Chapter 10

2.3K 56 7
                                    

Beatriz

Biyernes. Dalwang araw nang nakaraan mula nung naganap ang muling pagkikita namin ni Lucas. Parang dama ko pa rin ang palad niya sa palad ko. Dama ko pa rin ang dampi ng labi niya sa pisngi ko.

Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko, lagi akong aligaga at excited. Para akong robot na nalagyan ng battery.

Ibinaling ko ang atensyon ko sa mga papeles sa harap ko. Kailangan kong magtrabaho para mapukaw ang atensyon ko sa ibang bagay. At kailangan ko din matapos lahat ng trabaho ko dahil hangang Martes ako sa hacienda gaya ng pinangako ko sa aking magulang.

Mag-alas onse na ng umaga at naka-focus na rin utak ko sa mga trabahong ginagawa ko nung biglang kumatok si Mitch, ang sekretarya ko, may dala etong bulaklak. Alam ko na kung kanino galing ang mga eto, kay Alonzo. 

"Mitch, pakilagay na lang sa coffee table ko. Salamat" pakisuyo ko sa kanya. Di ko na hinintay na magsalita pa siya.

Pagkalapag niya sa bulaklak ay lumabas din siya agad. Bumalik na rin ako sa aking trabaho dahil sa dami ng trabahong kailangan tapusin.

Ang pagpapatakbo ng negosyo ay hindi isang laro, madaming trabaho at kailangan maging responsable dahil nakasalalay sa kamay ko ang tagumpay ng kumpanya at ang kapakanan ng mga empleyado namin.

Nung nagsisimula pa lang sa negosyo ang aking mga magulang, unang tayo nila ay isang maliit na grocery, hangang sa lumakas eto, dumami ang kanilang mga kustomer at lumago ginawa na nila etong Supermarket. Hangang sa dumami na mga kakilalang nilang supplier at mga business affiliate, nagtayo na sila ng ibang branch. And the rest is history ika nga, kaya eto ako ngaun, pinag-iigihan pa ng mabuti ang aking pagiging CEO.

Nasa gitna ako ng pag-iisip at pagtatrabaho nung tumunog ang intercom ko. 

"Maam nasa kabilang line po si Engr. Saavedra" bungad ni Mitch.

"Baka hindi para sa akin ang call Mitch. Transfer mo sa engineering department" sagot ko.

"Maam sabi niya sa 'yo daw po." 

"Okay. Just transfer it."  ano kaya kailangan niya sa akin? 

Pagkababa niya ng kanyang telepono ay narinig ko si Lucas na tumikhim sa kabilang linya. 

"Hello Lucas? Napatawag ka? bungad ko sa kanya.

"Morning Beatriz. Mmmmm. Natangap mo ba yung bulaklak na pinadala ko?"  natigilan ako. Sa kanya pala galing yung bulaklak. Akala ko kay Alonzo.
Tumayo ako at kinuha yung bulaklak sa mesa.

Tinangal ko yung card na nakalagay at binasa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tinangal ko yung card na nakalagay at binasa.

"GREAT things start from small beginning" ~ lucas

Natawa naman ako sa message niya. Parang commercial song ng isang chocolate drink. 

"Beatriz, still there? napukaw ang isip ko ng bigla siyang magsalitang muli.

"Yeah. Thanks for the flowers. What's the occassion?" tanong ko 

"A simple thank you for getting my company for your new project." masiglang sagot niya

I see. Kaya pala ganun ang note niya. A new beginning. 

"And to our new friendship" pahabol niya.  

"Yeah. Thanks" maikling sagot ko. 

"By the way, my team is doing all possible ways to expedite your project. You don't need to worry, I'm handling it personally. And wee don't want to bother you that much, we are coordinating directly with your eng'g. team." Impressed ako sa pagiging professional niya. Who would have thought that the "not so serious with education" boy before will turn out to be this good in business. 

"Thank you so much Lucas. This project means a lot to me. I will be forever grateful to you and your team" buong puso kong pasasalamat. "But sorry to interrupt our call, I just have to go back to work. I need to finish tons of paper works. Can I help you with anything else?" tanong ko bilang pagtatapos ng usapan namin. I need to focus on my work.

"Oh sorry if I disturbed you. Nothing else. Hope to see you again anytime soon" may bahid pagkadismaya sa boses niya.

"It's okay Lucas. Yeah, hope to see you around. Bye" 

"Bye, Beatriz."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Lucas

"Bye Beatriz."  Pagkasabi ko nun ay binaba ko na ang aking telepono. Matagal ko ito tinitigan na para bang yung kausap ko ay nasa harap ko.

Damn! Di man lang ako nakapagsalita ng maayos sa kanya. Ang daming tumatakbo sa isip ko na gusto kong sabihin pero ni isa walang lumabas. Hindi ko man lang naitanong ang mobile number niya. Hindi ko man lang siya nayaya ng dinner. Parang hindi ako eto. The great Lucas Trent Saavedra natataranta sa isang babae? Never pa nangyari sa akin eto.

Anong meron siya? Parang wala man lang appeal ang charms ko sa kanya. Karamihan ng babae nahuhulog sa mga ngiti ko pa lamang. Pero siya, parang walang epekto. Isa etong hamon sa akin. Challenge Accepted Beatriz. 

I will let you fall into my charms.

____________________________________________________________________

Thank you for your support.

Please don't forget to: VOTE! COMMENT! SHARE!

hugs & kisses :)

jrf😍

My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon