Chapter 31

1.6K 51 2
                                    

A/N:

To my young readers, a piece of advice from your ate. It is normal to get into a relationship, but please be responsible. Finish your studies because that will be your weapon in life. Make your parents proud. Love you guys ❤

_________________________

Beatriz POV

"He-llo Ma'am?" Nag-aalangan kong sagot sa kabilang linya.

Para sa akin hindi maganda na ang sagutin ang tawag ng ibang tao. Pero ayoko naman na magkaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan si Lucas at ng kanyang ina dahil sa pangako nitong tatawagan niya eto pero naunahan na naman siya nitong tumawag. Kung hindi niya eto sagutin baka tuluyan na etong magtampo.

"He-llo?" May pagaalangan naman sa boses ng nasa kabilang linya. Nagtataka siguro eto bakit ibang tao ang sumagot sa phone ng anak niya at babae pa.

"Good afternoon Mrs. Saavedra, I'm Beatriz a friend of Lucas po. Sorry if I took the call, it's just that he is a bit sick right now." Pagpakilala ko at ipinaliwanag na rin ang kundisyon ni Lucas para maintindihan niya.

"Is he okay? Is everything alright? What happened to my son?" Sunod sunod na tanong niya na may bahid pag-aalala.

"He is fine now ma'am. He just needs to sleep because of the medicine. It was an insect bite."

Naikwento ko sa kanya ang naganap at natatawa siya sa buong pangyayari. Nabangit niya na hindi daw mautusan ang lalaki na magbitbit ng kung ano na makakasira sa porma niya, ngayon lang daw niya narinig na ginawa niya eto.

"Ahhh.. Beatriz right? Thank you for taking care of my son. We really appreciate it. And please just call me Tita Lucille."

"You're welcome ma'am. Please don't worry about him, he is doing better already. I assure you that I will take care of him." Pagbibigay ko seguridad na hindi ko pababayaan ang anak nila.

After all, it's really my responsibility to take care of him this moment because of the favor he did for me.

"Just tita Lucille, hija. Ikaw siguro yung sinasabi niya na special girl. I want to meet you sweetheart." Nabigla ako sa sinabi niya. Baka naman maraming babae ang espesyal sa kanya at hindi ako yun.

Napalingon ako kay Lucas, nakapikit na eto at mukhang mahimbing ng natutulog. Kahit naka-speaker ang usapan namin ng kanyang ina, hindi na siguro nito naririnig dahil tulog na eto epekto ng gamot.

"Oh no tita, baka hindi po ako yun. He has a lot of female friends, not only me." Paliwanag ko sa kanya sabay tingin ulit sa lalaking nakahiga sa kama.

"I know you are the one. He wouldn't dare do romantic things to any girl. Never that I knew of a serious thing in his life."

Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi niya sa akin. Ayoko mag-assume. Sabi nga nila, check first the label.

"Hija, are you still there?" Sinagot ko siya ng salitang 'opo' dahil sa totoo lang di ko pa rin alam ang sasabihin ko sa mga rebelasyon niya sa akin. "Anyway, I want to invite you on Friday. Its our wedding anniversary. I want you to come with Lucas hija."

Kung kanina hindi ako nakapagsalita, ngayon naman ay nakatulala na lang ako. Ano ba etong pinasok ko. Napalingon ako kay Lucas, kung di ako nagkakamali, nakangiti ba eto habang natutulog?

"Please hija, it's my special request to you. We hope you can come on Friday." Pakiusap niya.

"I will try tita." Yun lang ang maikling sagot ko. Ayoko mangako dahil baka hindi ko eto matupad at sumama lang loob nila sa akin.

My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon