Chapter 34

1.7K 58 3
                                    

Beatriz' POV

Pagkahatid sa akin ni Lucas ay hindi na ako nag-aksaya ng oras para magtrabaho. Sa isang araw na hindi ako pumasok ay tambak na agad ang trabahong gagawin ko. Kahit pakiramdam ko ay nasa alapaap ako dahil sa aking walang pagsidlan na saya, pinilit ko pa ring ilagay ang aking konsentrasyon sa trabaho.

Hindi ko maiwasan na maya't maya ay hinahawakan ko ang aking mg labi. Ganun pala kasarap ang isang halik, may kakaibang sensasyon sa pakiramdam. Kung hindi ako yumakap kay Lucas kanina, baka natumba na ako dahil sa panlalambot ng aking mga tuhod.

Totoo pala ang sinasabi ni Diana, masarap magka-boyfriend lalo na kung mahal mo. Pero huwag na huwag isusuko agad ang bataan . Malabanan ko kaya ang temptasyon? Kakayanin ko.

Dahil naalala ko ang kaibigan ko, tinawagan ko eto. Baka sabihin lang niya nakalimutan ko na siya. As usual, first ring answered.

"Hello Diana, how are you feeling now?" Bungad ko sa kanya.

"I'm better B. Thanks for yesterday, I really appreciate you checking on me. You're really a good friend. Kumusta ka pala kahapon. Where were you when the earthquake happened." Yun lang, di ko naisip na magtatanong eto tungkol dun.

"So far, so good. I am safe thank God. And so are you." Mababakas ang pasasalamat sa boses ko.

"I am worried of your safety Beatriz. Your condo building is high rise, you better stay in my house, it is safer." Ang daming gustong mag-alaga sa akin, nakakataba ng puso.

Gosh! Paano ko sasabihin sa kaibigan ko na nakituloy ako kay Lucas, kailangan kong sabihin kung hindi, ipagpipilitan niyang sunduin niya ako sa condo.

"I'm okay Beatriz. I have to tell you something but please don't freak out." Pagtatantya ko sa mood niya.

"Okay, go on." Udyok niya sa akin.

Idinetalye ko lahat sa kanya ang mga nangyari kahapon. Pati yung pansamantalang pagtira ko sa bahay ni Lucas, except for the sleeping in one bed together and the kissing scene, for sure she will freak out.

"OH MY GOD! Wait! Isa isahin natin." Nakakabinging sigaw niya sa kabilang linya. "Number 1, boyrfriend mo na siya. Number 2, inalok ka ng kasal. Number 3, nakatira kayo ngayon sa iisang bahay. JUST! OH! MY! GOD!" Gulat at di makapaniwalang inulit lang niya ang mga sinabi ko. Sabi ko na nga ba, ganito ang magiging reaksyon niya.

"Ssshhh... Keep your mouth shut. I'm still on the process of absorbing everything. It all came too fast. Do you think we're doing the right thing?" Sabay tanong ko sa kanya. Kung meron man akong dapat hingan ng payo, walang iba kung hindi siya.

"Of course! From the very 1st day I both saw you, there is spark. You're old enough for this Beatriz. Go, go!!! I will support you all the way. I am so happy for you." Tuloy tuloy niyang salita, syempre hindi na naman ako makasingit.

"Thanks Diana. I love you always and you know that. I know you will find Mr. Right too."

"I know. In this world full of Gerald Amazon, we still have the likes of Lucas left to wait for." My konting bitterness pa rin sa pagbangit niya sa EX-boyfriend niya pero parang tangap naman na niya eto.

"I will visit you again D. Just tell me when are you available."

"Okay, I will keep in touch. I need to go B. My photo shoot is about to start. Bye. Love you." Nagmamadaling paalam niya. Maikling 'bye' na lang ang naisagot ko.

Bumalik na ulit ako sa trabaho. Nakita ko naman ang report update ng engineering sa bago naming building, within this week ay mailalabas na ang aming building permit. Very good news. Sa tingin ko ay maihahabol ang pagpapatayo ng building sa aming 30th year anniversary.

My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon