, mas lalo pang tumaas ang respeto at paghanga ko sa kanya. Siya ang babaeng para sa akin walang bahid kahit gahiblang duda.

"Are you out your mind?" Gulat na tanong niya sa akin. Sa wakas nakapagsalita na rin eto mula sa kanyang pagkakagulat.

Kahit naman siguro sino magugulat kapag tinanong mo ng isang bagay na makapagpapabago sa buong buhay mo. Pero ako hindi, seryoso ako at paninindigan ko eto.

"Of course not! We are not getting any younger anymore Beatriz. We both like and love each other. Bakit kailangan pa nating patagalin, ganun din ang patunguhan nun?" Seryoso kong tanong.

"Ibang usapan na yan Lucas. Isa pa, ang bilis ng mga pangyayari sa atin. Parang kahapon lang tayo nagkita, kanina lang kita sinagot, ngayon aalukin mo na ako ng kasal? Daig mo pa ang isang lingong pagibig na kanta." May bahid biro man ang huling sinabi niya pero seryoso pa rin ang mukha nito.

"Correction! We were together 10 years ago, and we've know each other since then. Tsaka isa pa, wala yan sa tagal ng relasyon at pagkakakilanlan, it's how you love and respect each other." Depensa ko naman sa kanya.

"If you're asking me for marriage just to get into my pants, sorry but your reason of getting married is VERY WRONG and UNACCEPTABLE!" Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideyang iyon pero nasaktan ako sa mga sinabi niya.

"Ganyan ba kababa ang tingin mo sa pagkatao ko?" May bahid pagkadismaya sa boses ko. Hindi ko maitago na nasaktan ako sa iniisip niya sa akin. "Hindi mo ba nakita ang sinseridad sa mga ginagawa ko para sa yo? I never did that to any girl Beatriz, sa 'yo lang."

Umupo lang eto at nakatingin sa kawalan. Hindi pa rin nakakabawi mula sa pagkagulat. Tinabihan ko naman siya at tinantya kong ano ang magiging reaksyon niya. Nung tahimik pa rin eto, niyakap ko na siya. Yakap na puno ng seguridad at respeto.

"You may not answer it now. Take your time to think over of my proposal." Bulong ko sa kanya.

Napatingin naman eto sa akin na nakabuka ang bibig, parang may gustong sabihin pero walang salitang lumabas sa bibig niya. Kung hindi lang eto tulala, hinalikan ko na ang mga labi niya. But no, nanaig pa rin ang respeto ko sa kanya.

I have to patiently wait because everything is new to her, but there's one thing that I am sure of, I love and respect this woman.

"Love, are you alright? Talk to me please?" Malambing kong tanong sa pananahimik niya.

"I'm still shocked Lucas. Ang bilis ng mga pangyayari. I can't imagine how things went this far. One thing has led to one another." Tulala pa rin eto sa pagsasalita. "Are you really serious in this marriage thing?" Paninigurado niyang tanong.

My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon