Chapter 38

1.6K 46 5
                                    

Song for this chapter:
Ready to Run by One D.

---------------------------

With all my heart, AGYAMANAK KANYAYO AMIN ITI SUPORTA! IU!

~♡~♡~♡~♡~

Lucas' POV

Kinabukasan, same routine kami ni Beatriz. Hatid - sundo ko siya sa kanyang opisina. Yun nga lang, sa condo na siya umuwi ng gabi. Kailangan kong tuparin ang pangako ko para hindi masira ang tiwala niya sa akin.

"Love, bukas na ang anniversary ni mommy at daddy. You promised to come with me." Paalala ko sa kanya.

"Okay, dun na lang ako magpasundo kay Mang Nestor pauwing Batangas bukas ng gabi."

"No need, I will drive you home to the hacienda on Saturday morning." Pagboluntaryo ko.

Pagkarinig niya sa sinabi ko ay natigilan eto sa pagluluto at tumingin sa akin na naniningkit ang mga mata.

"Saturday morning?" 'Di makapaniwalang tanong niya.

"The oldies might expect you to stay for the night. Please don't turn them down." May pakiusap at pangongosensyang sagot ko.

"Why do I have this feeling that you've planned everything in your favor?" May akusasyon sa tono niya.

"Of course not! I just want you to be with my family." Pasinungaling kong sagot dahil tama siya ng hinala, lahat ay planado ko na.

"Don't you have something to do this weekend? Ilang araw ka ng nakabuntot sa akin."

"Basta, everything is settled already. I will drive you home. Tapos ang usapan." Kung matigas siya, mas tigasin ako.

Nagkibit balikat na lang eto at hindi na nakipagtalo. Bumalik siya sa pagluluto ng request kong adobo. Mas gumanda siya sa paningin ko, marunong siya sa gawaing bahay. Hindi mo aakalain na ang isang anak mayaman at mala-prinsesang babae na nasa harapan ko ay puno ng kaalaman sa buhay.

Oops! Maliban na lang sa..... Marami raming lessons pa ang dapat kong ituro sa kanya.

"Love, please help me set the table." Malambing na pakiusap niya paglingon sa akin.

Bigla akong nagulat dahil nakita niya akong nakatitig sa kanya. Parang nabasa niyang pinagnanasaan ko sa siya sa aking isipan, hindi man niya isinatinig ang nasa isip niya pero namumula ang mga pisngi niya. Alam na this!

Pagkatapos kumain at makapagpahinga konti ay ipinagtabuyan na niya ako para umuwi.

"Please let me stay here tonight?" Pakiusap ko sa kanya.

"Nope. Hindi pwede. Bawal ang lalaki dito, please go." Tumayo na siya at binuksan ang pinto para palabasin ako.

Wala akong magawa kundi sumunod sa mga patakaran niya. Bilang isang lalaki na sinusuyo ang babaeng gusto ko, kailangan kong irespeto at igalang ang mga hiling niya. Pero hindi ako titigil hangat hindi siya napapasa-akin.

"Okay, fine. I will just pick you up here tomorrow around 3PM." Pagsuko ko sa kanya at tumango naman siya bilang pagkumpirma sa sinabi ko.

Humalik lang ako sa pisngi niya bago umalis. Hindi na ako nangahas na humirit ng halik sa labi dahil ayokong buhayin ang natutulog na si Drogo. Mukhang hindi na uubra sa kanya ang malamig na shower.

Pagdating ko ng bahay ay iba ang atmosphere. EMPTY. Hindi kagaya ng mga nakaraang araw na masaya dahil sa presensya ni Beatriz. Kung maari lang, ayoko nang mahiwalay sa kanya.

My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon