A/N:
Sorry, but this is less conversational chapter.
It is in this chapter where the lead character is established.-------------------------------------------------
Beatriz' POVLingo ng umaga, maganda ang sikat ng araw.
Naisipan kong magswimming at magbabad sa ilalim ng araw. Gusto ko magdagdag ng konting tan sa aking kulay.
Sa height ko na 5"6' at mala-porselanang kutis na may pagka-rosy red, lagi akong nasasabihan na sumali sa mga beauty pageant.
Marami ding scouting agents ang nag-alok sa akin ng modelling jobs. Commercial at Ramp Modelling.
Nakuha ko ang tangkad at tangos ng ilong sa aking ama na may dugong Kastila. Ang mga ninuno niya ay purong kastila.
Ang aking mama naman ay purong Filipina pero galing sa kilalang angkan kaya maganda rin ang physical features niya.
Nung pinagsanib pwersa ang kanilang mga dugo ay nabuo ako. Isang magandang dalagang Pilipina.
Hindi sa pagmamayabang pero kahit paano ay nabiyayaan naman ako ng yamang ganda.
Pero wala sa mga dito ang interes ko. Hindi rin tumatatak sa isip ko ang mga papuri na nakukuha ko sa ibang mga tao.
Simply lang ang gusto ko sa buhay.
Ang maipagpatuloy ang legacy ng mga magulang ko at makatulong sa mga empleyado ng aming kumpanya.
Business is business pero may malasakit pa rin sila sa mga tauhan nila. Kaya maraming empleyado ang nagtagal sa kanila. Hangang ngayon na ako na ang namamalakad sa kumpanya, andun pa rin ung mga taong nanilbihan sa kanila.
Kasabay ng pag-angat at paglago ng negosyo namin ay siya namang pag-angat ng mga taong tumulong sa pag-unlad namin.
Sa apat na taong pagpapatuloy ko sa negosyo namin, marami na akong na-achieve. Proud ang magulang ko sa akin at lagi nila akong pinagmamalaki.
Their only princess. Only Heiress of Arguello. Their Crowning Glory.
Hindi ko namalayan na sa lalim ng iniisip ko may dalawang oras na akong nakahiga at babad sa araw.
Tumayo na ako at tumungo sa pool para sa isang oras na paglalangoy.
Nung napagod ako, umakyat na ako sa aking kwarto.
Mag-aayos na ako para sa aking byahe.pabalik ng Maynila.
____________________________________________10:00AM May oras pa ako para magbasa ng mga email ko.
Kahit walang opisina ay nagbubukas ako ng email ko para mag-check ng mga importanteng detalye sa negosyo namin.
May 10 new messages ako. Binuksan ko ang isang email na may subject na "New Branch Opening."
Naka-CC ako sa email pero binasa ko pa rin dahil importante eto sa akin. Matagal na naming tinatrabaho ang pagpapatayo ng bagong building sa may San Juan City para sa isang branch namin.
Biglang sumakit ang ulo ko dahil mahaba ang email thread pero ang kabuuan ng laman nito ay may problema sa pagkuha ng building permit.
Nagreply ako sa email.
Reply to All:
"Meet me all tomorrow morning. 8:00AM sharp. Conference Room 1."
______________________________________________
May isa pang email na pumukaw sa atensyon ko.
Subject:
High School Reunion - La Consuelo Escolar (Batch 2008 & 2009)Wow! Pati ba naman sa reunion magkasama pa rin ang mga batch namin.
Just my luck!
_____________________________________________
Pagbaba ko sa dining area ay nandun na ang aking magulang. Naghihintay para sa tanghalian.
Hinalikan ko sila bago ako umupo sa aking pwesto.
"Hija, ipagpaliban mo munq ang pagbalik sa Manila. Spend a little time with us." Sambit ng aking ina.
Tumango lang ang aking ama bilang pag-sang ayon sa mama.
"Mama, sorry I can't. I have a meeting early tomorrow. Remember the new branch we're opening? We have some things to sort out."
"Anak, just for this week?" Tanong ng aking ama.
"Nextweek papa, mama. I promise to stay longer here." Pangako ko sa kanila.
Walang nagawa ang mga magulang ko kundi sumang ayon na lang sa akin. Alam nilang di nila ako mapipigilan lalo na pagdating sa trabaho.
Pagkatapos kumain at magkwentuhan ng ilang oras, naghanda na ako sa aking pagluwas.
Hatid sundo ako ng driver namin. Si mang nestor, asawa ni nanay flor.
Pag byernes ng gabi, sinusundo niya ako sa condo. Pag lingo ng tanghali, hinahatid niya ako pabalik ng Manila.
Ganyan ang routine ng buhay ko.
_______________________________________________
Thank you for your support.
Please don't forget to: VOTE! COMMENT! SHARE!hugs & kisses :)
jrf 😍
BINABASA MO ANG
My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019
Romance"Think over of my proposal." Nakangiting sambit ng binata kay Beatriz. Yun ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ng dalaga. Inalok siya nito ng indecent proposal o blackmail o kahit ano pa mang itawag dito ay hindi niya lubos maisip na papasukin niya...