Chapter 14

2.2K 54 0
                                    

This chapter is dedicated to my fantastic friends and followers BhricsSanchez weilisabel jaerolaimquiros rhynny

Thank you so much guys for the review and feedbacks. I love you all!

-------------------------------------------

Beatriz

"W-H-A-T???" alingawngaw ng boses ko sa loob ng sasakyan. Tiningnan ko ang magaling kong kaibigan na simpleng nakaupo sa bandang likuran. Parang inosente sa mga nangyayari, kunwari busy sa pagkalikot ng cellphone niya. Kung makakasunog lang ang tingin ko, sunog na siya sa kinauupuan niya.

Tila naramdaman niya na hindi na ako nakatingin sa kanya, bigla etong nagsalita. "Im sorry B, I forgot to tell you na may appointment ako sa hairdresser ko"  painosenteng sabi nito. 

Napatingin ako sa tabi ko, nakangiti rin si Lucas na parang nag-eenjoy sa palabas naming magkaibigan. Bumuntong hininga ako. Pakiramdam ko hinuhulog ako ng sarili kong kaibigan sa kumunoy. 

'Kumunoy ng Pag-ibig' sigaw ng utak ko. Pati ba naman utak ko kampi sa kanila?

"I'll just go back to your office later to get my car" siya ulit nagsalita. The nerve! Parang walang atraso sa akin. Humanda ka sa akin mamaya kang babae ka. 

"Okay! Here we go! Just park in there Lucas" utos niya sa katabi ko sabay turo sa parking space. Kung makautos akala mo ay driver niya eto. Tiningnan ko siya ulit ng matalim pero umiwas eto ng tingin. Nakangiti siya sa may rearview mirror. Napasulyap ako kay Lucas, nahuli ko silang nagkangitian. 

Ano kaya ang plano ng dalawang eto. Sabi ko na nga ba wag silang iwang dalawa. Gusto ko man magpigil ng ihi kanina pero di ko kinaya kaya napilitan ako pumasok sa CR at naiwan ko silang dalawa. At eto na nga ang kinalabasan ng pagpasok ko sa CR. 

'So? Kasalanan pa ng CR?' bulong na naman ng utak ko. Ano na ang nangyayari sa mundo? Pinagkaisahan na ako ng lahat.

Nag-park na si Lucas. Nakita ko naman na naghanda na si Diana sa pagbaba. Bago niya buksan ang pinto, nagsalita pa eto "I'm really sorry B, I just need to have a beautification" paghingi niya ng paumanhin, pero ramdam kong plastik ang pagkakasabi nito.

"Don't worry Ms Averie Beatriz Milagros Arguello, Engr. Saavedra won't harm you. Right Lucas?" nagkatinginan na naman sila. At talagang buong pangalan ko pa ang binangit nito. 

"No harm" bulong ni Lucas na tumingin sa akin ng malagkit. 

"Bye B!" palambing na tawag ni Diana habang palabas na eto ng sasakyan. "You both take care" pagpapaalam niya sabay kaway sa amin.

Kaming dalawa na lamang ang naiwan sa sasakyan. Di ako mapakali. Pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko parang walang hangin sa loob. Nung ilagay niya ang kamay niya sa may sandalan ng upuan ko para lumingon sa likod para iatras ang sasakyan, para akong hihimatayin. Dumantay konti ang kamay niya sa balikat ko. Napaso ako. Parang sinadya gawin yun, may dashcam naman.

"Are you okay?" tanong ni Lucas. Naramdaman rin kaya niya ang kuryente?

"Yeah I'm fine" maikling sagot ko. Tumingin lang ako sa gilid ko sa bintana. Umiwas ako sa malagkit niyang tingin.

"So? How have you been for these past ten years?" pagtatanong niya. Para siguro mawala ang tensyon sa pagitan naming dalawa. 

"Everything is great. I graduated Management at UST. I took one additional  year of learning  Business Ethics in Spain. And I thank my parents because they entrusted to me our business.  Not for bragging, but I'm doing good on the management aspect." paglalahad ko sa kanya sa aking nakamit na tagumpany. Tumatango tango lamang eto habang abala pa rin sa pagmamaneho.

My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon