Chapter 24

1.7K 60 6
                                    

Song for this chapter:
Maybe this time by Sarah Geronimo

Lucas' POV

Nagsimula na ang charity event pero hindi pa rin ako lumalabas sa kinaroroonan ko. Gaya ng paulit ulit na instruction ni Diana sa akin, hintayin ko lang ang hudyat niya.  Kaya hindi ko pa nakikita si Beatriz mula pa kanina.

Unang event ay bidding o auction ng memorable items namin nung high school. Eto ay mga bagay bagay na ipinasa ng karamihang alumni ng eskwelahan na may significant values sa high school life namin. Wala pang isang oras ay naubos na ang mga memorabilia at inanunsyo ang halaga ng nalakap na pera.

Kinausap ko naman ang organizer at ang aming presidente na magbibigay ako ng malaking donasyon kapalit ng kopya ng video na pinalabas kanina. Pumayag naman ang mga eto at pinagawa agad ang kopya ko sa IT personnel na naka-assign para dito.

My most precious and memorable item for this event.

"Be ready, my plan is on next queue." Text ni Diana.

"Okay, our next program will be a dating game." Sakto namang narinig kong anunsyo ng host.

"We are three girls competing. I trust your gut feel that you know Beatriz well, her voice and her witty ideas. We're going up the stage now. Good luck!" Text ulit ni Diana.

Bilib din ako sa kanya dahil well organized ang plano niya. Kung siya man ang mangailangan ng tulong ko, I won't hesitate to help her.

"This is our dating game mechanics. We have one gentleman here who donated a generous amount for our charity work. In exchange of this, he gets the privilege to search for a lovely woman to be his date."  Pag-uumpisa ng host.

Kung hindi lang mahirap yayain si Beatriz para maging date sa event na eto, hindi na sana kami umabot sa palabas na eto.

"May we call on our gentleman up stage?" Tawag ng host. Pag-akyat ko sa stage ay lumakas ang hiyawan ng audience, syempre mga schoolmates din namin. "We will name him, 'Mr. Bachelor'. From the research we made, he is one of the most eligible bachelor of  his generation." Kinikilig na sabi ng host.

Ngayon pa lang ako nakalabas ng lunga ko kaya ngayon ko lang din napansin ang disenyo ng stage.

Maganda ang pagkakagawa at romantic ang motif. Nahati eto sa dalawang portion dahil meron etong harang sa gitna. Naghihiwalay sa akin at sa mga babaeng pagpipilian ko.

 "Okay now, may we call on stage the three young ladies." Lalong lumakas ang sigawan ng mga tao. "We call on  lovely lady one" Pumalakpak ang mga tao. "Lovely lady two, please come up now." Tawag ulit ng host. "And last but not the least, lovely lady three." Huling anunsiyo ng host. 

Biglang lumakas ang sigawan at palakpakan ng mga nanunuod sa pangatlong kalahok.

May pumipito pito pa at pinatunog ang mga baso. Bagamat di ko kita dahil sa nakaharang sa stage, alam ko na kung sino yun, si Beatriz. Ang audience impact niya ay mula Batangas abot Maynila. Sobrang lakas ng hiyawan.

"Okay. Silence please." Pakiusap ng host dahil hindi pa rin humihinto ang mga tao sa pagsasaya.

"Thank you!" Pasalamat ng host nung humupa na ang ingay.

"We shall now continue with the program. The lovely ladies were assigned to a charity organization. Whoever wins among the ladies, the charity org that she is bearing will become the beneficiary for some donations and may become their personal charitible institution too. Let's just call it their 'future baby'. It's up to both of them to flourish and nourish 'their baby'."  Pagkasabi niya yun ay nagpalakpakan na naman ang mga tao sa ganda ng idea. All for charity works.

My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon