Chapter 46

1.5K 39 1
                                    

Beatriz' POV

I am now officially Mrs. Lucas Saavedra.

Paglabas namin sa may pintuan ng simbahan ay sinalubong kami ng masigabong palakpakan at umulan ng confetti sa buong kapaligiran. 

"KISS!" Kinikilig na sigaw ng mga tao.

Nagkatitigan kami ni Lucas at nagkangitian. Pinagbigyan namin ang hiling ng karamihan. 

Pagkaraan ng ilang saglit ay inalalayan na ako ni Lucas sa pagsakay sa aming bridal car. Bago ako pumasok sa loob ay kumaway muna ako sa mga taong pasunod na rin sa amin. 

"I love you so much Mrs. Saavedra. Thank you for making me the happiest man alive." Puno ng pagmamahal na sambit sa akin ni Lucas nung makaupo na kami sa loob ng sasakyan.

"I love you more Mr. Saavedra."  Buong pagmamahal ko ring sagot sa kanya.

Hindi ako makapaniwala na ang lalaking minahal ko sampung taon ang nakakaraan ay asawa ko na ngayon. 

"Let's proceed to the honeymoon." Bulong ni Lucas sa akin.

"Now?" Gulat kong tanong. 

Hindi pa rin niya nakakalimutan ang sinabi niya sa akin na pagkatapos ng kasal ay derecho sa kuwarto ang gusto niya. 

"Uhum... I can't wait anymore." Mapang-akit na bulong ulit nito sa tenga ko na nagdulot ng kakaibang sensasyon sa akin. 

"Mr. Saavedra, we have to be at the reception. Marami pa tayong gagawin." Ninerbyos ko namang sagot sa kanya. 

Gosh! Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng mga sandaling eto. Magkahalong saya at kaba.

"They will understand if we won't be at the reception." Mapilit pa rin niyang pakiusap. Sabay dugtong ng, "besides, I promised the oldies ten grandchildren." 

Kinurot ko siya sa tagiliran. "Konting tiis na lang, love. Ilang oras na lang, iyong iyo na ako. For now, we have to be at the reception first, okay?" Pagbibigay ko ng garantiya sa kanya para tumigil na eto sa pangungulit.

"Okay! I will hold on to your promise." Masiglang sagot niya. Buti na lang sumuko rin eto. 

Huminto na ang sasakyan, pagtingin ko sa bintana ay nasa hacienda na kami. Agad kaming bumaba ng sasakyan at sumalubong sa amin ang pagsaboy ng matatanda ng bigas. Isa lang eto sa libo libo nilang pamahiin.

Walang pagsidlan ang mga bumati ng "Congratulations". 

Naging masaya ang salo salo. Nagsalita ang ilang malalapit na kaibigan at ang aming mga magulang na nagpaiyak na naman sa lahat ng taong nakasaksi sa aming kasal. 

Hiniwa namin ang cake para sa dessert. Hindi sinasadyang nalagyan ng icing ang isang daliri ko at nagulat ako nung dinilaan eto ni Lucas. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa kakaibang sensasyon na naramdaman ko pero ginantihan niya eto ng isang halik sa labi, na mas lalo kong ikinagulat.

"May we now witness the first dance of the newlywed couple." Masiglang tawag ng host sa amin.

Inalalayan ako ni Lucas na tumayo at nagtungo kami sa gitna para sa aming pagsasayaw.

"You are so beautiful." Bulong niya sa akin.

"Thank you for  me giving this glow in my life. You're the reason behind this beauty."  Nakangiting sagot ko sa kanya. Natuwa naman siya at niyakap niya ako ng mahigpit.

Nang matapos ang unang tugtog para aming sayaw ay sumunod naman akong isinayaw ng aking ama.

"Even if you're married now my princess, you will still be my baby. I am so proud of you." Mangiyak ngiyak na sambit ng aking ama. Hindi ko napigilang umiyak pagkarinig ng mga salitang namutawi sa kanya.

My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon