This chapter is for you ecreif_13. Thank you so much for the 100% support. God bless
- - - - - -
Song for this chapter:
At the beginning by Donna Lewis & Richard MarxBeatriz' POV
"Warm welcome to all of you. I hope you'll enjoy our activites for charity works that everybody will be participating. Cheers to happiness!" Welcoming remarks ni Albert Campos. Dumagundong naman ang palakpakan.
Pagkatapos ng dalawang oras na pagpapahinga ay bumaba na kami dito sa banquet hall ng resort para sa luncheon. Malawak din ang espasyo.
Nagbigay na ng hudyat ang host na pwede na kumain. Tumayo naman kami sa kinauupuan namin ni Diana para kumuha ng pagkain.
'Hi Beatriz! Long time no see! Kumusta ka na?" Narinig kong tanong ng isang tinig ng lalaki sa likuran ko.
Nilingon ko eto at namukhaan ko siya agad. Siya lang naman ang makulit na naghabol habol sa akin para magpapansin at makuha ang atensyon ko nung high school days namin.
"Symon Hodge?" Tanong ko kunwari kahit namukhaan ko siya para hindi niya isipin na 'nothing has changed'.
"Yours truly Ms. Arguello, your one and only." Kumindat eto sabay taas pa ng mga braso niya para ipakita ang mga naglalakihang muscles niya. Wala pa ring nagbago sa kanya, siya pa rin yung self centered 'amboy' na mayabang. Half american - half Filipino eto.
"I'm doing okay, thanks. Welcome to our reunion." Pagkasabi nun ay tumalikod na ako at sumunod kay Diana.
"Wait. Beatriz! Can we talk? For old's time sake?" Eto na nga ba ang isa sa mga rason kung bakit ayoko pumunta sa reunion na eto, makikita ko ang mga makukulit na mga kaklase ko.
Hindi na ako sumagot sa kanya, nginitian ko lang siya sabay talikod ako.
Wrong move dahil tinawag niya ulit ako ng malakas na "Beatriz" kaya napatingin ang mga nasa paligid. Well, well, well.... Nothing really has changed in him, he's still annoying.
"Is everything okay?" Narinig ko ang pamilyar na boses ni Lucas.
Salamat! Sa pagkakataong eto ay magpapasalamat ako sa kanya dahil ililigtas niya ako sa taong makulit na kagaya din niya.
"Love, are you okay?" Tanong niya pagkalapit sa akin sabay tingin ng masama kay Symon.
Napanganga naman si Symon sa narinig at tumingin sa baywang ko kung saan nakapulupot ang isang kamay ni Lucas.
Ako man ay nagulat din sa ginawa niya. Tatangalin ko sana ang kamay niya pero pinabayaan ko na lang. Hayaan ko na lang na isipin ni 'amboy' na may relasyon kami ni Lucas para tumigil na eto sa pangungulit.
BINABASA MO ANG
My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019
Romance"Think over of my proposal." Nakangiting sambit ng binata kay Beatriz. Yun ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ng dalaga. Inalok siya nito ng indecent proposal o blackmail o kahit ano pa mang itawag dito ay hindi niya lubos maisip na papasukin niya...