Chapter 22

1.8K 58 4
                                    

Lucas' POV

"We're on our way! See you in a while."

Text message galing kay Diana. Ipinapaalam nito na parating na sila ni Beatriz dito sa resort venue para sa highcshool reunion namin.

Hindi ko matantya ang sarili ko sa nararamdaman kong excitement. Sa sobrang kaligayahan, Biyernes pa lang ng umaga ay nagbyahe na ako papunta dito sa resort. Kagandahan lang dahil eto ay pag-aari ng aking pinsan.

Dahil may prebilehiyo ako sa resort na eto, naayos ko na ang accommodation namin nila Beatriz at Diana. Kinuha ko ang pinakamagandag suite at tig-isa kami. Magkatabi lang kmi ng suite ni Beatriz, yun talaga ang pinili ko para mas malapit sa kanya. Yung kay Diana naman dahil wala ng bakante sa floor area namin ay sa sumunod na palapag ko eto nakuhanan.

"Dude, is everything settled now?" Tanong ni Max. Nadatnan ko sa may front desk area kausap si Albert Campos, presidente ng aming organisasyon.

"Yes. Thank you so much Max for the big help. I owe you one." Pasasalamat ko sa kanya.

"Anything for you boy. I want to meet this special lady you're trying to woo." Sabay tapik sa balikat ko. Nakatingin naman sa amin si Albert . Alam na niya kung sino ang tinutukoy sa usapan kasi isa rin siya sa kasabwat ni Diana sa mga plano.

"Of course, you will meet her. But please, don't spill any bean. You might ruin my good image." Pagbibiro ko sa kanya kahit alam ko naman na malayong mangyari iyon.

Napahagalpak ng tawa si Max. Kahit kailan talaga ako ang paborito nitong asarin. Sabagay, kami ang pinaka-close sa aming magpipinsan.

Napansin ko ang mga receptionist na kanina pa nakikinig sa usapan namin at panay ang pagpapa-cute nung isa sa akin. Yung isa naman ay panay ang sulyap kay Max. Dahil naasiwa ako sa nakikita ko, niyaya ko ang mga kausap ko na magtungo sa Starbucks, pumayag naman ang mga eto. At duon namin ipignapatuloy ang kwentuhan.

"I hope this time, magkatuluyan na kayo ni Beatriz." Narinig kong sabi ni Albert. Ngumiti naman ako sa kanya. "I still remember 10 years back then." Dugtong niya na tumingin sa kawalan parang bumalik sa alaala niya yung gabing kami ay nagkabiruang mga kabataan.

"Really? 10years? Care to share the story, Lucas?" Gulat namang tanong ni Max. Wala talgang palalagpasin eto na kwento, daig pa ang babae.

Naunahan naman ako ni Albert at kinwento niya ang mga naganap nung gabi ng highschool fieldtrip namin. Parang wala ako sa harap nila kung pag-usapan nila ang buhay ko ha?

"Now I know why you never had a serious relationship Lucas." May konklusyon agad ang good boy kong pinsan.

"Wow, dude! Parang nagseryoso ka na sa babae ah? Sa isang gabi ilan ang naiuuwi mo to satisy your needs?" Tumatawang biro ko sa kanya. Biro na totoo, dahil isa talga siyang chickboy in millennial term isa siyang 'fuckboy'.

"We're just the same Lucas. We both count women from one to thousands." Ayaw naman niya magpatalo sa akin. Nagtawanan na lang kaming tatlo.

Humaba pa ang usapan namin. Sari saring opinyon kami sa negosyo, sa aming mga propesyon, pulitika at syempre hindi mawawala ang babae. Sa usaping iyon, bida na naman ang pinsan ko na hindi na namin kinontra pa dahil kung pagdating rin lang sa usaping chicks, siya ang master dito. Pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid dahil sa dumadagundong naming tawanan.

Nag-vibrate ang cellphone sa bulsa ko. Kinuha ko eto at binasa.

"Resort lobby na kami."

Bigla akong natigilan at na-excite pagkabasa ng message ni Diana.

"They're here. Come on, let us meet them." Akay ko sa mga kasama ko. Agad naman silang tumayo at sumunod sa akin.

My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon